Sam's POV "Black Princess!" Bati sa akin ni Xander. Ang hyper niya naman ngayon. As always naman talaga e pero dati. Simula kasi ng mamatay si Gwyneth parang nawalan narin ng gana sa buhay itong si Xander. Hindi na siya 'yunh masyadong kalog na katulad ng dati. Ngayon ay mas tahimik siya. Salamat naman ngayon at bumati siya ng ganyan. Hay nako naalala ko tuloy si James, pareho kasi sila ni Xander kung umasta. Alam niyo ba kung paano ako narito ngayon? Wais yata ito, syempre tumakas ako. Minsan lang naman kaya pagbigyan niyo na ako. Para nga akong tanga kanina na tumatakas e. Akalain mo ba naman na maramdaman mo na parang binabantayan ka ng mga mokong na 'yun? Paano ka kaya makakatakas diba? "Nasan na ang iba?" Tanong ko sa kaniya. Itinuro niya gamit ang isang daliri niya ang isang

