Matt's POV "Hey brod!" Bati sa akin ni Jason at nag man-hug kami pero iyong sa kaniya parang ayaw na niya akong bitawan. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin na parang hindi na kami magkikita pa. Ako na ang kumalas ng yakap kaya napakamot nalang siya sa kanyang batok. "Sorry ah, nadala lang, matagal ka na rin kasing hindi napapadalaw dito sa gym." Pagpapaliwanag niya kaya naman tumango na lamang ako at naglakad na, sinabayan niya nanan ako. "Ano bang pinagkakaabalahan natin?" Pagtatanong niya niya kaya naman umandar na naman ang aking radar. "Babae..." Sabi ko na may pag-ngisi pa. Napatigil naman siya sa kaniyang paglalakad kaya napatigil na rin ako. Bigla nalang umitim ang aura niya kaya naman nagtaka kaagad ako. "Babae?" Pag-uulit at madiing sabi niya. Bakit ba ang moody neto ng

