Chapter 4
Ilang minuto pa lang siyang nakaupo roon nang may magsalita sa likuran niya.
"What a small world, isn't it? Boyfriend mo pala ang lalaking nag ligtas sa akin 3 years ago."
"Ano? Saan mo naman napulot ang balitang boy friend ko si Eidre?"
"It's too obvious that he loves you so much."
"We're just best of friends."
"Kilala ko si Eidre. Kaya alam kung higit pa sa pagkakaibigan ang trato niya sa 'yo."
"Sounds like a love expert, huh? Kampon ka ba ni Madame Auring?!"
"Actually, Nanay ko siya." Parang baliw na tumawa si Marcus. Pero naasiwa lang siya nang tumabi sa kanya ang lalaki. Nagtaka siya nang mahuling titig na titig sa kanya ito.
"Stop staring at me!"
"Huhulaan ko, hindi ka naghihilamos pagkatapos kumain no?"
Mabilis naman na kinapa ni Catherine ang gilid ng bibig niya pero sa kamalasan ay naunahan siya ng lalaki. Hindi niya alam kung sinadya ba ng lalaki na sagiin ng hinlalaki nito ang labi niya.
“I think, aligi ‘to ng alimasag,” pinakatitigan ni Marcus ang nakuha nito sa gilid ng bibig niya. Para itong gumagamit ng microscope habang sinisipat ang bagay na iyon.
“Itapon mo na nga iyan! Nakakahiya!”
“Kanino ka nahihiya? Sa akin?” lalo lang siyang pinamulahan ng mukha.
“Don’t be shy, my dear. Di ka nga nahiya no’ng bigla mo akong yinakap, eh.”
“H’wag mo na ngang ipaalala. At saka magkaiba naman kasi ang sitwasyon. Napagkamalan kitang si Eidre that night, okay?”
“Okay. Ganito na lang. Ramdam ko kasi ang uneasiness mo sa t’wing nasa malapit ako. Dahil ba iyon sa nangyari noong gabi? If yes, forget about it. Isipin mo na lang na kaibigan mo rin ako. Friends?” inabot sa kanya ng lalaki ang kamay nito.
“Friends.”
Tumayo na siya at nag paalam kay Marcus na may pupuntahan siya.
Dumeretso siya sa sala kung saan nakita niya si Eidre na nagbabasa ng diyaryo.
“Uuwi na muna ako sa amin, doon na muna ako sa Silenciana. Pakisabi na lang kay Ninang."
“Are you sure? Kaya mo bang mag isa doon?”
“Oo naman. Ako pa!”
“Sige. Mag-iingat ka at balik ka na lang anytime na gusto mo.”
Mabilis niyang inakyat ang hagdan para kunin ang dala niyang gamit kagabi.
Pag labas niya sa garahe ay naghihintay na ang driver na mukhang napag sabihan na ni Eidre na ihatid siya.
Ang sarap sa pakiramdam habang papalapit ang sasakyan sa vacation house na pag-aari ng yumao niyang ina. Gustong-gusto niya ang kabuuan ng resort. Napakarelaxing niyon sa mata. Ang vacation house ang paborito niyang tambayan noon pa man.
Maalinsangan ang pakiramdam niya nang gabing iyon, dagdag pa na tila nag aanyaya ang mala-crystal na tubig sa pool dahil sa tama ng liwanag ng buwan. Mabilis na sinuot ni Catherine ang baon niyang two-piece swimsuit na kulay red. Hindi naman sa pagmamayabang pero pakiramdam ng dalaga ay ang seksing-sexy niya sa kasuotang iyon. Pagkatapos na magsawang pag masdan ang sarili sa full-length mirror ay bumaba na siya at tuloy-tuloy na tinungo ang naghihintay na tubig sa malawak na swimming pool.
Agad siyang nag dive at nanatili ng ilang segundo sa floor ng swimming pool. Pag ahon ng ulo niya ay naramdaman niya agad na tila may nagmamasid sa kanya. Lumingon-lingon sa paligid ang dalaga para sinuhin iyon.
Kanina pa nakaupo si Marcus sa terrace ng nirentahan na cottage pero dahil medyo nainip na siya kaya nag desisyon siyang maglakad-lakad sa paligid ng resort. Isa ang Silenciana sa mga resorts na nagustuhan niya. Ito ‘yong klase ng resort na gugustuhin mong bumalik-balik. Bukod sa masasarap na pagkain ay very affordable pa.
