Ligaw

1954 Words
Jian Zeith Teamo’s POV You're going to die. "Waaaaaaaahhhhh~!" Ginulo gulo ko ang buhok ko, pagkatapos ay biglaan akong yumuko sa plastic armrest ng plastic armchair ko kaya nauntog ako. Ouch. Ansakit talaga kapag plastic. "Zeith! Kanina ka pa namin hinahanap, anong ginagawa mo dito?"-clyde Bigla syang pumasok ng room kasama si Nike kaya napatingin ako sa kanila "Bakit ka sumigaw? At bakit namumula yang noo mo?"-nike "Wala kang pake." Tanging nasabi ko sabay ubob ulit sa armrest Sobrang frustrated talaga ako ngayon. Una dahil sa panaginip ko, napanaginipan ko nanaman yung lalaki. This time wala na kami sa paradise like na lugar, nasa isang madilim na lugar nalang kami at ang nakakatakot, sinasakal nya ako at paulit ulit sinasabi na You're going to die. Dahil sa panaginip na yon hindi na ulit ako nakatulog nang magising ako ng alas tres, tuwing pipikit kasi ako parang nakikita ko yung mga mata nyang kulay dilaw. Nakakatakot, sa totoo lang. Ang aga ko tuloy pumasok, tapos naalala ko pa Sports fest nga pala at wala kaming laban ngayon, sabi ni coach manood nalang daw muna kami ng ibang game. "Nangyari sayo? Dahil ba yan kay Xeira? Ayos lang yan, bro."-clyde Yan ang ikalawang problema ko, si Xeira, nakakahiya yung pag-amin ko! Matapos ko syang awayin, magkakagusto ako sa kanya? Tapos sobrang bilis pa, halos isang buwan palang sya dito sa school eh. Parang tanga lang. "Kausapin mo nalang ng matino."-clyde "Oo nga, wag mong wo-walk-out-an."-nike "Gago ba kayo? Nakakahiya, wala na akong mukhang maihaharap don!" Sabi ko sabay tingin ng masama sa kanila, as in yung deadly. Hindi nila yon pinansin at umupo sa desk ng teacher sa unahan. "Edi tumalikod ka!"-nike "Seryoso ako!" Pinukpok ko pa ng pagkalakas yung armrest ko "Oy oy, seryoso din kami. Kung kinakailangan tumalikod ka makausap lang sya, gawin mo! Ikaw din, baka maunahan ka"-clyde "Maunahan?" "Oo, si Duke! Tanga lang? Ikaw na rin ang nagsabi, pakiramdam mo may something yun kay Xeira diba?"-nike Oo nga, yung pesteng Duke na yon. Bwisit naman oh! Pinoproblema ko na nga yung panaginip ko, yung pag amin ko kay Xeira, pati ba naman sya poproblemahin ko rin?! Ipa murder ko nalang kaya para problem solved na? Haaaay! Nakakabano to. "Pero bro, yung totoo, si Xeira lang ba yan? Laki kasi ng eye bags mo, natulog ka ba?"-clyde "Lalong hindi ka makakaharap kay Xeira nyan, mukha kang adik na nakaamoy ng ipinagbabawal na utot eh! Bwahahahah"-nike Naghalumbaba lang ako at tiningnan sila ng seryoso, mukhang nasense ni Nike na seryoso na talaga to kaya nanahimik sya. "B-bakit?"-nike "May isa akong major problem …" Hindi sila sumagot at kunot noong nakatingin lang sa akin "... nanaginip ako, tungkol sa lalaking dilaw ang mata. Natatakot ako." Tuluyan silang napanganga at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin "s**t"-clyde "Tangna"-nike Truth is. May ideya ako kung sino ang lalaki sa panaginip ko, malakas ang kutob ko na sya yon. At natatakot ako, hindi lang para sa akin kundi pati sa kaligtasan ng mama ko. Dahil alam ko kung ano sya, kung anong kaya nyang gawin. Lalo na sa isang tulad ko. At alam din to nina Nike at Clyde. — — — — — Xeira Kaye Fhore’s POV Nandito na ako sa school kausap si Bes, nakaupo lang kami sa ilalim ng lilim ng isang puno. Isa ito sa madalang na pagkakataong nakakapagusap kami ng seryoso tungkol sa isang bagay. Plano ko sanang wag nalang pumasok, kaya lang naisip ko si Zeith, pati yung sinabi ni Xander kagabi. "Gusto mong malaman kung anong meron kay Zeith at pinababantayan sya ng Reapers, at pinamamatyagan ng Demons?" Biglang sabi ni Bes sa gitna ng katahimikan Kaya kami dito sa garden na to pumwesto kasi tahimik, at ito rin kasi ang sentro ng school. Kaya mararamdaman ko kung may papasok na Reaper o Demon sa paligid, at mararamdaman ko rin kung nasaan si Zeith. Nandoon sya sa East side ngayon, kaninang alas sinko pa sya doon sa totoo lang. Pero hindi naman ako nagaalala dahil wala akong nasesense na Demon sa paligid. "Gusto, pero parang hindi." Sagot ko matapos ang ilang segundong pagiisip "Huh?" "Gusto kong malaman dahil sobrang curious na rin ako, pero parang ayoko kasi may kutob na ako." "At natatakot ka kasi baka tama yang kutob mo?" "Most of the time tama to, dahil sa kutob na to kaya tayo nagsusurvive sa mga laban natin, diba?" Pero sana, kahit ngayon lang, magkamali yung kutob ko. Ayoko sa naiisip ko. "Ano bang nasa isip mo, Xei?" "Alam ko namang may ideya ka na rin." "Gusto ko manggaling sayo." Gusto ko manggaling sayo. Yan ang lagi nyang sinasabi kapag may bagay syang naiisip na alam nyang iniisip ko rin pero hindi sya sigurado. Malabo ba? "Ramdam mo yung enerhiyang nanggagaling kay Zeith? Kapareho ng sa Demons, pero madalas mahirap hanapin kasi kapareho din ng sa mga normal na tao. Parang …" "Nagbabago? Kaya ba nung una ang sabi mo normal lang sya? Kasi noon enerhiya ng tao ang naramdaman at nakita mo sa kanya?" "Oo. Nung una akala ko nagkamali lang ako, pero hindi. Nagbabago talaga yung enerhiya nya, parang … parang nagiging ibang tao sya?" Minsan nga naiisip ko humihina na ako kaya nalilito ako sa energy nya, na baka pumapalya na ako, pero hindi. Mas napatunayan kong may kakaiba sa kanya ng mapasok sa eksena ang RIS, ang school ko dati. RIS stands for Raven International School, yan ang alam ng mga tao na pangalan, akala nila normal na school lang yan. But no, RIS is Reapers Inter School, isang school na nagtuturo sa aming mga reapers ng pakikipaglaban, kung paano pumatay ng isang Demon. "Anong plano?" "Wala" "Wala?" "Anong paki ko kung patayin sya, sya lang naman yon." "Sya lang? Talaga huh?" Asar akong tumingin sa kanya "May gusto ka bang sabihin?" "Ikaw? May gusto kang sabihin?" Kibit balikat na balik tanong nya Wala akong pakialam kung mamatay man sya, kahit sa harap ko pa. Sya lang naman yon. Sya lang. s**t. Nasira ang katahimikan ng tumunog ang phone ko. Gwapong Zeith calling … Nag flash pa sa screen ang picture nya, magtataka na sana ako kung bakit ganon yung pangalan sa contacts ko at bakit may selfie picture ng maalala kong sya nga pala mismo ang nagsave ng number nya sa phone ko. Nainlove! Nainlove ako kaya nagkaganito! At dahil to sayo! Bwisit ka kasi! Masyado kang pafall! Mariin akong napapikit ng maalala ko nanaman ang nga sinabi nya, sandamakmak na panunukso ang inabot ko kahapon dahil sa mga salita nyang yan. Sabi nila ang sweet daw, sabi ng iba ang landi ko daw. Naisip ko, wow, ako pa? "Bat di mo sagutin?" Sinagot ko na yung tawag, pero hindi ako nagsalita, tahimik din naman sa kabilang linya. ["Uhh ano nasan ka?"] "Bakit?" ["Wala lang … kasi ("Putspa Zeith, itanong mo kung pwedeng makausap!") tumahimik ka ("Ang bagal mo kasi!") Ano ba!"] At nakarinig pa ako ng ilang ingay at galabog sa kabilang linya kaya inilayo ko muna yung phone sa tenga ko. "Si Nike yata yung umeextra" natatawang sabi ni Bes "Oo yung bespren mo." Pinakinggan ko na ulit at tahimik na. ["Ano, Xeira? Nanjan ka pa?"] "Oo" ["Sorry, si Nike kasi epal."] Wow, kailan pa sya natutong magsorry? At kailan pa naging maamo ang boses nya? Parang nung nakaraan lang, makasigaw sya, wagas. ["Nasan ka? Usap tayo."] "Ako nalang pupunta sayo." ["H-huh? Ahh, oo, dito ako sa room."] "Geh" Ibinaba ko na yung tawag at tumayo "Wala palang paki ah?" Bulong ni Bes — — — Pagkarating ko sa room ay inabutan ko si Zeith na nakaupo lang sa armchair nya. "Bakit?" "U-uyy, bilis ah." Ngumiti sya ng alanganin "Nasa malapit lang ako" "Ahh" Naupo ako sa teacher's table at diretsong tumingin sa mga mata nya, sya namang pagiwas nya. "Akala ko kakausapin mo ako?" "A-ahh. Oo … ano, yung sa … sa ano." "Yung kahapon?" This time tumingin na sya sakin, at pulang pula yung mukha nya. Napansin ko rin na pinagpapawisan sya kahit may aircon. "Kasi … t-totoo yon … yung sinabi ko." "Ano bang sinabi mo?" Natatawa ako, hindi ko alam kung sa expression ba ng mukha nya, sa pagkautal nya, o sa sinasabi nya. Pwede ring sa sarili ko. "Yung sa gymn! Pagkatapos ng game?" "Oh? Ano ngang sinabi mo?" Nagkunwari pa ako na parang inaalala ko kung anong sinabi nya "Seryoso? Limot mo na?" Napatayo sya sa pagkakaupo at di makapaniwalang tumingin sa akin "Ano ba kasi yon?" "Hah! Di bale, wag na" Paalis na sana sya ng magsalita ako "Nainlove! Nainlove ako kaya nagkaganito! At dahil to sayo! Bwisit ka kasi! Masyado kang pafall!" Panggagaya ko sa sinabi nya Hindi parin sya humaharap kaya nagsalita ulit ako "Almost a month mo palang ako kilala, mahal na agad? Oh wait, kilala mo nga ba talaga ako?" Humarap na sya sakin ng kunot ang noo "Possible yun, kaya nga naimbento ang 'love at first sight' diba?" "Kailan pa tumibok ang mata? At isa pa, ni hindi nga tayo magkasundo, galit ka sakin diba?" "The more I hate, the more I love." "Hindi mo ako kilala, ni hindi mo nga alam kung saan ako nakatira." Naglakad sya papalapit sakin, hanggang sa nasa tapat ko na sya. "Hindi naman yung background mo ang minahal ko, ikaw, ikaw mismo." "Hindi kita gusto" deretsong sabi ko Bahagya syang natahimik pero mayamaya lang ay ngumiti rin. Pagkatapos ay itinungkod ang dalawang kamay nya sa magkabilang gilid ko, at lumapit sya sakin, sobrang lapit. Pero hindi ako nagpatinag at nakipagtitigan lang sa kanya. "Kaya nga naimbento ang panliligaw, para sa mga taong gustong magustohan rin sila ng taong gusto nila." Lumayo sya sakin at hinila ako sa kamay. "Tara, kain tayo" Ano ba talagang tumatakbo sa isip ng timang na to? — — — — — Jian Zeith Teamo’s POV Earlier In his dreams "Zeith" May tumatawag sa pangalan ko, boses lalaki, alam kong malapit lang sya, pakiramdam ko bumubulong sya sa tenga ko, pero hindi ko sya makita. Sobrang dilim ng paligid, wala akong makita. "Zeith" Paulit ulit. Lakad ako ng lakad pero parang wala akong pinatutunguhan. Kung saan saan ako lumilingon dahil sa tawag na yon pero nawawala sya. Puro dilim ang nakikita ko. Hindi ko sya makita. Sino ba kasi sya? "Zeith. Sa likod mo!" May sumigaw, boses babae naman. Pagtingin ko sa likod ko. Itinulak ako ng kung sino man habang sakal sakal nya ako. At nung ginawa nya yon, biglang nawala yung kadiliman, napunta ako sa ibang lugar. At kasalukuyan akong nakataas sa isang pader habang sakal nya … maliwanag pero di ko maaninag ang mukha nya, tanging ang dilaw na mata lang nya ang malinaw sa lahat ng to. "Argh b-bitaw" "You're going to die" Pumapasag ako, pero kulang ang lakas ko. Iba sya. "Zeith!" Yung boses nanaman ng babae, pagtingin ko sa likod ng sumasakal sa akin, nakita ko sya. Nakaluhod, duguan. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko nagkaron ako ng lakas ng makita ko yung babae. Sino ba sya? Sino sila? Biglang lumiwanag ng sobra, kaya napapikit ako. Pagdilat ko, nakatayo nalang ako, at nasa harapan ko, nakahiga yung lalaki kanina. Hindi ko makita ang mukha nya, pero sigurado ako na sya ito. May naramdaman ako sa kamay ko … malamig, matigas, isang dagger. "Zeith!" Narinig ko nanaman yung boses ng babae. Pangalan ko lang yung isinigaw nya, pero pakiramdam ko, sinasabi nyang isaksak ko yung dagger sa kaharap ko. At yun ang gagawin ko … dapat. Pero biglang nagdilim yung paligid. "Zeith" Narinig ko yung boses ng babae, sa huling pagkakataon. — — — "HAH!" Mabilis ang paghinga ko at parang aatakihin ako sa puso. Panaginip. Isang napakasamang panaginip. Shit talaga. Sya nanaman. Yung lalaking dilaw ang mata. Sya na kaya yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD