Sam's POV Bigla kong binuksan ang pintuan, syempre sinadya ko. Tumingin naman ang walong mokong sa akin. Lahat sila mukhang problemado. "Saan ka galing halimaw ka?" Bungad sa akin ni Ken. Ang kulit niya, ayaw na ayaw kong tinatawag akong halimaw e. Gusto ko MONSTER, iyon lang bakit ba? Nakakainis talaga siya, ang sarap sipain. Mukhang hindi pa nakontento doon sa mall, gusto pa yata ng pangalawa. Sinamaan ko nga siya ng tingin. Napatigil naman siya sa paglalakad papunta sa gawi ko. Kahit kailan talaga hindi mawawala ang pamatay-tingin ko. "Diyan lang sa tabi-tabi!" Pagpapalusot ko, lumapit sa akin si kuya kasunod na din niya yung iba! Nagulat na lamang ako nang bigla niyang hilain ang tenga ko. "Putek! Masakit kuya!" Nakangiwi na ako sa sobrang sakit ng pag-pingit niya sa akin! Pakir

