CHAPTER 6 - TRUTH OR DARE
"Saan ka galing? Bakit nalate ka?"
Katabi ko pa rin dahil hindi na siya lumipat ng pwesto, sila Luiz at Bella naman ay nawala siguro naglilibot na naman ang dalawang iyon.
"Sa office, may inasikaso lang sa tungkol sa issue ng isang model" sabi niya napatango lang ano habang pinapanood siya sa pagpaikot ng baso ng alak sa ibabaw ng lamesa.
"Buti sumama ka papunta rito" Medyo lasing na siya kaya panay na ang tanong niya
"Ah yeah, wala kasi akong gagawin ngayon saka nung last week ata pa ako inaya nila Luiz na pumunta raw dito" Sagot ko.
Nagusap lang kami ng kung ano ano habang umiinom ang mga kaibigan niya nawala na lahat si Kahana, Truett, Riehl, ate Chia at kuya Dylan nalang ang kasama namin sa table.
Sila Kahana at Truett naguusap at sila ate Chia, Riehl at Kuya Dylan ay naglalaro.
"Rio, come here bring Camilla with you" Nagulat ako ng tawagin si Rio nila Ate Chia, pinapapunta siya nito sa pwesto nila.
"Tara Cams punta tayo ro'n" Aya niya tumango nalang ako at sumunod sakanya.
"Dito kayo oh maglalaro tayo"
"Anong laro?" Napalingon pa ako kay Rio dahil sabay pa kaming nagsalita.
"Truth or Dare" Sagot ni Riehl
Dahil ayoko magmukhang kj nakisali na ako unang paikot ng bote tumapat ito kay kuya Dylan ang sinabi niya ay truth si Riehl ang nagtanong hindi ko naintindihan yung tinanong niya about ata sa relationship nila ate Chia.
Pangalawang ikot ay tumapat kay Kahana ang sinabi niya ay dare inutusan siya ni kuya Dylan na maghanap ng lalaki at tanungin kung ano ang favorite number niya, agad naman iyon ginawa ni Kahana ng walang kahirap hirap. Kapag si kuya Dylan ang nagtatanong o naguutos hindi masyadong mahirap pero kapag si Riehl... nako
"Oh sige paikutin na ulit" Pinaikot na ni Kahana ang bote at saktong tumapat ito sa 'kin.
Shit!
"Okay si Camilla" Nangaasar na sabi ni Riehl.
"Camilla, truth or dare?" tanong ni ate Chia.
"Dare"
"Wala ka namang boyfriend diba?" Tumango lang ako at nginitian siya.
"Ako ate! Ako maguutos" Singit ni Riehl.
Mas lalo akong kinabahan kung si Riehl ang maguutos, baka hindi ko kayanin ipagawa niya.
"Okay, fine, go ahead" He nodded, nagisip pa muna si Riehl ng iuutos niya sa 'kin
"Okay alam ko na. . . Camilla I dare you to kiss Rio" Nanlaki ang mata ko sabay napatingin kay Rio na masamang nakatingin kay Riehl binalik ako ang tingin ko kay Riehl nagpipigil na siya ng tawa.
"Game, dali" Hinampas hampas niya pa ang lamesa habang tumatawa. "Walang malisya promise pareho naman kayong walang jowa kaya okay lang yan, dali Cams"
Hindi, ayoko maging KJ. Alam kong pagsisihan ko 'to bukas pero bukas pa naman kaya okay lang siguro 'yon.
Humarap ako kay Rio at dahan dahan inipalit ang mukha ko sakanya napahinto ako ng may binulong siya.
"Cams, hindi mo naman kailangan gawin kung ayaw mo eh" Bulong niya.
"Don't worry, kaya ko" Tumango lang siya kaya naman ay lumapit na ako ng tuluyan.
Nang maglapat ang aming mga labi nalasahan ko ang alak niyang ininom kani-kanina lang, maharan akong gumalaw sa paghalik, hindi ko maintindihan pakiramdam ko ay kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko pakiramdam ko huminto ang lahat ang tanging naririnig ko nalang ngayon ay ang t***k ng puso ko sa sobrang bilis at lakas ay halos mabingi na ako. Hihiwalay na sana ako ng hilahin ako ni Rio pabalik kaya't mas lumalim ang halikan namin.
"Hoy paawat kayo! mamaya niyo na 'yan ituloy" Biglang nagsalita si Riehl kaya agad akong humiwalay kay Rio. Nagsitawanan naman ang iba kaya mas lalo akong nahiya.
"Tama na ayoko na tara na Cams" Hinila ako ni Rio paalis sa pwesto namin kanina.
"Iw sosolohin na niya!" Sigaw ni Riehl. Rio raised his middle finger.
Nangmakahanap na kami ng mauupuan, humarap sakin si Rio. "I'm sorry," Halata na sa kilos niya na lasing na siya.
"Bakit ka nagsosorry okay lang 'yon ako nga dapat magsorry eh ayaw mo ata halikan ako napili—" Hinalikan ulit ako ni Rio, napatigil siya ng hindi ako tumugon sa mga halik niya.
