Chapter 7: Unexpected

1743 Words
Alina "Good Morning!" Masayang wika ni Sky nang makita niyang namulat ko na ang aking mga mata. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sakaniya habang umuunat. Nakasuot na ito ng pang-alis kaya nag tataka ako kung saan siya pupunta. "Diba may lakad tayo? Dadalaw pa tayo kay Nicole, gusto ko siyang makilala" Ani nito saakin na ikinangiti ko kaya tumayo na ako sa higaan at tumungo sa banyo. Tatlumpung minuto ang lumipas bago pa ako nakalabas ng banyo. "Ang tagal mo palang maligo miss president, buti hindi ka kinain ng sabon at shampoo mo" Sarkastikong wika nito saakin. "Ha?" Tanging tanong ko sakaniya. Hindi ko nagets ang kaniyang sinabi kaya wala nang lumabas sa bibig ko kundi ang salitang iyon. "Wala pres, tara na?" Pag-yaya nito saakin. "Let's go" Masaya kong wika sakaniya at bumaba na kami upang kumain, maya maya pa ay natunton na namin ang hapag kainan. "Good Morning baby" Masayang pag bati ni mama saakin. "Morning ma, where have you been these past few days?" Tanong ko kay mama "A-ah..mhmm..Just a business trip anak, kumain na kayo dito. mukang may-lakad ah" Umupo muna kami ni Sky bago ko sinagot si mama. "Yeah, dadalaw po kami kay Nicole." Sagot ko rito "Bakit? may nang-yari ba?" Tanong nito saakin na halata ang pag-aalala. "Kilala mo po siya?" Nag tatakang tanong ni Sky kay mama. "Akala ko ba'y bibisita pa kayo kay Nicole?" Pag iiba ng paksa ni mama. Kumain na lang kami ng mabilisan at sumakay sa sasakyan pag tapos kumain. Mabilis lang ang byahe kaya nakarating kaagad kami sa Hopistal kung saan nandoon si Nicole at ang kapatid niya. "Nicole Quarez?" Tanong ko sa nag che-check ng list of patient. "Room 201, 2nd floor ma'am" Sagot nito saakin. Nag tungo na kami sa second floor para dalawin si Nicole, nang makarating na kami ay nadatnat namin siyang namumula ang mga mata at tuloy-tuloy ang pag agos ng kaniyang mga luha. "Nicole? What happened?" Tanong ko sakaniya ngunit wala pa rin itong imik kaya lumapit kaming dalawa ni Sky upang tanungin muli siya. "What's going on?" Tanong ko muli sakaniya. "Nothing, I'm just worried about my brother" humahagulgol niyang saad saakin kaya niyakap ko siya ng mahipit nang sa ganon ay mabawasan ang sakit na dinadala niya. "Thank to you for this wonderful hug" Pag papasalamat niya saakin kaya ngumiti at tumango na lang ako. "Btw this is Sky Villiena, Sky this is Nicole Qaurez" Pag papakilala ko sa kanilang dalawa sa isa't-isa. "Nice to meet you Nicole" Wika ni Sky kay Nicole at may biglang tumawag sakaniya kaya nag paalam muna siya saamin. "Excuse me, sagutin ko lang 'to Alina at Nicole ha!" Pag papaalam niya saamin. "Sure, Take your time" Pag sang-ayon ko sakaniya. Tinuunan ko ng pansin si Nicole dahil nakatulala ito sa kisame, gusto kong tawagan si Kaycee dahil siya naman talaga ang nakakakilala sa pag katao nito, siya din ang nakakaalam kung gaano ito kabait kaya ipinakilala niya saakin si Nicole kaso sa ngayon ay lungkot ang nakikta ko sakaniya. "Nicole?" Mahina kong banggit sa pangalan niya. "Yes?" Nakangiti nitong tanong saakin pero malungkot naman ang mga mata. "I know you've been through a lot, but always end the day with positive thoughts. Always look for the brighter side, no matter how hard things are." Maiksing paalala ko sakaniya. "Thank you Inah, Ang sakit kase dahil ako ang may dahilan ng pag ka-aksidente niya" Pag papaliwanag niya saakin. "What do you mean?" Tanong ko kay Nicole "Umalis kase yung parents namin, nakalimutan kong kuhanin sa kapatid ko yung susi kaya ayon pag kauwi ko ay nag aabang na pala sila Mom and Dad saakin. Nakita kase kita sa tapat ng SAA kaya nag tagal ako don para makausap kita kaso nga lang sinundo ka ng maaga." Pag kwe-kwento niya sa nang-yari. "Don't tell me, ikaw yung tumawag sa'kin nung araw na 'yon?" Tanong ko. "That's me Inah, hinihintay kitang lumingon para makausap kaso hindi mo naman ako napansin" Pag papaliwanag niya saakin. "I'm sorry, you can ask me now if you want to" Nakatungo kong wika sakaniya. "I will, back to the topic. Nakauwi ako sa bahay non ng 7pm and then naabutan ko sila sa pinto at hinanap nila saakin yung susi, binuklat ko yung bag ko kaso wala don kaya sinabi ko na nasa kapatid ko...umulan din kaya basang-basa kami, ilang oras ang nakalipas kadadating lang ng kapatid ko na galing sa galaan at sinalubong siya ni Dad sa gate, pag bukas ng gate ng kapatid ko ay biglang napag buhatan ni Dad ng kamay kaya ayon inihagis niya yung susi saamin at umalis muli siya. ilang sandali pa non ay nakatanggap kaagad kami ng tawag mula sa Hospital na 'to at sinabi nila na naaksidente yung kapatid ko." Kwento ni Nicole ng bigla umagos ang kanyang luha muli. "Alina, I need to go home tumawag