NAKAPIKIT pa na kinapa ni Moira ang cellphone niya sa ibabaw ng beside table. Nang makuha iyon ay agad niyang ini-off ang alarm nito. Iniliyad niya ang kanyang mga braso at muling ipinikit ang mga mata. Ilang minuto rin siyang nasa ganoong ayos bago siya kumilos at naupo sa kama. Nag-inat siya ng katawan bago siya tuluyang bumangon. Paglabas niya ng silid ay bumungad sa kanya ang mabangong amoy ng sinangag na kanin. Nakangiti niyang tinungo ang kusina at naabutan niya roon ang kaibigang si Perrie. "Good morning!" nakangiti niyang bangon dito. "Anong almusal natin?" "Corned beef at itlog, 'yan lang ang nakita ko d'yan sa ref at cabinet mo, eh," tugon nito na patuloy sa paghalo sa isinasangag na kanin. "Mamaya ako mamimili ng stocks natin. Kung hindi talaga ako mamimili hindi magkakalaman

