Revealed

2020 Words
Xeira Kaye Fhore's POV Kaya nga naimbento ang panliligaw, para sa mga taong gustong magustohan rin sila ng taong gusto nila. Timang. Timang talaga sya. Panliligaw ang sinasabi nya? Sa tanang buhay ko wala pang nanligaw sakin, dahil yung mga nagtangka. Natatakot matapos makilala ang kalahati ng pagkatao ko. Kalahati palang yun ah, what more kung buo? Hindi kapanipaniwala. Hindi dapat magtiwala. "Xeira! Bumaba ka rito!" Natigil ang pagiisip ko ng tumawag si Bes mula sa baba. Nandito ako sa kwarto ko pero rinig na rinig ang boses nya, pati yata kapitbahay maririnig sya, buti nalang wala kami non. Pagbaba ko naabutan ko silang nasa living area. Nasa mini table si Bes at Joel, may itim na libro sa harap nila na halata mong luma na. Nasa single sofa naman si Rigid, kaharap nya yung loptop nya. Busying busy sila ah, nasan kaya si Duke, Law at Kim? "Anong trip yan? Group study?" Sinamaan nila ako ng tingin "Remember, kaninang tanghali, nauna akong umuwi sayo dahil nakikipaglandian ka pa kay Zeith?---"-bes "Hey! I'm not!" Naupo ako sa mahabang sofa at tiningnan sila. "Edi hindi! Basta yon, bored ako, kaya napadpad ako sa library nitong bahay. Tapos napunta ako don sa pinaka dulo, nakita ko to." Itinaas nya yung isang itim na libro Mukha lang naman yong pangkaraniwan, bukod sa luma na at walang title, wala namang weird doon. Ngayon ko lang nakita ang libro na yon sa totoo lang. Mahilig kasi ako magbasa pero hindi ako napapadpad sa dulong part , nasa bungad kasi yung mga gusto kong libro. "Oh tapos?" "Anong oh tapos? Hindi ka ba nawiwirduhan dito? Kulay itim, hard bound kahit manipis lang, tapos walang tittle? At tingnan mo yung loob, di maintindihan ang sulat."-bes Kinuha ko yung libro at tinitigan. Lumang luma na talaga to at may kung anong hindi ko maintindihan na amoy, parang galing sa ilalim ng lupa. Binuklat ko yon at tama nga si Joel, ang ewan nung sulat. Alam kong hindi yun Chinese, Japanese o Korean calligraphy kasi iba talaga. Gold pa yung ginamit na kulay ng tinta. "May weird nga na sulat sa loob, oh tapos?" "Xei naman, syempre nakaka curious. Naghanap ako sa library at yan lang yung may ganyang sulat, gusto kong idecode."-bes "Ano namang kinalaman ko jan?" "Diba matalino ka? Mas madaling magdecode kapag kasama ka, hinahanap na ni Rigid kung anong sulat to."-joel Ibinalik ko na kay Joel yung libro "Bakit hindi sila Duke, Law at Kim ang kulitin nyo? Teka, nasan na ba yung tatlong yun?" "Inutusan sila ng committee."-bes "Eto na! Nakita ko na."-rigid "Patingin, patingin!"-bes Ipinakita ni Rigid yung loptop nya sa dalawa "Greek writing?"-joel "Old Greek writing, sobrang luma na nyang libro."-rigid Tumayo si Bes at hinila ako palapit sa kanila "Tara na! Magdecode tayooooo!" At ano pa nga bang magagawa ko? Makulit sya kaya umoo nalang ako. — — — Akala ko ng mga oras na yon, walang patutunguhan ang pagdedecode, akala ko walang kwentang libro yon. Pero hindi, kasi yung libro, kasaysayan yon ng mga Demons. Tungkol sa pinagmulan nila, sa kapangyarihang taglay nila, sa mga kahinaan nila … lahat ng tungkol sa kanila. Pero ang nakakagulat, sa huling pahina ng libro, ito ang nakasulat … The seventh son of the seventh son of the royal Demon's bloodline will end all suffering. Ika pitong anak ng ika pitong anak, magtatapos ng lahat ng paghihirap. Anong ibig sabihin non? Sino sya? "Kailangan nating malaman kung sino sya." Nasabi ko nalang "Bakit?"-duke Nakauwi na sila Duke kaninang madaling araw, may kinailangan lang daw silang patayin na mga Demons. Gabi na ngayon at mahigit 24 hours na kaming nagdedecode, ni hindi na nga kami nakapasok ng school, friday pa naman ngayon. Pero kahit ganon ay di ako nakakaramdam ng antok, dahil siguro sa curiosity. Medyo napapagod lang ako … sa kakaisip. Naoover use na ang utak ko. "Ewan." "He will end all suffering, di kaya sya na ang tatapos sa matagal nang hidwaan natin laban sa mga Demons?"-law "Maybe. Pero possible din na sya ang tatapos sa mga Reapers, para maghari na silang mga Demons."-joel "Pero feeling ko positive ang meaning nung nakasulat, maybe he'll bring peace?"-bes Napasandal ako sa sofa at pumikit, bakit ba kasi nakita pa nila yang librong yan? Sakit sa ulo. "For a trained Reaper like us, naniniwala ka pa pala sa kapayapaan?" Biro ni Kim Naniniwala ka pa pala sa kapayapaan? Naniniwala pa nga ba ako? Mula ng isilang ako, puro patayan ang nakikita ko, puro kaguluhan. May lugar pa ba ang kapayapaan? "Tara, itrace natin yang ikapito ng ikapito na yan." Tumayo si Duke at nag-inat "Paano?"-law "Edi magtatanong tayo!"-duke "Kanino?"-rigid "Sino pa bang nakakaalam ng bloodline ng mga demonyo? Edi yung kapwa nila demonyo!"-duke — — — — — Jian Zeith Teamo's POV Friday. Hindi pumasok si Xeira at Bes, may game pa naman ako noon. Sabi ni Clyde baka busy lang, sabi naman ni Nike baka nasuya na sa pagmumukha ko. Hindi ko kasi tinigilan sa pangungulit nung thursday. Nag-alala nga ako kasi hindi naman nya ugaling umabsent, wala pa syang absent sa isang buwang pasok nya. Tapos pati si Bes, absent. Monday, wala parin sila. Nag aalala na talaga ako ng sobra, ilang beses ko na syang tinawagan pero cannot be reached. Gusto kong puntahan sa bahay nila pero hindi ko naman alam kung saan. Tae naman oh. "Baka busy lang talaga, wag mo masyadong kulitin baka magalit."-clyde "Bakit kasi ayaw sumagot? Ganon ba kahirap ang pagpindot sa answer button ng cellphone?!" Nandito na kami sa school, naghahanda para sa game namin mamaya, dalawa pa naman ang laban namin, tapos wala sya. "Tanong kaya natin kay Duke? Diba close sila?"-nike Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nya. Grabe, ngayon lang sya nagsalita ng may kwenta. Agad agad kaming nagpunta sa room na para sa players ng basketball team ng ibang school. Pero sa kasamaang palad … "Absent si Duke, pati sila Lawrence, Rigid, Kim and Joel. Nung friday pa." Sabi nung isang player Absent pati yung ibang star players nila? So ano? Magkakasama kaya silang pito? Ayos lang kaya si Xeira? Waaaaaaahh! Gusto kong makita si Xeira~ "Wag mo nalang munang isipin, tara malapit ng magumpisa yung game."-clyde Ganon na nga lang ang ginawa ko, sinubukan kong hindi isipin. Kaya lang hindi effective … ang ending? Nabangko lang naman ako sa kauna unahang pagkakataon! Wala daw kasi ako sa wisyo. Hangang sa second game namin ayaw na akong paglaruin ni Coach. "Umuwi na kayo't magpahinga, lalo na ikaw Teamo! Kailangan bukas nasa tamang pagiisip ka na!"-coach Umoo nalang ako kahit gusto kobmag react. Maka tamang pagiisip, para namang baliw ako. "Oy oy oy! Zeith, yung pinakahihintay mo nanjan na!"-nike Nasa gate na kami at papalabas na, may itinuro sya na tiningnan ko naman at … "Xeira" "Uhh musta?" Nakasandal sya non sa isang kotse na parang may hinihintay. Ako lang ba o ang ganda nya talaga kahit black reaped jeans at gray v-neck shirt lang ang suot nya? Pinagtulakan ako nila Nike palapit sa kanya at ano pa nga ba? Alangang takbuhan ko sya diba? Eh miss na miss ko na nga. "San ka galing? Alam mo bang nag-alala ako sayo! Ni hindi mo sinasagot ang mga tawag ko!" Natawa sya ng bahagya "Sorry na" "Tatawa ka pa" "Busy ako eh, tara" sabay bukas sa passenger seat ng kotse nya "Huh?" "Sakay na" Hinila nya ako papasok saka nagdrive. Paulit ulit ko syang tinatanong kung saan ba sya nanggaling pero ngumingiti lang sya at patuloy na nagddrive, ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Pero ayos lang, kahit wala kaming destinasyon, kahit daldal ako ng daldal at hindi sya sumasagot, kahit ganito lang kami … masaya na ako. Kuntento na ako sa kung ano kami ngayon. — — — "Nakakainis talaga yung machine na yon! Nasayang yung tatlong token ko sa kanya, tapos ayaw pa maniwala nung guard na may sira yung machine!" Reklamo ko "Wala naman kasing sira. Natalo ka lang talaga, ng tatlong beses." Natatawang sabi ni Xeira "Hindi naman eh" Nakakainis talaga yon! Hinding hindi na ulit ako maglalaro non! Kadayaan, ayaw lang nila magpakuha ng stuffed toy eh. Kapag bumababa pa naman yung claw parang makukuha na yung pikachu, tapos biglang nalalaglag! "Hahahahahaha! Para kang bata." Napatitig nalang ako sa kanya. Ngayon ko lang kasi sya nakitang tumawa ng ganyan. Parang walang probema, walang inaalala, hindi kagaya kanina ng makita ko syang naghihintay sakin … parang ang dami nyang iniisip. Kahit ngumiti sya ng makita nya ako, parang hindi totoo. Pero ngayon … "Bakit?" "Wala naman, sarap mo kasing titigan ng ganyan." "A-ahh" "Picture tayo, dali dali" Pagkatapos namin magpicture sa parking lot ay bumyahe na kami pauwi. Nagmall lang naman kami, Ewan kung bakit sya biglang nagaya. Baka namiss ako. Yiieeeehh. Pffth, tae ang bakla naman. Passed eight na ng makauwi kami, okay lang gabihin kasi wala pa naman si Mama sa bahay ng ganitong oras, at okay lang naman siguro sa kanya. "Pasok na ako, ingat ka." Nakangiting paalam ko "Yung bahay nyo, iniiwan nyo talagang nakabukas?" Nakatingin sya sa likod ko kaya napalingon din ako doon. Oo nga, bakit bukas yung gate? Pati pinto, pero nakapatay yung ilaw. Shit. Kanina pa ako kinukutuban ng masama. Tumakbo ako papasok ng bahay at agad na binuksan yung ilaw, ang gulo ng buong bahay, nagkalat yung mga gamit namin. Tae, nanakawan ba kami? Sure naman akong nilock ko yung pinto kanina. "Check mo kung may nawala" sabi ni Xeira, sumunod pala sya Kaya pinuntahan ko agad yung kwarto ko, magulo rin as expected, pero nakakapagtaka kasi nandon pa naman yung gadgets ko. Sunod akong pumunta sa kwarto ni Mama, ganun din. "Zeith!" Bumaba kaagad ako sa sigaw nya, nandoon yata sya sa kitchen. "Oh ba-kit … Mama? Ma!" Napatakbo ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Sobrang daming dugo ang nagkalat sa sahig. "Ma" "Z-Zeith" Sa kabila ng malaking sugat nya sa dibdib ay nagawa nya pang ngumiti at hawakan ang kamay kong nakaalalay sa kanya "Xei, tumawag ka ng tulong!" Pero hindi gumagalaw si Xeira sa kinatatayuan nya at nakatingin lang sa Mama ko "Xeira, ano ba!" Pero hindi parin sya gumagalaw at malungkot na tumingin sa akin "I can't, may paparating, kailangan na nating umalis!" May paparating? Paano nya nalaman … hindi na importante. "Hindi ko pwedeng iwan si Mama!" Bakit ba hindi nya ako tulungan? Buhay pa si Mama, matutulungan ko pa sya. "Z-Zeith" "M-Ma" "U-uma-lis na ka-kayo" "Ayoko, hindi kita iiwan" "Mak-kinig k-ka, sum-mama ka kay Ka-Kaye, sasab-bihin n-nya sayo a-ang totoo." "Totoo? Anong totoo?" "Mahal k-kit-ta an-nak" Bumagsak ang mga kamay nyang nakahawak sa akin kasabay ng tuluyan nyang pagpikit. "Tara na" hinila ako ni Xeira papalabas ng bahah at wala akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya. Nagdidilim ang paningin ko at hindi na ako makapagisip ng maayos. Tanging ang mukha nalang ni Mama ang nasa isip ko … ang mukha nya habang unti unting nawawalan ng hininga sa mga bisig ko. At wala manlang akong nagawa. — — — — — Xeira Kaye Fhore's POV "Anong nangyari?" Naguguluhang tanong ni Duke habang nakatingin kay Zeith na tulalang nakaupo sa sofa "Pinatay nila si Jez" Ang tanging nasabi ko "Ano?!"-bes "Paguwi namin sa bahay nila, nandon si Jez, patay na." "Akala ko ba nasa trabaho pa si Jez ng ganitong oras?"-rigid "Yun din ang akala ko" — — — Flashback Earlier this morning "Ikaw ba si Jezly Teamo?" Nandito ako sa bahay nila Zeith at kausap ang Mama nya, sinakto ko talaga kung kailan nasa school na si Zeith para hindi nya malaman. "Ah oo, anong kailangan nila?" "Ako si Xeira, Xeira Kaye Fhore." Nang marinig nya ang pangalan ko ay nawala ang ngiti nya sa labi, napalitan ito ng matalas na tingin. "Ipinadala ka ba ni Xander? Sabihin mo sa kanya, hinding hindi ko ibibigay ang anak ko sa kanila!" Pagsasarhan nya na dapat ako ng gate ng iharang ko ang kamay ko at sapilitang pumasok sa loob. "Hindi ako nandito dahil sa ama ko, nandito ako para tumulong." Flashback Ends — — — Pinuntahan ko sya kaninang umaga para kausain tungkol kay Zeith. Dahil natuklasan namin na … sya yung nasa huling pahina nung libro. The seventh son of the seventh son.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD