Inihagis ni Trinity ang picture ni Storm at Chelsea sa harapan ni Geronimo, saka tumawa ng nakakaloko bago tumayo at sumilip sa labas ng bintana kung saan tanaw ang kalawakan ng hacienda. "Akala ata nilang dalawa madali nila tayong maloloko at mukhang hindi basta-basta ang Chelsea na yan kailangan natin mag-ingat sa dalawang yan. Sinasabi ko na e!" wika pa ni Trinity, ilang beses niyang nahuling nakatingin si Storm kay Chelsea ng wala pa itong malay at hindi ganun tumingin ang isang lalaking hindi kakilala sa isang babae na ngayon mo lang nakita. Kaya naman agadan siyang nag utos na alamin kung sino si Storm Mondragon. Isa pala itong dating US Army na umalis sa serbisyo para tulungan ang ama nitong mag patakbo ng isang malaking security agency na pag-aari mismo ng magulang nito. Totoong