De-deretso na sana si Marcus sa nakita niyang upuan malapit sa swimming pool pero napaatras siya nang makita si Catherine na lumusong sa tubig. Ikinubli niya ang sarili sa dahon ng anahaw. Pero sa muling pag tingin niya sa babae ay mukhang may hinahanap ang mga mata nito. Mukhang nakakaramdam ang babae na kanina niya pa ito pinagmamasdan. At pinagnanasaan! Pang-aasar ng kabilang bahagi ng utak niya. Hindi na nakatiis si Marcus kaya tuluyang na siyang lumabas sa pinagtataguan. Naglakad siya na kunwari hindi niya nakita ang babae.
"Hey!” bati sa kanya ni Catherine. Umaahon na ang babae at hindi man lang nito itinago ang katawan sa kanya. Parang sanay na sanay itong ibalandra ang katawan sa kahit kanino. Siya tuloy ang naaasiwa. At may kakaiba rin siyang nararamdaman. Hindi kayang pawiin ng lamig ng gabi ang paninigas ng isang bagay sa loob ng shorts niya.
“Medyo malamig ang gabi. Baka sipunin ka.” Pasimple niyang sinulyapan ang sikmura ng dalaga.
“Na miss ko nga ang ganitong klima. Sa Maynila kasi masyadong mainit.”
“Concern lang ako. Baka kasi kabagin ka.”
“Asus. Baka naman hindi ka lang komportable na may seksing katawan na nakabalandra sa mga mata mo,” panunukso sa kanya ni Catherine pero kailangang hindi siya magpa-apekto.
"Hindi ka naman assuming no? For your information, marami na akong nakitang babaeng halos nakahubad na at higit naman na seksi ang mga iyon kaysa sa ’yo.”
“Hindi ka rin mayabang, ‘no? Kung hindi ko pa alam kanina mo pa ako binobosohan!” mukhang napikon na sa kanya ang babae.
"Ikaw, bobosohan ko? Binibini, para sa iyong kaalaman, hindi magandang subject sa pamboboso ang ganyang katawan." Lalong nanggalaiti ang dalaga.
"Kung hindi ka namboboso, ano pala ang ginagawa mo dito?"
"Mamboboso pa lang.” tatawa-tawang tugon niya sa dalaga subalit nakakuyom naman ang mga palad ng nito. Mukhang gusto na siya nitong upakan.
“Hoy, Marcus! Hindi ako nakikipaglokohan sa ‘yo, ha! Ano nga ang ginagawa mo dito?" Nakangiti lang ang animal. Mukhang pinag-ti-tripan talaga siya.
Sa inis niya, nilayasan niya ang lalaki. Panira talaga ng gabi!
Pagdating sa kwarto ay pinatungan niya lang ng bath robe ang suot niyang swimsuit at ibinalot ng towel ang basa niyang buhok. Balak niyang bumalik sa tubig mamaya kapag wala na roon ang lalaki. Dumeretso siya sa veranda kung saan malaya niyang natatanaw ang swimming pool na pinanggalingan niya kani-kanina lang. May panghihinayang siyang nararamdaman, ang sarap pa sanang maglunoy sa may katamtamang temperatura na tubig. Pero dahil may pesteng sumira sa gabi niya, ayon nabitin tuloy siya.
Nakatingin pa rin si Catherine sa nag aanyayang tubig nang biglang may lumitaw na katawan at- bakit bigla yata siyang napalunok? s**t! It was f*****g perfect! Pero dahil may hiya pa naman siya sa katawan kaya mabilis niyang binawi ang paningin at ibinaling sa ibang tanawin ang mga mata. Oras-oras yata siyang magkakasala kapag palaging nasa malapit ang binata. Bukod kasi sa pini-peste siya nito ay hindi maiwasang makaramdam siya nang pag-iinit ng katawan dahil tuluyan nang umahon sa tubig si Marcus. Tila may magnet ang katawan nito na ayaw humiwalay ng mga mata niya. Kahit anong pigil niya sa sariling h’wag lumingon sa kinaroroonan ng lalaki ay sadyang sutil ang mga mata niya kaya naman hinayaan na lamang ni Catherine ang mga matang mag lunoy sa kasalanan. Minsan lang ‘to! Baka bukas makalawa, hindi ko na siya muling masilayan. Sayang ang pagkakataon, Cath!” pangungunsinte pa niya sa sarili. Pero nagtataka pa rin siya sa sarili dahil hindi naman niya nararamdam ang ganoon kapag si Eidre ang kasama niyang mag swimming. Wala man lang siyang nararamdaman na kahit katiting na malisyasa kaibigan.
Muli siyang tumayo at pumasok na sa banyo. Kailangan lang niya yatang buhusan ng malamig na tubig ang sarili dahil kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak niya.
Pagkatapos maligo ay nahiga na siya sa kama na tanging underwear lang ang suot. Doon kasi siya komportable.