Simon's POV "Mukhang masaya ang kapatid mo." Tinignan ko si Sam, mukha nga. Nakangiti na nga e, madalang ko lang siyang makitang ngumiti. "Sana palagi siyang ganyan." Sambit ko kay Ken na mukhang nagkakaroon na ng pakialam sa mundo. Dito kami nag la-lunch sa student council room at isinama narin namin si Sam kasi gusto rin naman siyang makasama ng mga kaibigan ko. "Kanta ka nga nerdybabe!" Pakakantahin talaga nila kapatid ko? Baka kapag narinig lang nila boses niyan e mahiya sila bigla. Kapatid ko kaya yan! Manang-mana sa akin, ganda ng boses ng kuya e. "Ayaw ko nga, ano kayo sinuswerte? Kumakain kayo tapos ako pakakantahin niyo?" Masyado narin siyang dumadaldal ngayon, nakakapanibago. "Grabe sige naman na." Paawa ni Accel pero inirapan lang siya ni Sam. "Oo nga nerdybabe, gusto na

