Author's POV Nasa may gate na si Sam. Papasok na sana siya ng may humila sa kaniya dahil sa pagkalakas ng pagkahila ay parang nabinat ang sugat sa kaniyang tiyan. Pagkatingin niya ay nakita niya si Matt. Sapo-sapo niya ang kanyang sugat at nahalata ito ni Matt. "Bakit? May masakit ba sa'yo, Sam?" Nanlaki kaagad ang mga mata ni Sam at mabilis na umiling. Puno naman ng pag-aalala si Matt. "Wala ito. N-nae-elbm lang ako." Pagsisinungaling niya kaya naman medyo napangiwi si Matt. "Ahm, sige. Mag-cr ka muna." Binitawan niya ang dalaga. Kumaripas naman ng takbo si Sam papunta sa kanyang classroom. Matt's POV Papunta na akong school ngayon. Bigla kong nakita si Sam. Biglang umaliwalas ang araw ko. It's such a good start for this day. Hinapit ko siya palapit sakin nung napalakas yata ang

