Sirang-sira ang poise ni Sea dahil sa buwisit kay Storm, bigla na limutan niya na siya si Chelsea Van Amstel sa buwisit kay Storm na panira talaga kahit kelan ng buhay. Bata pa lang sila wala na itong ginawa kundi asarin siya pero ewan ba niya bakit crush na crush pa rin niya ito nakakairita lang talaga. Alam mo yung pakiramdam kinikilig ka na tapos yung pala joke lang buwisit lang talaga, tumarak ang mata ni Sea ng makitang papalapit si Storm bibit ang tsinelas at sandals niya na naibato na rito sa sobrang buwisit niya. Napagod lang siya sa kakahabol dito pero ang kumag nakangiti pa habang papalapit sa kanya sa ilalim ng puno ng accacia na meron nakasabi na swing na upuan. Umirap siya rito at sa ibang dereksyon na tumingin naramdaman niya na muli itong lumuhod sa harapan niya na kinuha an

