Barado na ang ilong ni Sea habang nag-iintay ng sundo niya sa airport, pakiramdam niya pinag sisihan na niya ang desisyon na lumayas sa kanila at makipag-usap ng palihim sa mga taong hindi naman niya kilala pero nag pakilala tunay niyang pamilya. Nag-iintay na daw sa kanya ang tunay niyang pamilya sa Oriental Mindoro kung nasaan ang tunay niyang Lola at ama, ganun din ang kanyang tunay niyang ina.
Alam niyang magagalit ang mommy niya kapag nalaman nitong nakikipag-usap siya sa mga kaaway ng mga ito. Alam niyang handang ilaban ng Mama niya ng p*****n na anak siya nito pero hindi nito puwedeng itanggi ang katotohanan na meron talagang pagkakamali sa technology at siya ang pagkakamaling iyon. Nagustong paabutin sa korte ng tunay niyang pamilya, sa kagustuhan di umano ng mommy niya noon ng anak na babae, nag undergo ito ng isang IVF pregnancy sa hospital na pag-aari mismo ng ama nila sa america.
Ngunit sa kasamaang palad nagkaroon di umano'y mix-up, ibang embryo ang nailagay sa sinapupunan ng Mommy Charlie niya which is siya iyon habang ang tunay na anak ng mga ito ay sa ibang ina rin napalagay. Sa madaling salita parang naging surrogate lang ang Mommy Cha niya sa kanya at hindi iyon napansin ng mga ito since ang Mommy Cha niya ang nag buntis sa kanya ng 9 months. Parehas sila ng kapatid na bunso na si Cassie na IVF baby since ayaw na ng Mommy niya ng anak na lalaki kaya babae ang ginusto nito. Naging matagumpay ang IVF pregnancy ng ina tulad ng sa Tita Hanna niya na lahat ng anak nito ay IVF baby since na gawa itong iligate ng ina nung kabataan pa nito.
Sa dami ng IVF baby na ginawa sa hospital ng papa niya bakit sa kanya pa nag kami, pakiramdam niya yung pride niya na kasing taas ng Eiffel tower bigla naging tower na lang ng Smart cell site dahil sa kaalaman niyang hindi naman pala siya tunay na Van Amstel gaya ng 3 niyang kapatid. Ang sosyal pa naman ng Chelsea Van Amstel yun pala hindi kanya ang pangalan na iyon dahil ang tunay na pangalan pala dapat niya ay Jeniva Morayta.
At kundi lang niya alam na patay na ang Jeniva Morayta na gumamit ng dapat pangalan niya baka pinandirihan niya ang pangalan na Jeniva. Bigay galang na lang sa taong patay na kaya hindi na niya nilait ang pangalan sana niya. At kung hindi pa namatay si Jeniva hindi pa malalaman ng mga ito ang totoo, heart attack ang kinamatay ni Jeniva na hindi daw na detect ng bata pa ito na may sakit pala ito sa puso not until ng bigla na lang daw itong atakihin sa puso at mahospital ng mahabang panahon. Noon pa lang nalaman ng mga ito na hindi daw match ang DNA sa mga ito kaya naman ng mamatay daw si Jeniva inalam ng mga ito ang lahat kung paano hindi kadugo ng mga ito ang anak na kinilala at doon na nalaman na meron pagkakamali ang doctor na gumawa ng procedure at wala ng mabalikan ang mga ito dahil 3 years ago ng patay ang doctor.
Isang malaking kahihiyan at kasiraan sa pamilya nila oras na lumabas ang katotohanan na may pagkakamali sa process ng IVF sa hospital nila. At hindi niya gustong masira ang pangalan ng pamilya nila at hindi rin niya gusto at the same time na malaman ng lahat ng hindi siya tunay na Van Amstel parang di kaya ng powers niya. Kaya bago pa magkagulo siya na ang kusang lalapit sa pamilya niya at kikilalanin ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya.
Ayun naman sa research niya, hindi pipitsugin pamilya ang mga Morayta sa Mindoro, kilala ang mga ito sa Hacienda farm resort na pag-aari ng pamilya nila na may sukat na 50 hectars na lupain. Ang pinakamaganda at pinaka malaking Hacienda Farm resort sa bayan ng Mindoro. Not bad at least hindi siya anak ng mag sasaka well hello nag pa IVF ang tunay niyang magulang sa ibang bansa so ibig sabihin mayaman talaga ang mga ito dahil hindi naman biro ang halaga ng IVF sa US.
"Ms. Chelsea." tanong ng isang lalaki na lumapit na naka suot ng kulay khaki na short at puting polo na may tatak na Trinity Farm valley resort. Inis na inalis ni Sea ang suot na malaking shade at sinamaan ng tingin ang lalaki.
"It's Chel-ze-a, not an E but an A."
"Po?" napapakamot ng ulo na tanong pa ng lalaki.
"Duh! Whatever... where's the limo?" tanong pa niya sa lalaki na inutus na kunin ang bagahe niya.
"Pick-up lang po dala ko ma'am wala pong Limo? Alin po dito ang gamit niyo?" tanong pa ng lalaki na nakatingin sa isang trolley na punong-puno ng maletang malalaki.
"All of it!"
"Ho?" shock na napatingin ang lalaki sa trolley.
"Bilisan mo na ang init asan ba ang car natin?" tanong pa niya na nauna ng humakbang palabas ng airport habang napasunod naman na lang ang lalaki na tulak-tulak.
"Where is it?" inis na tanong ni Chelsea ng mapansin na walang siyang makitang sasakyan na pick-up maliban sa isang kulay pulang lumang estrada na parang kulay kalawang na at puno pa ng putik.
"Ayun po ma'am yung estrada na kulay pula."
"EXCUUUUSE ME?! AKO BA PINAGLOLOKO MO?! Like, HELLOOOO?!" Nanlalaki ang mata na nilingon ang lalaki na napangiwi sa pag iinarte ng magandang babae sa harapan niya.
"Gusto mo akong pasakayin d’yan sa CALDERO NA ‘YAN?!ANO AKO, SARDINAS NA SHONGA NA NASA LATA?!MY GOSH, I CANNOT!!! Jusko, hindi ako pang-lata, hindi ako pang-adobo, at lalong-lalo nang HINDI AKO PANG-PAKSIW!!!OVER MY FABULOUS, MANICURED NAILS!!!UGH, KALOKAAAA!!!I AM SO DONEEEE!!!' gigil na bulalas ni Sea na parang diring-diri sa nakikitang sasakyan.
"E ma'am wala po tayong ibang sasakyan, maulan po kasi saka may ginagawa kalsada papunta sa hacienda kaya madumi po yung sasakyan."
"STILL NOOO!!! LIKE, NEVER IN A MILLION LIGHT YEARS!!!HELLOOOO, ANO ‘TO, SURVIVAL CHALLENGE?! Jusko, gusto mo akong ipasakay sa KALAWANGIN NA LATA NA ‘YAN?!EXCUSE ME, DO I LOOK LIKE A CANNED GOOD TO YOU?!" turo pa ni Sea sa sarili na parang eskandalong-eskadalo dahil sa sasakyan na gustong pasakayan sa kanya.
"MY GOSH, NOOO!!! Jusko, ang tanong, umaarangkada pa ba ‘yang makina niyan o hinihila na lang ng dasal at malasakit?! BES, BAKA KAPAG UMUPO AKO DIYAN, baka masira ang kagandahan ko! UGH, KALOKAAAA!!! Somebody get me a private jet or kahit magic carpet man lang, PLEASE!!!" napapikit pa si Sea na napapahawak sa kilay.
"Ma'am wala na po tayong choice e, wala naman po mag hahatid sa inyo sa valley ng ganitong oras tapos maputik pa sa dadaanan, delikado po kasi,"
"At bakit wala?'
"Sira nga po yung kalsada kaya sarado kapag inabot ka ng gabi at nasiraan ka mahirap na po, may manglalabas po kasi dito sa gabi 4pm na po gagabihin na yung sasakyan niyo in case na bumalik pa sila."
"Anong manglalabas?"
"White lady, duwende, maligno, tik____."
"Tikom mo bibig mo, halika na bilisan mong isakay sa sasakyan ang mga gamit ko." natawa naman si Ronnie sa bilis ng desisyon ng magandang babae.
"Takot pala kayo sa mga engkanto."
"NATURAL NAMAN, DIBA?! HELLOOO, SINONG HINDI?! Like, excuse me...lahat gusto ako...Jusko, hindi ko naman kasalanan na ganito ako ka-fabulous, ka-stunning, at ka-drop-dead gorgeous!UGH, IT’S SO EXHAUSTING BEING THIS PERFECT!!!" napapangiti na lang si Ronnie na isinasakay na ang mga gamit ng anak ng amo na inutos sa kanya na sunduin dahil pansamantala daw itong titira sa hacienda at na iimagine na niya ang mangyayaring gulo pag nakaharap nito ang pamilya sa Hacienda. Typical maarte at sosylera malayong-malayo sa pamilya Morayta.
"ANONG NGININGITI-NGITI MO DIYAN?! HELLOOO, THIS IS NOT A JOKE!!!PAKIBILISAN NGA!!! Jusko, buksan mo na ‘tong pinto, daliii!AS IN, NOW NA!!! Like, do you seriously expect me to touch this kalawangin na car?!EXCUSE ME?!Baka mahawaan pa ako ng tetano at madamage ang soft, delicate, at moisturized hands ko!I CANNOT RISK IT!!!UGH, KALOKAAAA!!!"
"Ganyan po ba talaga mag salita ang mga taga Manila? hindi po ba nasakit ang panga n'yo?" tanong pa ni Ronie na tumalon mula sa likuran para buksan ang pinto. Agad naman na inilabas ni Sea ang alcohol spray at pinag sprayan sa loob ng sasakyan.
""EXCUSE ME?! HINDI AKO LANG—AKO LANG TALAGA!!!WALA AKONG KATULAD, AT AYOKO NG MAY KATULAD!!! Jusko, I WAS MADE UNIQUE, ONE-OF-A-KIND, LIMITED EDITION!!! Like, HELLOOOO?!Hindi ako factory-made, hindi ako mass-produced, at lalong HINDI AKO FOR SALE!!!UGH, IT’S SO TIRING BEING THIS ICONIC!!! Pero well, what can I do?SORRYYYY, NOT SORRY!!!"
"Ano ba yan? Ang iksi naman ng tanong ko ang haba ng sagot niya... ang exciting nito battle of the bratenella sino kaya ang mananalo sa kanila ni Señora Trinity at señorita Amity." bulong pa ni Ronie na itinuloy na ang pag kakarga ng gamit nito sa likod ng pick-up na halos mapuno na ang likod. Nang matapos si Ronnie agad na sumakay na ito sa driver seat at binuhay na ang makina ng sasakyan na umubo-ubo pa ang makita kasabay ng pag andar ng wiper at tubig sa bintana. Tumikwas ang kilay at nguso ni Sea na nilingon si Ronnie.
"Psensya na ma'am pero normal po yan, hindi po tayo iiwan nito pangako po."
"Hindi ka naman siguro yung taong bida dun sa napanood kong wrong turn na kumakain ng tao?" tanong ni Sea na nilabas ang cellphone at pinicturen si Ronie.
"For safety purposes i-sesend ko lang sa sister ko mahirap na." natawa naman si Ronnie.
"Pang masa lang po ako ma'am, ayoko po sa babaeng amoy air freshener." bulong pa ni Ronnie.