"Ako na po ang bahala kay Chelsea, pasensya na po kung napabayaan ko si Sea. Gagawa po ako ng paraan para maka-uwi po agad kami." pangako ni Storm ng ihatid niya sa van na sinasakyan ng mga ito. "Storm," kinuha ni Charlie ang kamay ni Storm. "Tatanggalan talaga kita ng itlog kapag hindi mo naiuwi ng maayos ang anak ko na iintindihan mo ba? Okay lang na maiuwi mo siyang buntis pero sinasabi ko sa'yo kapag inuwi mo sa akin si Sea na hindi maayos ang kalagayan niya. Hindi dadami ang lahi mo malinaw ba?" banta pa ni Charlie sa binata na tumango, pumasok naman na sasakyan si Charlie. "Binabawi ko ang sinabi ng asawa ko, hindi mo puwedeng iuwi si Chelsea na buntis. Pipitpitin ko ang ulo ng mga ti** n'yong mag-ama. Wag mo akong subukan Bagyo kung ayaw mong mag tsunami ang iyak ng ina mo." wika

