Simon' s POV 'Di pa rin ako mapakali, lahat kami. Ano na kayang ginawa ni James sa kapatid ko? Malaman ko lang na may masama siyang ginawa, gago siya. Mga ilang oras na silang wala. 'Di pa rin sila dumadating. Sumasagi sa isip ko na baka na traffic lang naman pero iba talaga ang kaba ko, si James ba naman? Kabadong-kabado talaga ako. Sana walang nangyaring nasama sa kanila. "Sundan nalang kaya natin?" Pagde-desisyon ni Matt na kanina pa rin balisa. 'Di naman namin alam kung saan pupuntahan ang dalawang 'yun kasi hindi naman namin ma-track ang cellphone nila, pati ang GPS. That stubborn woman! Bigla na lamang may nag-doorbell kaya naman nabuhayan ako kaagad ng loob, baka sila na iyon. Tumakbo kaagad kami sa may pintuan at binuksan ito. Nakita namin si Sam at James. Nakaakay si Sam

