"Tao po!" katok nila sa pinto ng dress shop na pinag-arkilahan nila ng gown na sinuot niya. Paalis na sana sila ng makita ang isang sasakyan na huminto sa harapan ng dress shop at isang matandang mag-asawa ang lumabas sa lumang kotse. "May kailangan ba kayo?" tanong ng mga ito ng salubungin sila. "Ah! Hello po," bati ni Sea na nagyuko pa ng ulo. "Isasauli ko po sana itong damit na hiniram namin medyo na late lang po sa pinag-usapan namin na date." "Alin gown ang hiram mo? dito tayo sa loob," wika ng matandang babae habang binubuksan naman ng asawang lalaki ang shop. Napasunod naman sila ni Storm na hinawakan pa siya sa braso pero pumiksi lang siya at sinamaan pa ito ng tingin. Kanina pa nito kinukuha ang traveling bag na malaki na dala niya na may laman na gown. Hindi naman totoong l

