"Pasensya na po sir, hindi na po kayo puwedeng pumasok dito! Pina banned na po kayo ni Señora Trinity." wika ng guard ng harangin ang sasakyan nila papasok sa loob ng hacienda. "Maiwan ka muna dito Storm kami na ang papasok sa loob." wika ni Charlie na matalim ang tingin sa guard marahas naman na bumaba ng sasakyan si Storm. It's been 11 days siyang nakulong hindi niya napag handaan ang pag peframe up sa kanya ng mga Morayta. At hindi din siya agad nakatawag sa Manila dahil ginulpi siya ng mga pulis habang pilit na pinaamin kung nasaan ang snatcher na nagtangka daw umano na patayin si Chelsea. Halos mahigit isang linggo din siyang nagtiis sa kamay ng mga pulis na dumakip sa kanya na tingin niya mga binayaran ni Trinity para pahirapan siya at kung mamatay siya sa kamay ng mga pulis madalin

