Malalim na bumuga ng hangin si Ronnie habang isa-isang sinusunog ang picture ni Sea na kasama si Storm sa lahat ng lakad nito, bodyguard ni Sea si Ivo pero sa hawakan at paraan ng pag-uusapn ng dalawa halata naman more than that ang relasyon ng dalawa. Akala niya magagawa niyang bilugin ang ulo ni Sea pero mukhang ginagamit lang siya ni Chelsea para pag selosin si Storm. Nag babait-baitan lang ito sa kanya pero ang totoo ayaw talaga nito sa kanya at wala siyang pag-asa rito. Hinubad niya ang sing-sing na ibinigay sa kanya ni Sea at inihagis sa loob ng drum na lumiliyab. Hindi niya ugaling mag habol ng babae at wala din naman siyang balak na maging sunod-sunuran sa babae. Sinubukan lang niyang sundan sa Manila si Sea dahil gusto sana niya daanin sa maayos at tradisyon na ligawan si Chelsea

