"Goodmorning ma'am." bati ni Ronnie ng sabayan sa paglalakad si Sea na napalingon naman rito, umangat lang naman ang kilay ni Sea tanda ng pagbati rito. Antok na antok pa siya pero pinilit lang niyang bumangon baka kasi magising nanaman si Storm at 'di nanaman siya tigilan. Halos hindi na siya nito pinatulog at ewan ba naman niya sa sarili niya bakit ba hindi siya makatanggi sa binata. Hindi niya alam kung magaling lang sadya si Storm at napapasunod nito ang katawan niya o sadyang mal*bog lang din siya? Well ano pa bang nakakagulat dun sarili nga niyang tatay apat na silang anak nito pero ayun at meron pang isang bubwit na lumabas na pang lima. "Asan yung bodyguard con boyfriend mo?" tanong pa nito na nagpalingon-lingon. Napabuga naman si Sea na tumikwas ang nguso. "Excuse me? Bodyguard

