Dinner

3141 Words
Mizu Pov *TIT*TIT*TIT*TIT!*TIT*TIT *TIT*TIT*TIT*TIT*TIT*TIT Tunong nung alarm clock ko kaya bumangon na ako at nag ayos sa sarili ko. pagkatapos kong mag ayos ay bigla nalang akong napatingin sa kama ko. Tsk..Kahit talaga kelan Zu tulo laway kaparin. napanguso nalang ako sa nakita ko at bumaba na. "Good morning!" masayang bati ko sakanila. nakangiting tumungin saakin sa mama habang si papa naman ay saglit akong tiningnan at nag basa na ulit nung magazine. Si Hiromi naman ay Nakatuon lang sa pagkain nya. ewan koba dalawang araw nya na akong hindi pinapansin, dalawang araw nadin yung nangyari kela Raiden at Ayane. "Halika ka baby kumain kana ako nag luto nyan." masayang saad ni mama. hindi ko alam anong tawag doon pero para saakin omelette iyon na sa loob ay may fried rice namay tomato sauce. Ang sarap nga eh hindi nakaka sawa. agad nalang akong kumain dahil gutom nadin ako. Hindi masyadong malaki yung bahay namin kagaya nung sa mga realtives ko simple lang. dalawa lang yung maid namin dahil ayaw ni mama yung marami. wala naman kase daw syang ginagawa masyado kaya gusto nya sya ang nag aasikaso saamin. "Kamusta sa school Zu may umaaway paba sayo?" tanong ni mama saakin kaya nilingon ko sya. nakangiti sya habang naka tingin sakin. "O-ok naman po wala ng nag umaaway sakin" pag sinungaling ko. "astyaka bat naman nila ako aawayin eh ang tatanda kona kaya ang isip bata na nun eh" dagdag ko pa. "Mabuti naman dahil kapag nalaman kong may nam bubully sayo lagot sila saakin." sabi nya, ang tapang talaga ni mama sa salita. Oo sa salita lang, pareho lang kase kami ni mama na hindi masyadong kumakausap ng dinamin kilala namana ko siguro. Nginitian konalang si mom atsyaka ibinaling ang atensyon sa pag kain. kaya tumahimik na kami si Hiromi wala paring kibo napaka over acting parang hawak nya yung lovelife ko kung makasigaw sakin non. "Uhmm Sabay pala tayong kakain mamaya sa dinner kasama yung family ni Raiden" kinikilig na saad ni mom. kaya napa tingin agad ako sakanya, ganon rin pala si Hiromi kaya nag ka titigan kami. Pero pinandilatan nyalang ako. Mag sasalita nasana ako ng "Mom Im done" pag agaw ng atensyon ni Hiromi. sinadya nya talaga yon dahil ayaw nya talaga kapag si Raiden ang Topic. Dahil hindi nya gusto ang pag sisinungaling ko na ok kami ni raiden, na ang sweet namin ni Raiden at iba pa. Kaya akala ni mom bagay na bagay kami at tama ang mga sabi ng Elders hahaha Ironic "Saan po tayo kakain mom? dito lang ba or sa resto natin?"tanong konaman sakanya, palagi kasing dito kapag kasama namin kumain ang family nila Raiden. at ako at si mom ang mag luluto. "Sa Bahay nila Raiden" Exited na saad ni mama saakin. ako naman ay nagulat kung doon kami kakain ika apat konatong pasok sa bahay nila. bakit naman kaya sila nag volunteer na doon kumain eh ang Odd ng family ni Raiden. Lalo nayung papa nya ang sungit kung maka tingin strict sya masyado pero sa mukha lang ah Raiden Father is a good man and also a husband. Tinapos konalang kumain at bumalik na sa kwarto ko upang maligo,toothbrush at suotin ang uniform. ng matapos konayon yon ay agad na akong bumaba para mag paalam para pumasok. Nasa labas na ako ng gate may biglang may bumusina na koste saakin. kaya gulat akong dali dali pumunta sa gate para malaman kung kaninong kotse iyon. Teka familiar tong kotse nato ah sino nga may ari nito nakita konato eh. taka kong tanong sa isip ko pero nanlaki nalang ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang may ari nito. kasabay rin nito ang pag bukas ng bintana ng kotse nya para makita ko sya. "R-raiden??" gulat na sa saad ko, bakit sya bumusina? may kasalanan ba ako sakanya? pero wala naman akong natatandaan na dumikit or may pinagsabihan ako sa secret namin. nagka tinginan lang kami, naka tingin lang sya ng seryoso sa akin habang ako naman ay takang naka tingin sakanya. "Get In" cold nyang sabi saakin kaya naman nagsitayuan ang mga balahibo ko. pero bakit nya ako ipapasakay eh hindi nyanaman ako hinahatid eh. "H-hah?" nasgot konalang dahil diko talaga alam kung anong nangyayari sakanya. "Do i need t—"agad nalang akong pumasok dahil ayoko syang magalit saakin nakakatakot. “alam naman pala ang gagawin eh mag papa cute pa.” masungit nyang padinig sa akin. binalewala konalang ito kase sanay naako, sanay na akong pag isipan nya ng kahet ano na nilalandi ko sya kahet hindi naman. nang makasakay naako tining nan nya ako ng masama hindi nyaparin pina paadar ang kotse nya. Bakit naman kaya makikipag kwentuhan lang ba sya? "B-bakit?" utal na saad ko sakanya dahil nahihhiya talaga ako sa nangyayari ngayon. ang Awkward hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi nya parin inaalis ang tingin nya saakin. Pero napansin nya sigurong naiilang na ako kaya inalis nyana ang tingin nya saakin at naka tuon na sa harapan. "Tsk.. mag seatbelt ka" cold nya paring saad kaya agad naman akong nag seatbelt. pag katapos non ay agad nya nang pina andar ang kotse nya. para lang sa ganon kung maka tingin sya sakin parang may ginawa akong kasalanan. pero kapag nakay Ayane sya mukha syang anghel napaka amo nya. wala kaming kibuan dahil hindi talaga kami nag uusap kapag kami lang. kapag nasa harapan kami ng parents namin nag aacting nalang kami na masaya. para hindi nila mahalata na hindi talaga kami masaya. "Nasabi naman siguro sayo ng mom mo ang mangyayari diba?" bigla nyang sabi sa cold na tono. hindi ko alam kung ano ang sasagutin ko dahil alam kong kapag mag sasalita ako mauutal lang ako. "i haharid lang kita dahil doon. saakin kaparin sasakay mamaya para hindi tayo mahalata. pero asahan mong hindi nato mauulit kaya wag kang mag isip ng kung ano ano at wag na wag motong ipag kalat" sabi nya pa. akala may ibang dahilan sya kung bakit nya ito ginagawa, yun pala ay dahil sa sinabi ni mom kanina. "O-ok" sagot ko sakanya hindi ko mai tatangi na umasa akong may mas magandang dahilan ito kaya nawala ako sa mood. isinandal konalang sa bintana ang ulo ko. mga ilang minuto akong naka ganon ng biglang mag vibrate yung bulsa ko. may nag massage saakin, kaya naman agad ko itong kinuha. Minato "Saan kana?" "pinuntahan kita sa bahay nyo dahil susunduin kita, pero ang sabi ni tita naka alis kana" "nasa school kanaba?" text saakin ni Minato bigla ulit akong nabuhayan dahil sa text nya. at agad na nag reply sa kanya "kasama ko si Raiden ngayon ihahatid nyadaw ako." reply ko sakanya, wala pang isang minuto ay naka reply na agad sya saakin. "Hah!?" "Bakit mo sya kasama malapit na ba kayo?" "ipaliwanag moto saakin mamaya" Hayss Minato paasa ka talaga, akala ko tuloy may tayo. kung maka react ka kapag si Raiden ang na babangit ko sayo daig mopa ang nag seselos na boyfriend hmhm. I Hate You Hindi kona sya pinansin at inoff nayung phone ko dahil tatadtarin nyan ako ng reply. mas gusto kong ikwento sakanya nang harap harapan, ang cute nya kasing magalit hehe. may kalayuan pa kami sa school pero makikita mo na ito. pero ang ikinagulat ko ang pag hinto ng kotse nya, kaya naman napatingin ako sakanya. pero nakatingin din pala sya saakin. "Bumaba kana, Ayokong may makakita saatin from school baka kung ano pang sabihin nila." tulala akong napatingin sakanya hindi ako maka kilos. naka tingin lang ako sakanya. "Now!" sigaw nyapa saakin kaya balisa akong inalis yung seatbelt ko at lumabas sa kotse nya. "sa dito paring lugar mamaya" seryoso nyang sabi atsyaka pina andar na ito. nakatingin lang ako sa kotse nya na papaalis. napabuga nalang ako, hindi ko alam kung bakit kumikirot nanaman yung puso ko eh hindi naman yun bigdeal eh. tama sya kung hindi ako aalis manghihinala ang mga student at aawayin nila ako. malungkot akong nag lakad sa gilid ng kalsada habang naka yuko. hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, bakit ganito nalang ako malungkot dahil ba obligasyon nyang ihatid ako ng maayos dahil asawa nya ako? Hayss Minato Pov Nang mabasa ko ang text ni Zu ay mabilis kong pinatakbo ang kotse ko. F*ck bat kasama nya si Raiden. anong ginagawa nila ngayon, bakit dina nag reply si Mizu, masaya basyang nakikipag usap kay Raiden. Relax kalang walang namamagitan kela Raiden at Zu ok. kaya bilisan monalang ang pag drive mo para makita mona agad si Zu. may kalayuan pa ako sa School namin pero hindi doon nabaling ang tingin ko kundi sa familiar na imahe na naka yukong nag lalakad. Akala koba kasabay nya si Raiden? bakit nag lalakad sya mag isa ngayon? Nang Maabutan ko sya ay agad akong huminto at lumabas sa kotse ko. agad naman syang napalingon saakin pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag takbo nya sa akin at biglaan nyang pag yakap saakin. *DUG *DUG *DUG *DUG *DUG *DUG *DUG *DUG *DUG *DUG *DUG *DUG ang bilis nang t***k nang puso ko at feeling ko namumula na ako lalo nat baka narinig na ni Zu ang malakas na t***k ng puso ko. pero hindi kona iyon pinansin at niyakap sya pa balik. mga ilang minuto kaming ganon nang humiwalay na sya saakin. naka ngiti nya akong tiningnan kaya nginitian kodin sya. "Tara sakay kana saakin." masayang sabi ko sakanya tumango lang sya saakin at sumonod saakin. pinag buksan konaman sya at nang makapasok na sya at comfortable na sya ay agad kona itong pona andar. wala kaming kibuan hanggang sa makapasok kami ng school at sa room namin. at dahil konti nalang ang oras at dumating na ang Lec namin ay hindi na kami nakapag usap. Matalino si Zu at ayaw nyang iniistorbo sya kapag may nag tuturo dahil gusto nyang naka tuon lang ang atensyon nya sa nag tuturo. kaya nakinig nalang din ako. Mizu Pov Lunch Break na namin kaya nadito kami sa canteen. naka tulala ako habang paikot ikot ang tinidor sa spaghetti wala akong ganang kainin yun. bumuntong hininga si Minato kaya napatingin ako sakanya nya. taka akong napatingin sakanya dahil nakakunot ang noo nyang nakatingin saakin ang cute nya tuloy tingnan. kaya bigla nalang akong napangiti. tiningnan naman ako ni Minato nang nag tatakang mukha. "What!?" taka nyang tanong saakin kita konaman na naiinis sya "diba sabi ko sabihin mo lahat sakin" nakanguso nyang sabi saakin "Ok ok" pag hinahon ko sakanya ang cute nya talaga tingnan. sinabi ko lahat sa kanya lahat, nung pina sakay ako ni Raiden sa Kotse nya at nung pababain nya ako. nasabi kodin yung about sa dinner namin mamaya, kayo eto salubong ang kilay nya kada kwento ko sakanya umaangal talaga sya saakin. at bigla nalang mag sasalita. "What!? ginawa nya yun sayo?" naiinis na sabi nya mas lalo tuloy syang naging cute dahil singkit nanga sya mas lalo pang lumiit dahil sa inis " mag v-volunteer syang pasakayin ka tapos ayun pababain ka at medyo malayo pa sa university?! Aba Gag* pala sya eh!" dagdag nya pa ulit. "Ang OA monaman Minato relax kanga. tama lang naman sya eh dahil kapag nakita kami ng mga student edi lagot ako." pag e-explain ko sa kanya. "Kahit na obligasyon nyaparin yun kase asawa kanya" sabi nyapa, hindi nalang ako sumagot dahil may point din sya. natapos ang Lunch break kaya bumalik na kami sa room. ayun may naririnig parin akong bulungan pero hindi konayon pinansin dahil wala naman akong magagawa. pag ka dating namin sa room ay hindi na kami nakapag usap ni Minato dahil nakasabay namin papasok yung Lecture namin. nag sunod sunod pa ang apat na Lecture namin sa Pag d-discuss sa mga lesson. syempre todo ang pag kinig ko sa lesson. - "Oh aalis na ako ah mag ingat ka dyan." naka ngiting pag papa alam ni Minato saakin. nginitian kodin sya at kumaway nalang. "ikaw din ingat sa pag drive bye bye" sagot ko sakanya. hinatid nya kase ako sa kung saan kami mag kikita ni Raiden kung saan nya ako binaba kanina. malayo na sa paningin ko ang kotse ni Minato kaya naghintay na ako. hindi ko alam kung bakit parang exited pa ako eh dito nga ako iniwan ni Raiden kanina eh. hindi ko akalain na mag hihintay pala ako nang halos 20 minutes dito para lang makasakay sakanya. nakita kona ang kotse nya nang nasa harapan kona hindi manlang ito bumaba para pag bukasan ako. sa halip ay bumusina lang it kaya agad na akong sumakay baka magalit nanaman. pagkasakay ko ay agad akong nag seatbelt naka tuon lang si Raiden sa Harapan. napansin nya na siguro na ready na ako kaya nag maneho na ito. wala kaming kibuan pero nasabi nya kanina na inihatid nyapa si Ayane kaya na tagalan syang makapunta saking kanina. madali kaming naka punta sa Sub namin. pinagbuksan kami ng gate nung mga bodyguard sa bahay nila. agad nyang inipark ang kotse nya sa mga iba pang kotse nanaka parada sa gilid. agad nalang akong umalis doon dahil alam kung wala syang plano na pag buksan ako. malapit na kami sa malaking pintuan nila nang hawakan nya ang kamay ko. kaya gulat na nag tataka ko syang tining na habang sya naman ay parang wala lang. "Act like we really are a lovers" cold nyang saad sa akin kaya napatango nalang ako at naglakad na kami agad naman kaming pinag buksan ng pinto. sinundan kolang kung saan sya papunta hanggang sa maka punta kami sa kitchen nila. nakita ko doon ang family ko at family ni Raiden masayang nag k-kwentuhan. "Kuyaa!!!!" sigaw nung babaeng kapatid ni Raiden si Airi. Apat silang mag kakapatid yung dalawa ay may asawa na kaya wala sila dito. napalingon naman lahat samin maliban kay Hiromi na naka focus sa Ipad nya. kahit talaga kelan oh hahaha. "Oh! they're here" masayang bati ng mama ni Raiden sa amin. nginitian konaman sya at umupo na nasa right side ko ang mom ni Raiden at sa left side ko naman naka upo si Raiden. Ang Raming foods at dahil gutom na ako kumain na ako ganun din si Raiden. doon kolang din napansin na kami nalang ang hinihintay nila at hindi pa pala sila kumakain. Kaya sabay sabay na kaming kumain. wala kaming imikan, ayaw ng family nila Raiden na habang kumakain ay nag k-kwentuhan. Kaya naman nung matapos na kaming kumain ay doon pa sila nag k-kwentuhan about sa business nila. wala nadin si Airi at Hiromi they're best friends kaya nag solo na sila. nag kwentuhan pa sila hanggang sa mapunta sila saamin. "kamusta na kayo ni Raiden Zu?" masayang tanong ng mama ni Raiden "naku inaaway kaba nang anak ko?"dagdag nyapa kaya naman napatingin ako kay Raiden na naka tingin din sa akin. "U-uhmm Ok naman po kami mom ang sweet sweet nga ni Raiden saakin eh." pag sisinungaling ko, sa sobrang sweet hindi na namamansin. Mom ang tawag ko kay Kaori yun kasi ang sabi nya. mabait sobra si Tita Kaori hindi sya strick ang supportive nya saamin ni Raiden. sayang lang at nag papangap lang kami ni Raiden na ok kami pero hindi talaga kami ok. "Ohh.. halata nga eh look mag ka holding hands nga kayo ni Raiden dito eh" kinikilig na saad ni Tita. "Hows your 2nd Anniversary?" tanong ni mom kay Raiden. napatingin agad ako sakanya, mabibisto naba kami wala naman kase kaming ginawa eh binigay kolang yung pinag ipunan kong favorite nyang hoodie. "Ang saya nga po tita eh. lumabas po kami para kumain, at namasyal pa since pareho naming gusto yung simple lang.. right hon?" nakangiti syang nakatingin saakin at hinawakan ang kamay ko naramdaman konamang pinisil nya ito. napatingin ako sa kamay nya suot nya na yung wedding ring nya kaya nginitian konalang sya para sakyan sya. "Hindi konga inaasahan na may regalo sya sa akin at yung favorite kopang hoodie ang sabi nya panga eh pinag ipunan nyadaw yun kaya nalungkot ako kase wala man lang akong regalo sakanya" lungkot lungkutan nya tskk... favorite mo o favorite ng girlfriend mo? bakit sya naka suot? "Ok lang Hon.. ano kaba nag effort karin naman sa date natin eh" sagot kopa. sa totoo lang naiilang na ako. "Talaga!" masaya nyang saad tsk.. galing umarte nagulat nalang ako nang yakapin nyako "Wahh!!" "Kawaii!" "ang sweet nyo naman pala talaga" kinikilig na saad nila mom kaya sobra na ang pagka ilang ko. agad naman syang kumalas nahalata nya sigurong naiilang na ako. "C-cr po muna ako mom" pag papaalam ko sakanila. tanging tango lang ang isinagot nila dahil nag usap na sila ni mom ko. agad akong pumunta sa cr kanina pa ako naiihi dahil sa kaba. sobra ang kaba ko baka kase mahalata kami pero hindi ko akalaing malulusutan namin iyon. pag katapos kung mag cr ay lumabas na ako pero may biglang humila sabakin. hindi ko alam kung saan kami pumasok pero isa itong kwarto malaking kwarto. Teka kwarto nya bato? ang laki naman. mangha akong napatingin sa palgid may mga pictures sya nung mga bata sya na nasa frame. black and white ang theme nang kwarto nya. "Gusto mobang mabisto" inis na sabi nya nalang bigla kaya napalingon ako sakanya. naka kunot ang mukha. "diba sabi ko sayo. normal lang dapat bat ka balisa dyaan" natahimik naman ako sa sinabi nya. "kung gusto mong matupad ang plano. sumabay ka! sundin mo ako! dahil gusto konang makawala at sumama kay ayane" mahinahon pero may diin nyang sabi saakin, biglang kumirot ang puso ko kaya napa duko nalang ako. wala akong masabi at hindi ko inaasahan ang sasabihin nya. "Kaya kumalma ka kung ayaw mong mabisto" cold nyang sabi saakin at umalis na. ilang minuto pa akong naka tulala doon hanggang sa maisipan kung bumaba na. nakita ko sila mom and dad na mag papaalm na guess uuwi na kami. taka akong tiningnan ni Hiromi staka inis na inalis ang paningin nya saakin dahil alam nya na siguro. "thank you sa dinner mom and dad nabusog talaga ako" sabi kopa nginitian lang nila ako kaya nag lakad nako papunta kila mom ko. - nandito na ako sa kwarto ko naka suot na ako nang pantulog at tapos ng maligo. naka tulala sa kisame hindi koparin akalaing sasabihin nya iyon ng harap harapan saakin. kung gusto mong matupad ang plano. sumabay ka! sundin mo ako! dahil gusto konang makawala at sumama kay ayane hindi ko alam pero bigla nalang nag si patakan ang luha ko. ganun naba ako kawalang kwenta sakanya para sabihin nya saakin yon. wala man lang syang pake sa nararamdaman ko. umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa diko namalayan naka tulog na pala ako — Please support my story thank you❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD