Hindi na maipinta ang mukha ni Chelsea habang nag lalabor na. Anytime soon lalabas na ang anak nila ni Storm. Tiniyak niya na kahit gusto na niyang isumpa ang lahat maganda pa rin siya sa bawat ire niya. Hindi siya sa hospital na manganganak, ni request niya sa Daddy niya na sa bahay lang dahil ayaw niya ang amoy ng hospital kaya naman ang Daddy niya nag provide talaga ng kuwarto na parang hospital delivery room para sa kanya. Kumpleto sa lahat ng kakailanganin niya sa panganganak at si Margarette pa rin ang OB niyang mag papa-anak sa kanya. At tiniyak din niya na siya ang pinaka magandang buntis na manganganak, meron pa siyang pa soft jass music background sa loob ng kuwarto. Dahil pakiramdam niya nanghihina siya kapag walang music sa background. Kaninang madaling araw pa na sakit ang t