"Rio. . ." Mahina kong sabi.
Nangmapagtanto niya ang ginawa niya ay agad siya humiwalay ay sabay sabunot sa kanyang buhok. "s**t! I'm sorry, I think, I'm already drunk" Sabi niya habang ang ulo ay nakayuko at ang isang kamay ay nakasandal sa lamesa.
Paano siya uuwi? Lasing na siya baka maaksidente pa siya. "Tara, uwi na tayo. Ihahatid na kita, wala akong dalang kotse gamitin ko nalang yung iyo magcocommute nalang ako pauwi" I said while holding his left arms and trying to keep him up.
"No. Ako, maghahatid sayo kaya ko pa namang magdrive" Tumayo siya ng diretso at hinatak ako palabas ng bar. Hindi pa ako nakakapagpaalam kila Bella, imemessage ko nalang siguro sila.
Pagkalabas namin hinanap namin kung saan siya nagpark kanina. "Rio... Ako na, lasing ka na eh" Huminto ako kaya napahinto rin siya at lumingon sa akin.
"Sa bahay ka nalang ulit matulog, bukas kita ihahatid. . . please, Camille ayokong magcommute ka pauwi" He held my hands and starts to beg.
Bakit ang pogi niya pagnagmamakaawa siya?
Shit! Dahil sa kung ano ano naiisip ko ngayon ko lang napagtanto ang sinabi niya "S-Sa bahay mo ulit?" Nauutal kong tanong.
He nodded. "Here's the key, let's go!"
Wala rin akong nagawa, hinanap ulit namin ang sasakyan niya at nang makita na namin inalalayan ko siyang para umupo sa shotgun seats ng komportable na siya ay lumipat na ako sa drivers seat.
"Rio, seatbelt mo" Paalala ko. Kinuha niya naman agad pero nung ipapasok niya na sa lock nito ay hindi niya na mailagay ng maayos kaya tinulungan ko na siya.
Nagsimula na akong magmaneho papunta sa bahay niya nung una kung ano ano pa ang mga kinukwento niya at sinasabi pero nung natraffic pansin kong wala nang nagsasalita nilingon ko siya
tulog na pala.
Hinayaan ko nalang siyang matulog hanggang sa makarating kami sa mansion niya. Tinapik ko siya sa braso para gisingin siya pero ayaw niya pa rin magising.
"Rio, nandito na tayo! Baba na tayo doon ka na sa kwarto mo matulog" Sabi ko sabay alog sa balikat niya. Nagising na naman siya tinanggal ko ang seatbelt ako at agad lumabas ng sasakyan pumunta ako sa gawi niya para alalayan siya sa pagbaba.
"Opss dahan dahan" Muntik na kasi siyang matumba ng may maapakan siyang maliit na bato.
Nagdoorbell ako agad naman lumabas si manang, binati niya ako at agad pinapasok. Sinabi niya na inantay niya talaga si Rio dahil aalis daw siya uuwi raw siya sa bahay nila babalik din naman daw siya agad bukas.
Nangmakaalis na si Manang hinatid ko na si Rio sa kwarto niya kung saan ako natulog noong lasing ako.
"Rio, magpalit ka muna ng damit bago ka matulog" Paalala ko pumunta ako sa walk in closet niya at naghanap ng damit niya pantulog.
Pagbalik ko ay nakahiga pa rin siya kaya ako na ang lumapit at tinanggal ang damit niya. I know this is awkward but I need to do this! I can do this!
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa damit niya kaya naman agad akong napalingon sakanya. "Camilla, ang ganda mo." Nanlaki ang mata ko sa gulat. Pakiramdam ko nagiinit na ang mukha ko dahil sa hiya. Hindi niya naman to mapapansin lasing siya.
Itinuloy ko ang pagtanggal sa damit niy at pinalitan ito ng kakakuha ko lang na damit. Medyo nahirapan ako sa pagpalit ng pants niya pilit ko rin kasing iniiwasan ang kanyang gitna.
"Hay tapos na rin" Napaupo ako sa kama ng matapos ko na siyang palitan, tumayo rin ako agad at naghanap ng extra shirt at short na pwedeng suotin.
Sa guess room nalang siguro ako matutulog gaya ng sabi ni manang bago siya umalis bukas naman raw iyon.
Bago ako lumabas ay inayos ko muna ang kumot ni Rio at ang unan niya, paalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nilingon ko siya, kita kong nakapikit siya habang nakahawak sa kamay ko.
"Hm? Bakit Rio?" Tanong ko.
"Dito ka lang, please! 'wag mo akong iwan" Napakunot ako ng noo ng may banggitin siyang pangalan. "Camille, please, love! Don't leave me..."
Camille?
Kailan pa naging Camille ang pangalan ko?
Tinanggal ko ang pagkakakapit sa akin ni Rio at agad akong nagtungo sa guess room. Sino kaya 'yong Camille? Iyon kaya 'yong sinasabi ni Luiz na nasaktan si Rio? Ano bang nangyari sa relasyon nila?
Ang dami kong tanong na gustong masagot pero paano? Sino naman pagtatanungan ko?