Chapter 2

1309 Words
Chapter 2 Hindi maipaliwanag ni Marcus ang naramdaman nang biglang yumakap sa kanya kanina ang babaeng Catherine ang pangalan. Parang may biglang nabuhay sa pagkatao niya. Well, the woman was sexy. H’wag nang isali ang maganda nitong mukha at mga matang parang laging may gagawing kalokohan. Para siyang na-engkanto kanina habang kaharap ang babae. Love at first sight may be? Yuck! Nandidiri si Marcus sa ideyang iyon. Hindi siya naniniwala sa love at first sight. Ang baduy lang kasing pakinggan. "My God, Cath! Sa’n ka ba galing? At iniwan mo pa ang pinto mong nakabukas? Halos halughugin ko ang buong bahay mo sa pag hahanap sa ‘yo." "Relax! Naki-kain lang ako sa kapit-bahay. I miss you so much, Eidre.Hmmm, ang bango-bango mo pa rin." Yumakap siya sa kaibigan. Kung may makakakita sa kanila, mapagkakamalan talaga silang sweet couple. Sobrang namiss niya lang ang lalaki kaya naman halos hindi niya ito pakawalan. "So, hindi mo manlang ako ipinagluto?" "Asa ka pa! Pagtatawanan mo lang naman ang luto ko!" "Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin marunong magluto?” nahihiyang tumango siya sa lalaki. “Okay, kunin mo na ang mga gamit mo at aalis na tayo. It's nearly 9pm. 10 ang flight natin. Sa labas na lang tayo kakain.” Nakonsensya naman siya dahil mukhang gutom na talaga ang kaibigan. Pero sa hindi naman talaga siya magaling magluto. Basta niya na lang isinalpak sa bag ang mga natira niyang gamit na hindi niya natapos i-pack kanina. "Catherine! Ano ba! We're getting late!" Sakit na talaga ni Eidre ang palaging nagmamadali. Nasanay na siguro ito sa buhay nito sa ibang bansa na parang laging nakikipag-karera. "Andiyan na! Atat nito. Pag ako naasar ‘di ako sasama sa ‘yo." Nakasimangot na sagot niya sa lalaki. "Oh… Tantrums! Not now!" Lumapit sa kanya ang lalaki at kinuha ang bag sabay pitik sa tungki ng ilong niya. "Aray ha! Oh ‘asan ang gamit mo?" tanong ni Catherine nang mapansin niyang wala siyang makitang gamit ng lalaki sa sala. "Nasa taxi sa labas ng bahay mo. Kaya bilisan mo na." Hinila na siya ng lalaki palabas ng bahay. Ito na rin ang nag lock ng pinto at nag patay ng mga ilaw. Dumaan sila sa isang fast food chain at nag take out na lamang ng pagkain. Pinagmamasdan ng dalaga ang lalaki habang ngumunguya ito ng burger. "Open your mouth.. Say ahh! Mukhang kanina ka pa naiinggit." Para tuloy siyang patay-gutom na ngumanga at tinganggap ang isinubo ni Eidre. Nangingiti naman ang taxi driver sa nakikitang eksena nila ni Eidre. "I miss you, Cath" she felt that he was kissing her hair. Nakakahiya kay manong driver. Baka mapagkamalan silang pupunta ng honeymoon. Though, the idea wasn’t bad. She smiled silently, pero ibang mukha ang nakita niya sa binuo niyang honeymoon scene. It's him! Wait! Bakit si Marcus ang nakikita niyang mukha? Ipinilig ng dalaga ang ulo. "What is wrong, Cath?" "Wala- I miss you too, Eidre." She successfully hid her blushing face. Pero iyong kilig na naramdaman niya habang lumilitaw ang mukha ni Marcus sa imagination niya ay naaroroon pa rin. Ganito pala ang epekto ng kinikilig. Pucha! Baka mamaya magka LBM ako sa loob ng eroplano.Kausap niya sa sarili. Hanggang sa lumapag ang eroplano sa Mactan Airport ay 'di pa rin naaalis sa isip niya si Marcus. Ano bang meron ang aswang na ‘yon at hindi niya mabura ang pagmumukha nito sa isip niya? Ang weird yata ng nararamdaman niya. "I feel that something's bothering you. Your uneasiness is too obvious." Eidre whispered without looking at her. Pabor sa kanya na hindi siya nito tinitingnan. Mas madali niyang maitago sa kaibigan ang nararamdaman. Kapag kasi nabisto siya nito, malamang na pagtatawanan lang siya ng lalaki. Kahit naman kasi siya ay hindi makapaniwala na sa ilang saglit lang na nakita niya si Marcus ay kinikilig agad siya sa