Ang Pagkikita HINDI alam ang pupuntahan at walang alam sa lugar na kinaroroonan, kinakabahang ipinagpatuloy ni Luisa ang paglalakad. Nanlalamig ang kanyang mga kamay at bahagyang nangangalog ang mga tuhod subalit sumige pa rin siya sa paglalakad. Kung saan dadalhin ng mga paa ay wala siyang ideya. Bahala na. Ang importante para sa kanya ay tuluyang makalayo sa kasang tinakasan. Madilim sa kahabaan ng lansangang nilalakaran niya. Ilang asong kalye ang nagkahulan nang dumaan siya. Saklot na siya ng pangamba at takot. Alam niyang mapanganib para sa kanya ang paglalakad ng nag-iisa sa madilim na kalsada. Marami na siyang nabasa sa dyaryo na matapos pagnakawan ay pinapatay pa. Nasa bulsa ng suot niyang pantalon ang perang kinita niya sa bawat lalakeng nagpasasa sa kanyang katawan. Inihanda n

