"Ma'am meron daw pong commotion sa ibaba," napaangat ang ulo ni Chelsea ng biglang pumasok si Gen ng hindi man lang kumakatok. Nag salubong naman ang kilay ni Chelsea na napatingin sa asssistant. "Wait—bakit sa akin mo sinasabi? Like, hello? Anong silbi ng mga security guard? My God, hindi ko sila pinapasahod para ako pa ang tawagin mo sa ganyang issue. I mean, seriously?" iritableng turan ni Sea na turo-turo ang sarili. "Ma'am nag wewelga daw po sa labas at pinipilit kayong palabasin dahil magnanakaw daw po kayo, hindi po mapigilan ng mga security guard natin." nag-aalangan na sagot ni Gen na napapakamot ng ulo, napa-alsa naman sa upuan si Sea sa narinig. "WHAT?! Ako? Mag-nanakaw?! Oh my gosh, this is slander! This is defamation! This is war! Tumawag ka ng pulis — as in right this sec