lalaki. "Nahilo lang ako sa biyahe. Na-alog yata yong utak ko. Ang tagal ko na kasing hindi bumabiyahe." Buti na lang sanay na si Eidre sa mga rason niyang wala sa hulog. Kumbaga, baliw lang ang maniniwala sa kanya. Buti na lang kayang sakyan ng kaibigan ang mga stupid excuses niya. Sa halip na mag react si Eidre ay bigla na lang siya nitong inakbayan, ‘yong halos mapipi ang ulo niya sa higpit ng pagkakaipit sa kili-kili nito. "I miss you so much, little kid!" Bulong ni Eidre sa tenga niya. "Matanda na ako, no! Kid ka diyan!" "You're still my baby." Nakita niya ang kakaibang damdamin na nakapaskil sa mata ng lalaki. Kaya bigla niyang binawi ang tingin dito. His gaze was too deep. Titig iyon na puno ng pagmamahal. Malayo na sa mga titig na ini-ukol ng lalaki sa kanya noon. At naasiwa si Catherine sa ganoong uri ng titig ng lalaki sa kanya. Hindi nag abalang bitawan ni Eidre ang kamay ng dalaga hanggang sa maka-sakay sila ng Tricycle. Hinayaan lang ng dalaga ang pagkakalapat ng mga balat nila. Ayaw niyang sirain ang masayang momento sa buhay ng binata. Totoo nga sigurong labis siya nitong pinanabikan. Hindi naman kasi siya ma di-devirginize sa holding hands nila ‘di ba? Almost 11pm na sila nakarating ng Mandaue City. It took more or less 45 minutes from Mactan Airport. Gising na gising pa ang mga tao sa bahay nila Eidre. Halatang inaabangan talaga ang pag uwi ng lalaki. Mas nauna pa siyang sinalubong ng yakap ng Ninang Aurora niya kesa sa anak nitong napakatagal bago umuwi. "Catherine, anak! Bakit mas maganda ka yata ngayon kesa sa huli tayong magkita?" iyon parati ang salubong na bati sa kanya ng ninang niya sa tuwing magkikita sila. “Yong kaibigan mo bang iyon ay single pa?” biglang napalingon si Lara sa pinsan dahil sa tanong nito. “Single na single, insan. Type mo, no? Sinasabi ko na nga ba, eh.” Tudyo ng babae kay Marcus. “Sa tingin mo, may pag asa ako kung liligawan ko ‘yon?” nakita ni Marcus kung paano umarte si Lara na parang naduduwal. “Seryoso ka? Ikaw manliligaw? Kailan ka pa natuto ulit no’n?” “Masyado mo namang minamaliit ang kakayahan nitong pinsan mong guwapo. Basta liligawan ko siya.” May pinalidad na pahayag ni Marcus. "Thank you ,Ninang. Siyempre, mana po sa inyo." Nginitian siya ng Ninang Aurora niya saka naman binalingan si Eidre at niyakap nang napakatagal. "Nataniel Eidre! anak! I miss you so much." Nakita niyang namasa ang mata ng ninang niya. Pero bigla rin niyang binawi ang tingin sa mag-ina. Hindi niya kayang tingnan ang ganoong eksena. How she wish that her mom could hug her like that, but it's too imposible. Isang taon ng namayapa ang mommy niya dahil sa car accident habang pauwi ito galing sa business meeting. "Halina kayo sa kusina. Mag late dinner ulit kayo." They headed directly to the kitchen and it's too late to realize that Eidre was holding her hand. Patay-malisya niyang tinanggal iyon nang uupo na sila. Humigit siya ng malalim na hininga at hindi iyon nakaligtas kay Eidre. "Something’s wrong?" "Wala-" bago pa madugtungan ni Catherine ang sasabihin niya ay bumalik na ang ninang niya sa mesa at umupo na rin. Binuksan na ni Eidre ang mga pagkaing nakatakip. Umuusok pa ang mga yon. Kumalam na naman ang sikmura ng dalaga dahil sa pagkaing nasa harapan niya. Bakit ba kasi ang hirap tanggihan ng pagkain? Parang pag-ibig lang minsan, ang hirap iwasan. "What's new about the two of you?" napukaw siya sa tanong na 'yon ng ninang niya. It was an alarming question. Iba kasi ang dating ng tanong na iyon kay Catherine. "Ahh, Ma, magpapahinga na po kami. Bukas na lang po tayo mag kuwentuhan." Nagmamadaling tumayo si Eidre na parang iniiwasa nito ang tanong ng ina. "Goodnight po, Ninang." "Goodnight too, anak. Naka ready na ang kuwarto mo. Sige na magpahinga na kayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD