Chapter Thirty-One

2050 Words

MALAPAD ang ngiti na nakaplaster sa mukha ni Moira nang bumaba siya ng kotse. Napahugot siya ng malalim na hininga habang nakatanaw sa pinakamantandang gusali na nasa campus ng unibersidad nila. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng napakaraming gabi na hindi siya nagkaroon ng maayos na tulog, mga pagtatalo at luha na iniiyak nila para sa kanilang thesis; ngayon ay magma-martsa na sila at tatanggapin na nila ang kanilang diploma. "Anak, heto isuot mo na 'to," tawag sa kanya ng mommy niya. Tangan nito ang kanyang itim na toga. "Mom, mamaya pa 'yan 'di ba? May pinning ceremony pa kami," nangingiting sabi niya. "Oo nga pala," natawa ring sabi ng kanyang ina. "Sorry, masyado lang akong excited. Alam mo namang ito ang unang beses kong um-attend ng college graduation rite ng anak ko, eh."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD