Bumukas ang automatic sliding doors. Bumungad si Sea, naka-black hoodie, dark shades, at cap. Payat siya, mas payat kaysa noon. Dalawang taon na ang lumipas mula noong huli siyang tumapak sa bansa. Sa likod niya, hila-hila niya ang isang maleta. Tahimik. Dahan-dahan siyang lumakad palabas ng terminal, habang pinagmamasdan ang paligid—lahat ng tao may sasalubong, may ngiti, may kayakapan habang siya ay mag-isa lang. Wala kasing nakakaalam na uuwi siya maliban sa mga kaibigan na sinabihan niya dapat next week pa talaga ang balik niya sa Pilipinas after 2 years pero narinig kasi niya na nag-uwi daw ng babae si Storm at ipinakilala sa magulang nito. Alam niyang wala siyang karapatan mag selos o magalit pero hindi lang talaga niya mapigilan na sumama ang loob. Gusto niyang makita kung anong

