Matamang tinitignan ni Ken ang larawan na hawak.
His ex-girlfriend. Atasha!
[ Flashback ]
Napaka-busy ni Ken habang naga-ayos ng kaniyang sarili. This is very special day. 2nd anniversary nila ni Atasha, his loving girlfriend.
"Easy dude! Mababasag na iyang salamin dahil sa kakatingin mo sa sarili mo." Natatawang sambit ni Carl habang tinatapik siya sa kaniyang balikat.
What he can do? He's too excited about this. Really.
"Ayos na ba itong ayos ko?" He asked his friends.
Isa-isang nagtanguan ang mga ito kaya naman napangiti siya. Pero biglang naghabol ng pangungusap si James. "Yes, pero ako ang mas gwapo." Sambit neto kaya nakatanggap ng mga pagbatok.
Napailing nalang siya habang nagmamaneho. Nae-excite siya sa mangyayari mamaya. Masyado niya itong pinaghandaan kaya sana magustuhan ng kaniyany nobya.
Nakapunta na siya sa Venue kaya ini-text niya kaagad ang dalaga na naghihintay na siya.
Matapos ang halos apat na oras ay walang dumating na Atasha. Napupuyos na ang kandila pero wala pa rin. Naramdaman niya ang pag-brivate ng kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa kaya naman kaagad niyang kinuha ito.
I'm so sorry Ken. Hindi ako makakapunta, ngayon ang biyahe ko papuntang Canada kasama si Niko. I'm so sorry, binalikan ako ni Niko at mahal na mahal ko parin siya kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataon. I want to be with him for the rest of my life, not to be with you Ken. Mahal kita pero mas mahal ko si Niko.
[ End Of Flashback ]
Napuno ng tilian ang bawat sulok ng corridor ng dumating ang WINSTON. Napakalakas ng dating ng mga ito kaya naman halos mabaliw na ang mga babaeng mapapadaan.
"Bruks, lahian mo ako please!"
"Simon. Ang gwapo-gwapo mo!"
"Kyaaahhhh, Ken be mine nalang!"
"Hoy girls, akin lang si Accel."
"Epal."
"Baby Matt, gawa nalang tayong baby. Kyahhh!"
"Carl ko, ang cutie mo."
"James, date tayo mamaya!"
"Kurt, why so hot?!"
"Ken!"
"Simon!"
"Accel!"
"James!"
"Matt!"
"Kurt!"
"Bruks!"
"Carl!"
"Magaganda sana ang mga iyan kaso ang sakit sa tenga!" Naiiling na sabi ni Matt.
"Huwag ka ngang ganiyan Matt. Atleast nga marunong silang maka-appreciate ng mga gwapong kagaya natin. Atsaka pasado naman sa taste mo." Sambit ni James habang kinikindatan ang ibang mga babae kaya naman halos magtatalon na aa tuwa ang mga ito.
Binatukan kaagad siya ni Accel.
"Aww! Para saan naman 'yon?" Tanong neto.
"Para sa'yo 'yon gago! Napaka-babaero mo!"
"Tsk!"
"Ang sakit sa tainga ng tilian nila. Konting-konti nalang mababasag na eardrums ko." Reklamo ni Simon.
"Tss. Hayaan mo na, ganiyan talaga kapag guwapo."
"Kahit kailan talaga, James!"
Napadaan naman sila sa classroom ng 4A. Nahagip ng mga mata ni Ken ang natutulog na si Samantha sa may bintana. Wala kasi ang professor neto, dahil may meeting.
"Tara! Pasok tayo rito." Sabay turo ni Ken sa classroom bg 4A.
Nagtatakang tumingin sa kaniya ang mga kaibigan.
"Anong gagawin natin diyan?"
"Magtuturo."
"Huh?!" Sabay-sabay na sambit ng Winston.
"Wala kasi iyong teacher nila, may meeting. Kaya tara!"
Pumasok na sila sa room at hindi parin natatapos ang mga tilian ng mga babae.
Nagsimula na ngang magturo ang walo. Ang mga babae sa room ay kinikilig parin. Ang iba naman halos maghubad na sa harapan ng WINSTON. Nagulat ang lahat ng biglang lumapit si Ken kay Sam na hangang ngayon ay natutulog parin, tinulak niya ang noo nito at 'yun na ang dahilan kung bakit nagising si Sam. Namilog ang mga mata ni Sam ng makita niya ang mukha ni Ken.
"B-bakit?" Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan at biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso.
Ken is smirking at her. "Sleeping huh? Ms. Rivera, kindly explain to us what is the meaning of X-Ray?"
Napalunok naman si Samantha. Mabuti nalang nag-advance-reading siya.
"X-ray..."ttunmikhim siya dahil natutuyuan siya ng lalamunan. "X-ray is the high energy steam of electromagnetic radiation having a frequency higher than that of ultraviolet light but less than that of a gamma-ray. X-ray is absorbed by many forms of matter, including body tissues, and is used to produce images of internal structure." Mahabang paliwanag niya kaya napangang ang lahat. Pati narin ang WINSTON.
"O-ok, take your seat." Ani Ken na hindi parin makapaniwala.
Mula sa harapan ay pangiti-ngiti si Simon dahil sa ginawa ng kanyang kapatid.
Tsss, chamba lang 'yun.
Sabi ni Ken sa kanyang isipan.
"Dismiss!" Sabay-sabay na sabi ng Winston.
Halos magrampahan ang mga babaeng estudyante sa harapan nila palabas ng pintuan.
Nang makalabas na ang lahat ay lumapit ang Winston kay Samantha na naiwan lang.
"Hindi ka ba kakain kapatid?" Tanong ni Simon sa kaniya.
Umiling lang siya. "Hindi na kuya, atsaka hindi naman ako gutom."
"Hi Nerdybabe." Kalandiang sambit ni James kaya naman napangiwi si Samantha at inirapan ito. Sinusuway naman ng iba si James.
Nang mapagawi ang tingin niya kay Ken ay nag-iwas kaagad ito ng tingin. "We have to go."
"Sige mauna na kami, Samantha. Kumain ka ah!" Paalala ni Simon sa kapatid at bago umalis ay hinalikan niya muna ang kapatid sa noo.
Napangiti naman si Samantha at hindi iyon nakatakas sa paningin ni Ken.
Napangiti narin siya. Nakakahawa kasi ang ngiti ni Samantha.
At gustong-gusto niyang ngumiti ito.