Author's POV Palabas na sana si Sam sa kanyang classroom nang may biglang humila ng kanyang buhok. Pagkalingon niya nakita niya si Laura na pinanggigigilan ang buhok niya. Nagda-dalawang isip si Sam kung gagantihan niya ba ito o hindi ngunit hindi na siya nakapag pigil nang iikot-ikot na ni Laura ang kanyang buhok. Sh*t! Hindi ko nga siya pwedeng labanan e. Sam mag-isip ka naman, hindi ka ba talaga lalaban? Bahala na basta huwag kang lalaban. Ipinagpatuloy lamang ni Laura ang kanyang ginagawa at ang mga kasama naman neto ay sobra ang kakatawa. "Ano nerd? Ang galing-galing mong lumandi pero dito lang talunan ka?" "Ano bang problema mo? Sa ating dalawa ikaw ang malandi, huwag mong baliktarin ang usapan Lau---- putek!" Sigaw ni Sam nang bigla siyang sipain sa Sikmura ng isa sa mga kasama

