Malakas ang ibinigay na sampal ni Trinity sa 4 na lalaking nasa harapan niya ngayon, after niyang malaman na nakalabas ng bahay sa talampas si Marigold. Ang higpit ng bilin niya na bantayan itong mabuti habang nandun ang anak nito pero talaga naman si Chelsea pa ang sinaktan nito kanina. "Umalis kayo sa harapan ko mga walang kuwenta, ang simple-simple ng inuutos ko talagang natakasan pa kayo ng isang baliw na babae mga tanga!" gigil na sigaw ni Trinity na sinapok ang 4 na lalaki sa sobrang gigil. "Tama na yan! Sige na umalis na kayo." utos ni Geronimo sa 4 na lalaki na tumalikod na. "Mga bob*!" gigil na sigaw pa ni Trinity. "Relax ka lang wag ka ng magalit nangyari na wala na tayong magagawa. Ang importante hindi siya kilala ni Sea," wika pa ni Geronimo. Napamura naman si Trinity na n

