Inis na inis si Storm na halos kulang na lang bumula ang bibig niya sa pag mumura habang hinahanap si Sea. Nalingat lang siya na wala nanaman si Sea. Ayaw talaga nito sabihin sa kanya ang mga plano nito kahit pa sabihin na ligtas ito dahil sa last will ng lolo nito hindi pa rin niya maiwasan na mag-alala. Lalo pa't nagtapat pa ng damdamin si Ronnie dito baka makaungos ang lalaking yun at gamitin nanaman ang aksidente para lang konsensyahin si Sea. "Lucio, Kit! Nakita n'yo ba si Sea?" tanong niya sa dalawang tauhan ng hacienda na naka salubong niya. "Ay! Opo sir, dun siya papunta sa Lily Rose kasama ni Ronnie." muli napamura naman si Storm na mabilis ng pinatakbo ang ATV bike na dala saka nag mamadaling nagtungo sa kabilang panig ng hacienda. "Malilintikan ka sa akin Chelseaaaa." gigil p

