Jian Zeith Teamo’s Point Of View
May nakita akong lalaki, sobrang gwapo. Matangkad, walang abs pero hindi payat, maputi, makinis … PERPEKTO!
Tinitigan ko sya, nakatingin din sya sakin. Nilapitan ko sya dahil grabe talaga yung kagwapuhan nya. Hindi ako bakla, okay? Sobrang gwapo nya lang kasi talaga. Lumakad pa ako palapit sa kanya at nagulat ako dahil palapit din sya sakin.
Sobrang lapit na namin sa isa't isa hanggang sa ...
*BOGHSZXCS
Nauntog ako, SA SALAMIN! Gets mo? Kung hindi, bigti na.
Okaaaaaaaayyy~ Moving on! Ganyan naman talaga eh, effort ka ng effort pero sa huli ay mababaliwala ka lang at pipiliting maka move on. Bwahahahahahah
"Baby Z! Ano ba? Nilamon ka na ba ng inidoro't katagal tagal mo?"
Nabalik ako sa ulirat ng kalampagin nya na ang pinto ng cr, makahampas naman oh.
"Eto na, eto na."
Paglabas na paglabas ko ng pinto ay ang nakabusangot na pagmumukha nya agad ang sumalubong sa akin.
"Ano bang ginawa mo sa cr at katagal tagal mo?!" Nakapamewang pa sya at todo taas ng kilay
"Shss. Gawaing lalaki babe." kumikindat pang sabi ko sabay akbay sa kanya
"Aish! Loko loko ka talagang bata ka! Halika na nga't masamang pinaghihintay ang pagkain, aba!" Tinabig naman nya ang kamay ko at naunang maglakad sa akin
Sinundan ko na sya sa kitchen bago pa sya maghimutok sa galit. Pagkarating ko doon ay nakaupo na sya at umiinom ng kape.
Pumunta ako sa likuran nya at niyakap sya. "Sorry na babe, alam mo namang sobrang gwapo ko at kailangan ng mahabang preparation" kiniss ko pa sya sa cheeks
"Hangang hanga ka talaga sa kagwapuhan mo no?"
"Syempre, dyosa rin ang ina eh"
"Yan, ganyan tayo eh. Maupo ka na nga't naglolokohan nalang tayo dito. Kain na"
"Sure, babe"
Umupo na rin ako at nagumpisa ng kumain ng mabilis, malelate na kasi ako kaya mabilisan talaga!
"Lubayan mo nga ako jan sa kakababe mo! Kaya tayo napagkakamalang magjowa eh. Mama mo ako, okay? Gumalang ka!" Itinuro nya pa sa akin yung tinidor nyang may nakatusok na malaking hotdog
"Yiee kunwari pa sya, tuwang tuwa naman kapag nasasabihang mukhang bata"
"Loko! Kumain ka na nga, gutom lang yan"
— — —
Fast forward para intense
Nasa school na ako at kasalukuyang naglalakad sa corridor, and as usual, tinitilian nanaman ako. De joke lang! Hindi naman ako artista para tilian, hindi rin naman totoo yung mga pa heart throb na dinadagsa ng mga fans, sa tv lang yun!
Normal ang school namin hahahah. May mga sikat pero hindi naman tinitilian, may mga bully pero wala namang nananakit ng sobra, may mga maaarte pero hindi naman sobrang lalandi.
Nang marating ko ang klase ay hindi na ako nag abalang tingnan ang mga kaklase ko, masakit sila sa mata eh. Hahahahah Ang gwapo ko talaga! Eksdi.
Uupo na sana ako pero nabitin ito ng may marinig akong boses, boses ng Dragon! Isang nagngangalit na dragon! Paktay.
"MR. TEAMO!!"
"Sir Jerome!!" Naisigaw ko sa sobrang gulat
Dali dali akong tumayo ng tuwid at napatingin sa harap. Daig ko pa ang sundalo sa umaga. Sheeeeeet! May guro na pala. Sabi na eh, late ako, dapat pala tumingin muna ako sa paligid kahit na masasaktan lang ako. Huhu
"Sinisigawan mo ba ako?"
Obvious ba? Gusto ko sanang sumagot ng ganyan kaya lang baka mabengga na ako. Mga tanungan nga naman ni Sir. Pang corporate.
"S-sir, pasensya na. Nagulat lang ho"
Naglakad sya papalapit sa akin at tiningnan ako ng masama, sobrang sama na parang gusto na nya akong lamunin, pero nanatili akong nakatayo ng tuwid at nakatitig sa harapan.
Oh? Sino yon?
May babae kasing nakatayo sa harap, naka civilian lang sya kaya sa tingin ko eh hindi sya estudyante dito, pero mukhang magka edad lang kami.
"Bakit ka late?!"
Kasalukuyan palang akong nagiisip ng idadahilan nang may magsalita ... yung babae.
"Aren't you going to let me sit first?"
Mukhang nagulat naman si Sir sa inasal nya.
Coooooold. Brrrrrrr.
"Ah yeah" inilibot ni Sir ang paningin nya at natigil yon sa upuan sa likod ko
"Dito, dito ka"
Naglakad na yung babae papunta sa upuan nya, pero nung dadaan sya sa gilid ko ay napatingin pa muna sya sa akin. Malamig talaga! Bakit sya ganon? Wala ba syang feelings? Buti pa rebisco meron. Kung tumingin pa sya, tagusan!
Kaasar.
Ang korni, bakit naman ako naaasar? Paki ko ba. Sino kaya sya? Transferee?
"Mabalik tayo sayo Teamo, bakit ka nga nalate?"
Akala ko lusot na ako. Ilang minuto rin kasi syang in state of shock sa sagot ni transferee.
"Ahh t-traffic po kasi hehe"
"Traffic? Gaano ba kadami ang naglalakad at natraffic ka?"
Hala! Oo nga pala, naglalakad lang ako. Huhu tanga talaga Zeith.
"Ehh Sir, ano may--"
"Wag ka na ngang magdahilan at sinasayang mo lang ang oras ko! Sa susunod na malelate ka pa eh ipatatawag ko na ang parents mo!"
Tamo to. Magtatanong, sisigawan pa ako, ayaw naman pala akong pasagutin.
"Sige tawagan natin ang Papa ko, may land line ka ba ng langit Sir?" napapangusong sabi ko
Pero sinamaan nya lang ako ng tingin at tinalikuran kaya naupo na lang ako.
"Pffth traffic pala ah?" Pangaasar ni Nike
Hindi ko sya sinagot at sinamaan lang ng tingin. Kita mo tong gagong to, one seat apart kami pero nagagawa pang mangasar.
— — —
Break Time
"Tara na" aya ni Clyde, isa ko pang kaibigan. He's the good boy type, daming may crush jan kasi pa Prince Charming effect.
"Teka lang! Pahiram muna ng Math?"
"Wala ka pang assignment?"-clyde
"Isosoli ko agad mamaya, pakopya!"
"Aba matinde! After lunch ang Math natin, bilisan mo!" May kasama pang batok na sabi ni Nike.
Ito naman ang gagers kong kaibigan, maloko sa buhay, mahilig mang-troll. Yan ang madalas kong kapartner sa kalokohan, samantalang taga saway naman namin si Fafa Clyde. Hahah
"Oo na, oo na"
Eh sa nakalimutan kong gawin sa bahay, at isa pa, mahina ako sa math.
Si Clyde ang nagpahiram sa akin ng notebook, henyo sa Math yan eh. Si Nike hindi katalinuhan, pero may ibubuga naman, ako lang talaga yong nangangamote.
"Aww" may nakabangga sa akin mula sa likod, nasanggi lang naman ako.
Maliit lang kasi yung daan ... yung babae pala. Nagdirediretso sya sa paglalakad at ni hindi manlang ako nilingon.
"Sorry ah!" Sarcastic na sabi ko
Nahinto sya sa paglalakad at hinarap ako. Ayan nanaman yung yelong tinginan nya, diretso pa sa mata kung tumitig.
Hindi ko matagalan.
"It's okay" matapos ay ngumiti sya. Ngiting kakaiba. Ngiting nakakainsulto.
The heck?
"Ang weird talaga non"-nike
"Hindi lang basta weird, nakaka asar pa sya!"
"She's not"-clyde
Sabay kaming napatingin kay Clyde at seryoso syang nakatingin dun sa babae.
"Eh ano lang?"-nike
"Kakaiba? One of a kind?"-clyde
"Unique" wala sa sariling sabi ko
"Exactly!"-clyde
Aish! Ginulo ko ang buhok ko at nagpatiuna nang maglakad.
"Basta! Weird parin sya, nakakainsulto pa!"
Mula sa paraan nya ng pagtingin, yung tagos tagusan na parang ayaw ka nyang kaharap, na napaka wala mong kwenta at hindi ka nya pagaaksayahan ng oras na balingan ng tingin. Pati sa pakikipag usap, sa tono ng boses. Masyadong flat ang boses nya at napaka lamig, tuwing kausap mo sya ay parang bored na bored sya at napipilitan lang syang kausap ka.
Nakakaasar ang buong pagkatao nya!!
"Hoy!"-nike
"Ano?!"
"Easyhan mo lang dude, bat ang init ng ulo mo?"-nike
"Dahil ba kay Xeira?"-clyde
Pumasok na ako sa canteen at naghanap kaagad ng mauupuan. Napaka dami namang tao, bwiset! Hoooo! Lalo tuloy nagiinit ulo ko. Sinabayan pa ng hotness ko.
"Sinong Xeira ba yan?"
Nang makahanap ng maganda gandang pwesto ay naupo na kaagad ako.
"Yung transfer student, ano ka ba? Yung nakasagi sayo sa room"-nike
"Xeira ang pangalan? Saan ba nanggaling yon?"
"Don't know. Basta sabi nya kanina she's Xeira Kaye Fhore, 17."-clyde
"Four? Number four?"
"Hindi! Fhore as in F-H-O-R-E, magkaiba spelling"-nike
"Napaka arte ng pangalan. Tara na nga, bili tayong chips."
"Hindi. Kami nalang ni Nike, baka mawalan tayong upuan"-clyde
Binigay ko nalang sa kanila yung pera ko at sila na daw bahalang umorder.
"It's okay"
Naalala ko nanaman ang kaweirduhan ng babaeng yon. NAIINIS talaga ako! Seryoso, hindi ko nga magets kung bakit abot abot ang inis ko sa kanya. Samantalang nasagi lang naman nya ako at hindi sya nagsorry.
Pero hindi eh, mali talaga sya. Nasagi na ako't lahat, hindi pa nagsorry.
Syempre diba kapag nakasakit ka ng iba, automatic na yung paghingi mo nang sorry. Kahit yung labas sa ilong na sorry lang. Hindi naman siguro sya ganon kamanhid para hindi maramdamang nabangga nya ako. Eh sya, kung hindi ko pa sinita, magtutuloy lang ng lakad.
Tapos ano daw? It's okay? Gago nya! Pucha, kabadtrip.
— — — — —
Xeira Kaye Fhore’s POV
Nakatayo ako sa harap at nakatingin silang lahat sakin, tingin na akala mo eh alien ako at kaka crash palang ng space ship ko sa planeta nila.
Bwisit.
"Please introduce yourself." sabi nung teacher, Jerome daw pangalan
"Xeira Kaye Fhore, 17." maikling sabi ko
"Can you say more about yourself?"
"Tss. Ayoko"
Halata namang nagulat sya sa sagot ko. Aba, tatanong tanong sya tapos ayaw naman pala sa sagot. Nagtanong pa sya no? Bwisit lang.
Pero agad ding nawala yung atensyon nya sa akin ng may mapansin yata sya sa likod na part ng room. May lalaki kasing bigla nalang pumasok na parang walang napapansin sa paligid nya.
Timang lang.
Kinausap sya ni Sir pero nang mabaling ang tingin nya sa akin ay direkta pa akong tintigan sa mata, tapos parang timang talaga na natulala pa. Ano? Gandang ganda lang?
Pinagalitan pa sya ni Sir pero dahil ngawit na ako kakatayo at bwisit na bwisit na rin ako sa tingin sa akin ng mga kaklase ko eh sumabat na ako at maayos na itinanong ang upuan ko. Doon ko sa likod nung timang, bago pa ako makaupo ay nakipagtinginan pa sya sa akin.
Brown eyes huh?
Nang makaupo ay nagumpisa nang maglesson yung teacher, which is hindi ko na pinakinggan 'coz believe it or not, mas matalino pa ako ng ilang ulit sa kanila. Ilang beses ko na bang pinagdaanan ang year level na to?
Nang tumunog ang bell tsaka lang nabuhay ang dugo ko, break time na rin sa wakas. But here's the problem, yung lalaking timang na nakaupo sa harap ko eh hahara hara sa daan ko. Inuna pa pakikipag daldalan, timang na nga bakla pa yata. Bwisit.
Kaya diretso akong dumaan sa gilid nya at bahagya ko sya nadanggil, nasagi ko lang naman dahil sa liit ng daan.
"Sorry ah!" Sarcastic na sigaw nya
So anong pinaparating nito?
"It's okay" I said smiling at dumiretso na ng canteen nila, narinig ko pa nga na nagreklamo sya sa mga kasama nya.
Timang talaga.
— — — — —
Jian Zeith Teamo’s POV
(Now playing: Sad Song by We The Kings)
You and I,
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky.
Naglalakad na ako pauwi. Maagang dismissal kasi may meeting daw ang teachers.
With you, I'm alive
Palagi nalang may meeting, pakiramdam ko tuloy dahilan nalang nila yon para hindi sila magturo. Tamad na tamad lang?
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide.
Hanggang ngayon pumapasok parin sa isip ko ang mukha ng babaeng yon, at tuwing naiisip ko sya ay nabubugnot parin ako.
So stop time right here in the moonlight,
'Cause I don't ever wanna close my eyes.
Pero bakit nga ba ako naiinis? Eh nadanggil ka lang naman nya Zeith! Masyado kang mababaw.
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Pero ... dahil nga ba sa pagkakasagi nya sakin?
Without you, I've got no hand to hold.
O, may iba pa?
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Siguro dahil din talaga sa paraan ng pagtingin nya ... nakakainsulto. Parang sinasabi nya sayo na wala kang kwenta. Buong buhay ko ngayon lang ako nakatagpo ng ganong klaseng tao. BUSET SYA!!
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song.
Wag na ngang isipin yun Zeith, baka magka wrinkles ka pa. Think of happy thoughts nalang.
With you I fall.
Sayang ang kagwapuhan, extinct na pa naman to.
It's like I'm leaving all my past in silhouettes upon the wall.
Pagkarating ko sa bahay ay hinanap ko agad si Mama, 4pm palang kaya siguradong nandito pa sya. Bar at café kasi ang business namin. Sa umaga nandoon sya sa café, at sa gabi doon sa bar. Umuuwi sya dito sa bahay para magpahinga tuwing hapon.
With you I'm a beautiful mess.
It's like we're standing hand in hand with all our fears upon the edge.
Hindi ko sya nakita sa living room kaya siguradong natutulog pa sya sa kwarto nya. Naghanda ako ng merienda namin at dinala yun sa kanya. Naman, ako na ang pinaka sweet na anak! Hahha
So stop time right here in the moonlight,
'Cause I don't ever wanna close my eyes.
Pero nagulat ako dahil natagpuan ko syang nakaupo sa kama at umiiyak, hindi lang sya umiiyak dahil humahagulgol na sya. s**t, eto nanaman.
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
"Ma" lumapit ako sa kanya at niyakap sya
Without you, I've got no hand to hold.
"Nan-nanjan na s-sya Zeith, n-nanjan na sya. Ku-kunin ka n-nya! Please, wag kang sasama!" Hysterical na sabi nya habang mahigpit na nakayakap sa akin
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
"Hindi nya ako makukuha, ma. Hindi ako sasama" kalmadong sabi ko
You're the perfect melody,
The only harmony
I wanna hear.
Palagi nalang ganito, palagi syang umiiyak dahil sa isang tao na sinasabi nyang kukuha sa akin. Hindi ko naman maintindihan kung sino, hindi ko na rin itinatanong dahil baka umiyak nanaman sya.
You're my favorite part of me,
With you standing next to me,
I've got nothing to fear.
Ayoko talagang nakikitang umiiyak ang mama ko, kahit ganito ako mahal na mahal ko sya. Sya lang ang babae sa buhay ko, ang tanging pamilya ko, pababayaan ko pa ba?
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
"Wag mo akong iiwan, Zeith" umiiyak paring pakiusap nya
Without you, I've got no hand to hold.
"Hindi kailanman" sagot ko
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya at hinimas ang likod nya para kumalma sya.
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Unti unti ay kumalma sya at napansin ko nalang na tulog na sya. Kaya inihiga ko sya sa kama at kinumutan ng maayos.
Without you, I've got no hand to hold.
Sa totoo lang, naku-curious na rin ako kung ano ba talagang nangyayari sa kanya. Kung sino ba talaga yung tinutukoy nya, para kasing takot na takot sya. Hindi ko maintindihan.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Pero wala rin naman akong lakas ng loob na magtanong, dahil bukod sa baka umiyak ulit sya ay ... may ideya rin ako kung sino ang sinasabi nyang kukuha sa akin.
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song.
Ayokong itanong ang sagot na ayaw kong malaman.
Natatakot akong malaman.