na kase si mama." Pag papaalam ni sky saakin pag katapos niyang sagutin ang sagot mula sa kanyang telepono. "Sige, see you tom." Nakangiti kong wika sakaniya. Umalis na si Sky kaya kami na lang ang naiwan ni Nicole sa kwarto, ipinaliwanag ko kay Nicole ang dahilan kung bakit ako lumipat at naiintidihan niya naman daw si papa. "Tara, puntahan natin yung kapatid ko" Pag-yaya nito saakin kaya agad naman kaming lumabas ng kanyang kwarto at dumeretso sa kwarto ng kanyang kapatid. Pag bukas ng pinto sa kinaroroonan ng kanyang kapatid ay maaamoy mo kaagad ang mga bulaklak na nakapaligid dito, maliwanag na mga ilaw at malamig na hangin ang iyong madadama. Lumapit kami sa kapatid niyang nakahiga at madaming sugat at gasgas ang katawan kaya hindi mo talaga ito makikilala ng wasto. Hinawakan ni Nicole ang mga kamay nito at biglang tumulo muli ang kaniyang luha "I know this is my fault, ako yung dahilan kung bakit ka napapahamak sa lahat sana gumising ka na jan dahil nag hihintay ako sa'yo. sisiguraduhin kong hindi na ako mag papakita nang sa ganon ay mabuhay ka ng payapa." putol-putol niyang wika habang umiiyak. pinag mamasdan ko lang sila pero bakit parang ang layo ng kanilang muka sa isa't-isa, hindi ko na 'yon pinansin nang malaman ko na si Lance pala ang nakahiga sa kama. Hinawakan ko si Nicole sa balikat at tinapik siya. "Nicole, s-si Lance 'to, hindi b-ba?" Utal-utal kong pag tatanong sakaniya. "Oo, he's my stepbrother." Diretso nitong sagot kaya ako'y napatitig na lang. Time moves swiftly onward pinag kwe-kwentuhan na namin kung paanong nang-yaring mag kapatid sila. "Explain everything, I'm confused." Wika ko kay Nicole "Kapatid ko siya sa tatay, ako ang pumasok sa buhay ni Lance kaya nag kagulo-g**o yung buhay niya nang dahil saakin. Iniwan daw ako ng totoo kong nanay nung ipinangank niya ako kaya kahit isang muka niya ay wala akong nakita." Pag kwe-kwento niya. "Teka, bakit hindi Vasco ang ginamit mong apelyido?" Tanong ko kay Nicole "Bakit ko gagamitin 'yon e makakasira lang ako sa imahe ni Dad saka okay nang hindi nila malaman na isa akong Vasco dahil habulin ng babae si Lance at baka mapaaway pa ako" Sagot niya sa aking tanong. "Bakit mo naman nasabing makakasira ka sa imahe ng tatay mo" Huling pag tatanong ko "Because they thought my mother is a paramour and they thought that I'm just a child from a stranger, that's why I don't want to use my father's surname." Huling sagot niya saakin at agad na nanlaki ang mga mata ko. "May problema ba sa sinabi ko?" Tanong niya naman saakin. Umiling lang ako at umalis na ako sa kanyang harapan. Ang lakas ng t***k ng puso ko, nasabi na saakin ito ng aming kasambahay na ang tingin sakaniya ng iba ay isang paramour. hindi kaya... N-no... Imposibleng si manang Marielle ang tunay na nanay ni Nicole... Umuwi ako ng wala sa oras, dali-dali akong pumasok sa pintuan ng aming bahay at umakyat sa itaas upang hanapin ang resume ni manang. maya maya pa ay pinasok ko ang opisina ni papa ng walang pahintulot, kinalkal ko lahat ng mga dokumento at wala akong nahanap kundi ang mga patungkol lang sa kaniyang negosyo kaya napaupo muna ako sakaniyang Leather chair at huminga ng malalim. tatayo na sana ako nang biglang mag salita si papa... "What are you doing here Alina?" Pag-tatakang tanong nito saakin. "P-po? A-ahh a-ano po kase..." Utal kong saad kay papa at halata naman nito ang aking kilos. "Ano Alina? anong hinahanap mo?" barakong saad nito saakin kaya umisip kaagad ako ng idadahilan. "Ano po...A-ahmm...Hinahanap ko po kase yung dokumento ko sa SAA at gusto ko na pong bumalik sa St. Laurellian" Palusot kong sagot kay papa kaya agad naman itong napatango. "Hindi muna sa ngayon Alina, tapusin mo muna ang isang taon mo doon at handa akong ibalik ka sa St. Laurellian pag katapos" Pag sang-ayon ni papa saakin. Lumabas na ako sa opisina niya at ramdam na ramdam ko ang nag iinit kong tenga at nag sisitaasang mga balahibo sa aking braso. "Okay ka lang ba?" Tanong ni manang saakin pag kalabas ko ng pintuan sa opisina ni papa. "Opo, salamat po" Sagot ko sakaniya. Paalis na sana si manang ng mag salita muli ako. "Manang, may anak ka po ba?" Wala sa sarili kong tanong. "Oo, malayo siya saakin at alam kong protektado siya ng kanyang ama" Sagot niya saakin at tuluyan nang lumayo sa kinaroroonan ko kaya tumungo na ako sa aking silid upang mag pahingi ngunit natagpuan kong may kumikinang sa ilalim ng aking kama. Pinulot ko ito at ito pala ay isang kwintas na hugis puso, binuksan ko ang hugis pusong kwintas at nakita ko ang litrato ng isang sanggol na halos kamuka ni Manang. "Ito pala ang anak niya" Bulong ko sa aking sarili at nag pasiya na akong humiga at matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD