CHAPTER 8 - Ang Pagsasama

1569 Words

Ang Pagsasama NAPABALIKWAS si Milencio sa pagbangon nang maalalang may kasama nga pala siya sa loob ng kanyang bahay. Natitiyak niyang tanghali na dahil mainit na ang singaw ng araw kahit pa nakasara ang isang dahon ng bintanang nakatapat sa hinihigaan niya. Hindi siya halos nakatulog dahil sa kaiisip sa dalagang nasa loob ng kanyang silid. Marami siyang gustong gawin at gustong baguhin. Hindi man naging malinaw ang usapan nila hinggil sa pananatili nito sa kanyang poder ay gusto pa rin niyang maging maayos ang lahat. Kung sakali ay mayroon itong magandang alaalang babaunin at mayroon namang masayang sandaling maiiwanan sa kanyang isipan kapag nagpasya na itong umalis. May maipagmamalaki na siya sa sarili na minsan sa buhay niya bilang tao at bilang lalaki ay nakagawa rin siya ng maganda.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD