Xeira Kaye Fhore's POV
"Zeith"
Naupo ako sa tabi nya at tiningnan sya. Tulala parin at hindi nagsasalita, pero tumigil na ang pagluha nya.
"Zeith, kausapin mo ako" pakiusap ko
"Pinatay nila si Mama, alam ko, sila ang may gawa non."
Naguluhan akong bigla sa sinabi nya. Sinong sila? May alam na sya?
"Sinong sila ang sinasabi mo?"
Tumingin sya sakin ng diretso, punong puno ng galit ang mga mata nya. Aaminin ko na tuwang tuwa talaga ako sa lahat ng expression sa mukha nya, pero ngayon, hindi ko gusto ang nakikita ko sa mukha nya.
"Hindi mo ba talaga alam? O nagtatanga tangahan ka lang?"
Nanlalamig ang mga kamay ko. At nakakaramdam ako ng kaba na ngayon ko lang naranasan. Daig pa nito yung kabang nararamdaman ko sa tuwing haharap sa daan daang demonyo.
"A-anong sinasabi mo?"
"Isa ka sa kanila, diba? Nung namatay si Mama, tsaka ko lang narealize na tama ang hinala ko! Sabihin mo Xeira, paano mo nalaman na may paparating noon?" Puno ng paghihinala ang boses nya, at masasabi kong may tono rin ng paninisi ito.
"Zeith--"
"Naramdaman mo sila diba? O baka naman alam mo talaga na dadating sila!"
"Hindi mo kasi naiintin--"
Inis na inis ako sa tuwing pinuputol ang sinasabi ko, pakiramdam ko kasi ayaw akong pakinggan. Pero ngayon, iba, wala akong maramdamang inis. Ang gusto ko lang ay ang makapag paliwanag sa kanya, kahit na hindi naman kailangan.
"Alin ba ang hindi ko naiintindihan?! Sabihin mo! Sabihin mo kasi gulong gulo na ako, gulong gulo na ako sa mga nangyayari … hindi ko, wala na akong maintindihan. Hindi ko na alam kung anong totoo, kung anong … kung anong dapat kong paniwalaan, kung sinong dapat kong pagkatiwalaan. Hindi ko na alam!"
Hinila ko sya palapit sa akin, ang kaliwang kamay ko na nakahawak sa likod nya at ang kanan na nasa leeg nya para alalayan ang ulo nya pasandal sa balikat ko. At mula doon, ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso nya, ang pagtaas baba ng balikat nya kasabay ng pagkabasa ng sarili kong balikat senyales na umiiyak nanaman sya.
"Ako Zeith, magtiwala ka sakin. Sasabihin ko lahat, lahat ng gusto mong malaman, lahat ng dapat mong malaman. Magtiwala ka sakin, tutulungan kita."
At muli narinig ko nanaman ang paghagulgol nya.
Ayoko ng ganito, hindi ako sanay na nakikita syang umiiyak. Mas gusto ko yung tumatawang sya, yung mukhang timang. Yun ang gusto ko.
— — —
"They're here."-kim
"Papasukin mo."-duke
Mula sa pinto ay pumasok sina Nike at Clyde, pakiusap ni Zeith, gusto nya nandito sila. Nagsiupuan silang lahat at nagkaroon ng nakakailang na katahimikan sa pagitan namin.
"Ehem" pag fake cough ni Duke
"Yung totoo? Wala tayong matatapos kung magtititigan lang tayo dito."-bes
"Ano bang meron? Nakakagulat kasi yung sunduang ganap."-nike
"We'll talk about Zeith, us, our real identity."
Nagtinginan pa sandali si Nike at Clyde bago humarap sa amin.
"What about … us?"-clyde
"Ano nga bang tungkol sa inyo?"-law
"Hey, hey, chill bro. No fights."-Kim
"Bakit ba kasi nandito sila?"-Rigid
"Pagkatao ni Zeith ang topic, hindi kayo." Madiing sabi ko
"Let's start with you, Zeith, hanggang saan ba ang alam mo? Kailangan namin malaman, para masabi namin kung ano nalang ang kulang."
Nagaalangan pa sya, pero sandali lang at nagsalita na rin.
"I'm a half demon, demon yung Dad ko, tao ang Mama ko. Nalaman ko yun last two years, when I turned 16 I discovered my ability to read minds. Yung mama ko, madalas syang magkaron ng mga bangungot, kapag nangyayari yon lagi nyang sinasabi na may kukuha sa akin, na wag ko daw syang iwan. I got curious so I read her mind … at yon, nalaman ko ang totoo."
"What about Nike and Clyde? Bakit kailangan silang nandito?"
Sya kasi mismo ang nagsabing papuntahin dito yung dalawa.
"We're demons too, half demons. Nung nadiscover namin ang mga kakaiba naming kakayahan pagtungtong namin ng 16, noon kami naging close."-clyde
"Nagkahulihan kasi kami, ramdam din naman kasi namin yung enerhiya ng bawat isa. Kaya ayun."-nike
They're Demons? How was that even possible? Kagaya lang ng sa tao ang enerhiya nila. O baka naman gaya sila ni Zeith na biglaan rin ang pagbabago ng enerhiya.
"Hindi namin kayo ramdam"-bes
"Mahina lang naman kasi kami, not like Zeith, and you."-clyde
"Lumalabas ang energy ng pagiging demon ni Zeith tuwing nakakaramdam sya ng sobrang emotion."-nike
"So all this time alam nyo kung ano kami?"-duke
Naalala ko tuloy ang unang beses na may maramdaman akong kakaibang energy sa kanya, yun yung panahon na inis na inis sya sakin, nung napagalitan kami at pinatawag ng teacher.
"Ano nga ba kayo? I mean, hindi kami sigurado … magulo."-nike
"Half demons like us can read minds, pero yung sa mga tao lang ang kaya naming basahin, hindi namin mabasa isip niyo."-clyde
"Noon namin naisip na baka kapareho namin kayo, pero higit kayong malakas, kaya … haay ewan."-nike
"Demon ba kayo?"-zeith
Diretso ang titig ng mga mata ni Zeith sa akin na parang bang isang pagkakamali lang ay masasaktan ako.
"Hindi"
"So, ano?"-zeith
"Reapers"
"Paanong reaper? Shinigami lang? Killer, ganon?"-nike
Paano ko ba ipapaliwanag kung ano kami? Magawa nya kayang maniwala sa sasabihin ko? Haaay syempre naman Xeira, maniniwala sya sayo, ikaw pa. Tss. Ayokong magkamali sa sasabihin ko, ayokong pumalpak sa pagkakataong ito.
"Killer nga kami, we kill Demons, we are enemies."
Parang mali naman yata yung sinabi ko, half demon sila, baka matakot samin.
"Pero hindi namin kayo papatayin ah! I mean, depende."-bes
"Wow, depende, ibig sabihin may chance." Napapalunok na sabi ni Nike
"Bakit sinabi ni Mama na sayo ko malalaman ang totoo?"-zeith
"Pumunta ako sa inyo kaninang umaga, nag usap kami ng Mama mong si Jez tungkol sayo, tungkol sa tunay mong pagkatao."
— — —
Flashback
Earlier in the Morning, Zeith's house
"Hindi ko kailangan ang tulong mo, umalis ka na."
Ipinagtutulakan nya ako palabas pero hinawakan ko ng madiin ang magkabilang braso nya na nagpatigil sa kanya.
"May pupuntang mga demonyo dito mamayang gabi, gusto nilang patayin si Zeith." Pagkasabing pagkasabi ko noon ay napatigil sya sa panlalaban
"A-ano?"
"Papatayin nila si Zeith, maitago mo man sya ngayon, siguradong mahahanap at mahahanap rin nila kayo. At ako lang ang makakatulong sa kanya."
Nanlalaki ang mga mata nya at halata ang gulat dito, ilang minuto rin yata syang tulala. Bubuka ang bibig nya pero sasara rin agad, paa bang hindi sya sigurado sa sasabihin nya kaya hindi nalang sya nagsasalita.
"G-gusto mong pumasok sa loob?"
Pumasok kami sa bahay nila at doon nagusap sa sala
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, ang alam nila patay na ang anak ko, kaya paanong hahabulin nila kami ngayon?"
"What do you mean?"
"Sinubukan na rin nilang patayin si Zeith dati, muntik na silang magtagumpay pero nailigtas ko sya, ang alam nila patay na talaga si Zeith."
Kung ang alam nila noon ay patay na si Zeith, paano nila nalaman na buhay pa ito ngayon? May nagsabi kaya sa kanila? Pero sino? May traydor ba sa paligid nila?
"I don't know that one. But one thing's for sure, pupunta sila dito mamaya para kay Zeith."
"B-bakit? Bakit ba nila gustong mamatay si Zeith? Noon pa ako nagtataka doon."
"Because Zeith's the seventh son of Crowley, the Demon's Lord."
Nagumpisa nang maiyak si Jez, napayuko sya habang nakatakip ang mga kamay sa parehong mata.
"A-ano naman ku-kung anak sya ni Crowley?! Hin-hin-di naman nya pina-pap-patay ang ibang anak nya ah!"
"You don't understand Jez, Zeith's special. Hindi lang sya basta half Demon … he's the one destined to end all suffering."
Nagangat sya ng tingin sa akin na para bang may sinabi akong kakaiba.
"He is?"
"May alam ka tungkol don?"
"May nakapagsabi na sa akin noon, isang matanda, na ang anak ko ang tatapos sa lahat ng ito."
"Kung ganon mas lalong dapat nating paniwalaan ang sinabi ng libro … kailangan nating itago si Zeith, tutulungan ko kayo!"
"Sige, magtitiwala ako sayo … Xeira Kaye Fhore."
Flashback Ends
— — —
Basta ang sinabi nya lang sa akin ay ilayo ko daw muna si Zeith, wag ko daw muna syang iuuwi sa kanila at sya naman … haharapin nya ang mga Demonyo. Isang mahalagang bagay din patungkol kay Jez ang nalaman ko, isa syang Reaper.
"So hindi lang ako basta half Demon, half Reaper din ako? At ako, I will end all suffering? Anong ibig sabihin non?"-zeith
"Sa totoo lang, hindi rin namin alam."
Panandaliang katahimikan pa ang namayani sa amin hanggang sa malakas na paggalabog ng isang bagay. May nahulog mula sa kung saan.
Kaagad kaming naalerto at napatayo, handa na sanang sumugod sa mga nilalang na ito pero …
"Kalma, kalma! Kami to!" Nakataas ang dalawang kamay na sabi ni Eris, pinsan ko
Tumayo sila mula sa pagkakabagsak sa sahig at naupo sa sofa.
"We just opened up a portal para makapunta dito ng mabilis, 'coz it's like OMG guys! Muntik lang naman kaming madeds!" Maarteng sabi naman ni Lauren or simply Ren, younger sister yan ni Law
"What exactly happened to the three of you?"-law
"Alam na nila! And they're hunting us! Para mamatay!" Sigaw ni Lax, twin sister ni Rigid
All of them are Reapers like us. We're actually a team; Lawrence, Lauren, Rigid, Lax, Duke, Joel, Kim, Eris, Abbesie, and me. Binuo kami ng Committee many years ago because of a certain mission, umabot ang mission na yon ng ilang taon kaya naging close kaming lahat. At eto nga, palagi na kaming magkakasama. Maybe you're wondering with my age, I'm 63 years old, pinakabata sa grupo. Reapers and Demons don't age, we have an eternal life, but we can be killed.
"They say you're a traitor Xeira, you're helping a Demon. At dahil tinutulungan ka rin namin, damay kami, lahat tayo nasa wanted list."-eris
"Kaming pito lang naman ang tumulong kay Zeith, bakit pa kasi kayo nagpunta dito? You should've left us!" Duke may look mad, but I know he's just worried about them … about us.
"Left you? And what?! Let you all die? NO!"-ren
"Look guys, we're a team. Walang iwanan."-lax
"Mamatay ang isa, mamamatay ang lahat."-eris
And this is what you call a real family. Iniwan man ako ng ina ko, walang kwenta man ang ama ko. Lucky me, I still have them. My friends, my family.
— — — — —
Narrator's Point Of View
Deep in Xeira's heart, kahit pa alanganin ang lagay nila ngayon, she's still happy for having a friend, or rather a family like them. She couldn't wish for more … or maybe there is.
I want to have it, even if I know it is just an illusion, what I seek is this made up thing called peace. Mga salitang hindi mawaglit sa kanyang isip. Naniniwala syang ang lalaking nakilala nya a month ago ang magbibigay sa kanya nito.
"My Father, he suggested my death, right?"
Sa isip ni Xeira, hinihiling nyang nagkakamali sya, pero …
"Yes"-eris
She knew her Father too well, gagawin nito ang lahat matupad lang ang gusto, even if it means sacrificing his own child.
Years ago her Father killed her Mother, that's the time when she started to despise him. She know the reason, it is because of power. Gusto ni Xander Fhore ng mas mataas na katungkulan, ng mga oras na yon ay si Kathryn Fhore pa ang opisyal ng committee, pero ng patayin sya si Xander, napunta rito ang katungkulan ng asawa. Now she wonders … ano naman kaya ang pinaplano ng magaling nyang ama?
*BOOOOOOOOMMM
A loud explosion banged the whole place. Nasira ang batong dingding ng bahay at nagsitalsikan sa kanila ang debris, good thing they're strong, wala sa kanila ang nabagsakan ng malaking bato. Sumalubong sa kanila ang mga Demonyo. They were caught off guard, having no choice but to fight.
"May alam akong pagtataguan! Come near me, we'll teleport there!" Sigaw ni Eris sa gitna ng kaguluhan
All of them are strong, they were born fighters. But there's time for fights, now, they need to hide. Wala pang ilang segundo ay nilamon na sila ng liwanag, pagmulat ng mga mata nila ay nasa isang di pamilyar na lugar na sila.
"Nasaan tayo?"-clyde
"We're in--"
Hindi na ito natapos sa pagsasalita ng sumingit si Xeira
"Stop! Don't tell us our exact location."
"Bakit?"-eris
"Just wanna be sure. Kasi … may traydor sa grupong ito."
What she said was right. Ayaw nyang pagdudahan ang mga kasama … pero talagang naghihinala sya.
First is, sinong nagsabi sa Demons na buhay pa si Zeith? Then, paano nalaman ng Reapers ang tungkol sa pagiging half Demon ni Zeith? And most importantly, paano nalaman ng Demons ang bahay nya? Only her friends, Clyde, Nike and Zeith knew it. Kahit ang committee hindi ito alam.
She's so sure about it. May traydor sa grupo.