Chapter Thirty-eight

1823 Words

"HANGGANG kailan ka ba ganyan, ha? Ano pa ba ang kailangan para matauhan ka na?!" Nagsalubong ang mga kilay ni Slater nang marinig ang tinig ng kanilang ina mula sa loob ng bahay. Kararating pa lang niya sa kanilang tahanan dito sa Antipolo. Maingat siyang pumasok sa kanilang gate dahil nais sana niyang i-sorpresa ang kanyang mga magulang, walang nakakaalam sino man sa mga ito na darating siya ngayon. Pero mukhang wrong timing ang pag-surprise niya sa mga ito. Hindi pa man lang siya nakakapasok ng bahay ay ang malakas na tinig na kaagad ng ina niya ang sumalubong sa kanya. "Paano na lang kung wala na kaming maibigay sa 'yo ng Itay mo? Ano ang mga kapatid mo naman ang piperwisyuhin mo?" narinig niyang dagdag pa ng ina. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang front door ng kanilang bahay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD