Jian Zeith Teamo’s POV
"Hoy! Pupunta ako ah?!" Sigaw ko pagkalabas namin ng room
Uwian na kasi, bilis no? Kasing bilis ng pagkawala ng pagmamahal nya sayo. Okaaaaayyy kalokohan na this.
"Bahala ka, kung mahahanap mo."
"Ano ba, ituro mo kaya."
Pero hindi nya ako pinansin at iniligpit na ang gamit nya, pagkatapos ay inaya na nya si Abessie umalis.
"Kinakausap pa kita, wala ka talagang manners!"
Hinabol ko sya at sumabay ako sa kanilang maglakad, nakasunod rin naman sa akin si Nike at Clyde.
"Oyy ano ba!"
Sisigawan ko na sana ulit sya ng bigla syang huminto at humarap sa akin.
"Hindi mo ba kayang magsalita ng mahina? Nakakairita ka na."
"Hah! At ako pa ngayon? Eh sino kaya yung hindi sumasagot at puro seen lang?"
"Hindi mo ba alam yung simpleng logic na kapag hindi sumasagot ang kaharap mo, ibig sabihin ayaw ka nyang kausap?" Sarkastikong sabi nya matapos ay nagpatuloy na silang maglakad.
Ano daw? Ayaw nya akong kausap? At sya pa talaga ang choosy? Sa gwapo kong to?
"Seenzoned ka pre! Wahahahahahah"-nike
"Galak na galak ka noh?" Asar na sabi ko, pero tinawanan nya lang ako
"Ano bang nangyari sa inyo?"-clyde
Anong nangyari samin? Shet! Mapapamura ka talaga ng wagas kung sayo nangyari yon.
— — —
Flashback
Pagdating ko sa faculty office ni sir Jerome ay naabutan ko syang nakaupo sa table nya, sa harap naman nya ay nakaupo si Xeira na kalmadong kalmado habang kinakain ang sandwich nyang ham and cheese ang palaman.
"Sir Jerome" bati ko
"Seat down" seryosong sabi nya
Naupo naman ako sa tabi ni Xeira. Kita mo tong taong to, kitang seryoso na si Sir, tuloy parin sa paglamon. Wala talagang galang.
"Mind telling me what happened?"-sir
Mukha namang walang balak sumagot itong kasama kong walang galang kaya ako na ang nagsalita.
"Maliit na misunderstanding lang po."
"Maliit? Maliit ba yung magsigawan kayo sa cafetiria? Maliit ba yung hindi nyo manlang napansin na ako nang adviser nyo ang umaawat sa inyo? Maliit yon?"
Napayuko nalang ako. Aba alangan namang ikwento ko yung pinagawayan namin? Ang awkward naman yata non.
"Let me remind the two of you na nasa first section kayo, kayo dapat ang role model, kayo dapat ang gagayahin ng iba at tama dapat ang ginagawa nyo! What do you want other students to think? Na okay lang magsigawan sa cafetiria? Na tamang sigawan ang isang teacher?"
Okay, so heto na ang homily ng minamahal kong adviser. Todo dada na sya tungkol sa kagandahang asal, pati rules ng school nasabi na nya, pati yata yung ekonomiya ng Pilipinas naidamay na. Jusko.
Natigil lang sya sa pagtalak ng may dumating na isa pang teacher, yung nakaupo sa desk na katabi ng kanya.
"Nako Sir Jerome, may problema tayo." Ma'am Shirley, teacher ko sya last year
"Anong problem Ma'am?"
"Eh naospital yung isang performer natin sa Opening ceremony ng Sports fest, kailangan daw palitan."
Sports fest, oo nga pala noh, next month na yon. October na pala next month. Napakunot noo ako ng marealize ko, kalagitnaan na ng school year, bakit kaya lumipat pa sila Xeira at Abessie? Pwede pala yon? I mean, tapos na ang first grading, saan nila hinugot ang grade nila?
"Marami namang performer sa glee club diba?"
"Yun na nga Sir, lahat sila may performance ng gagawin. Yung mga bagong recruit naman hindi pa ganon kagagaling, siguro pagdodoblehin nalang ng performance yung dance crew."
Biglang nangunot ang noo ni Sir sabay tingin sa amin, then binalingan nya ulit si Ma'am.
"Hindi ba mahihirapan ang dance crew non? If you want, my students here will be the one to perform."
Yun naman pala eh, may student si Sir dito na pwedeng magperform. Ay teka! Nilingon ko ang paligid ng faculty ... eh kami lang ang student ni Sir dito ah? Don't tell me ...
"Talaga Sir? That's a great news! Ilalagay ko na sila sa program okay?"
Nginitian sya ni Sir at umalis na rin si Ma'am.
"Uhh Sir? Sinong student yung sinasabi nyo?" Kinakabahang tanong ko
Parang alam ko na kung anong kahahantungan nito. At ayoko sa naiisip ko!
"Sino pa bang studyante ko dito? Syempre kayong dalawa."
"E-eh Sir, ano namang gagawin namin?"
Wag nyo akong pakantahin utang na loob! Huhu Ayokong magmukhang tanga. Hindi porket gwapo, magaling na rin kumanta. Mabait kasi ako kaya nag share ako sa iba. Paano nalang yung mga kinulang sa itsura, syempre sa talent babawi yan.
Umakto pang nagiisip si Sir, then ngumiti sya sa amin.
"You two will sing. Just think of this as your punishment, sige na, go to your class"
Sabi na eh. Ramdam ko na talaga umpisa palang! Ang sama talaga ng kutob ko dito! Kasalanan to ng Xeira na yon eh. Second day palang nya puro gulo na ang dulot sa akin. Pagkatapos kaming sermunan ng pagkahabahaba ay pinagtabuyan na kami.
Bugnot na bugnot ako rito samantalang itong katabi ko eh mukhang walang pakialam, naglabas pa sya ng lollipop sa bulsa nya at sinubo yon.
"Tinitingin mo jan? Gusto mo?"
"Seryoso ka? Iaalok mo sakin yang lollipop na naisubo mo na?"
Nagkibit balikat lang sya at naglakad na paalis.
End of Flashback
— — —
Pumasok na kami sa classroom noon at sa kaswertihan nga naman namin, may teacher na at dahil sa haba ng sermon ni Sir Jerome. Nakapagturo na sya ng konti at may project pa na gagawin by partner, si Xeira pa ang partner ko dahil nga nahuli kami.
"Xeira ano ba! Gusto ko ng grade okay? Kailangan nating gumawa! Di ako pwedeng bumagsak!"
Halos magmakaawa na nga ako sa kanya, kasi naman. Sa itsura nya palang, mukhang wala syang paki kahit bumagsak sya. Grabe.
"I can't! Okay? I've got some matters to attend to! Kung gusto mo one hour every after class tayo gumawa dito sa school, but not now 'coz I'm busy. Let's just start tomorrow, next week pa naman ang submission."
Pagkasabi nya noon ay tuluyan na silang umalis ni Abessie.
"Woah"-nike
"Anong inaano mo jan, Nike?"
"European accent pare, european accent is real."-nike
Tengene naman! Yung accent pa talaga ang napansin? Seriously?!
— — —
"Zeith, hanap mo si Ma'am Jez?" Bati sa akin nung bar tender paglapit ko
"Ah oo, nasaan?"
"Nasa office nya lang. By the way, do you want anything? Drinks? Or rather ... me?" Kumindat pa sya sakin pagkasabi non
"Tantanan mo nga ako Steff, kadiri ka!"
Nagtawanan nalang kami pagkasabi ko non. You read it right, babae ang bar tender dito. Close kami nyan kahit na mas matanda sya ng eight years sa akin, 25 na kasi sya pero may pagka isip bata kaya nagkakasundo kami.
Dumiretso na ako sa office ni Mama, naabutan ko naman syang nagsusulat sa table nya.
"Mama!" Bati ko
"Oh Zeith, bakit ka nandito?"
Tinanggal nya yung salaming suot nya at tiningnan ako. Tamo nga naman ang ina ko oh, kaganda ganda! Haha syempre, it runs in the blood. Syempre naupo muna ako sa sofa bago magsalita.
"Kumain kasi ako sa Jollibee kaya dumaan na rin ako dito."
"Oh bakit ka naman napadpad ng Jollibee? Nagluto ka nalang sana sa bahay, gabi na, delikado."
"Makadelikado ka naman 'ma, wala pa kayang 7PM, ikaw nga umaga na umuuwi. At tsaka napadpad ako ng Jollibee kasi nga ubos na yung groceries natin sa bahay. Paano ako magluluto kung walang iluluto? Alangang lutuin ko yung kalan?"
Grabe kasi kanina pagka uwi ko. Naiinis na nga ako kay Xeira, stress na rin ako sa school, gutom na gutom na ako, tapos madadatnan kong walang laman yung ref? Nasan ang hustisya don? Pagdating ko tuloy ng Jollibee, dinaig ko pa ang mandirigmang ilang araw ng di kumakain. Saya diba? Ang mahal pa naman ng chicken joy ni Jollibee, dapat pala nag Mang Inasal nalang ako para unli rice. Lamon Sparta pa naman ako.
"Ubos na? Kahit yung sa mga aparador don?"
"May biscuits pa, eh makakain ko ba para sa gabihan yon?"
"Gabihan ka jan! Katanda tanda mo na yan parin ang tawag mo, hapunan yon."
"Sa umaga nga, AGAhan ang tawag. Sa tanghali, TANGHALIan. Tapos sa gabi, bawal ang GABIhan? Ano yon?"
"Sumasagot ka pa talaga! Pilosopo!"
Binato nya sakin yung ball pen na hawak nya at bull's eye ako. Tae, ang sakit! Tapos pagkahagis nya ipapaabot nya sakin. Ganyan tayo eh, pagkatapos mong itapon yung isang bagay, kapag nakita mong mahalaga at kailangan mo pala, hahabulin mo. Bakit ba laging sa huli natin narerealize ang importance ng iba? Di ba pwedeng pahalagahan natin sila from the beginning ‘till the end?
Tss. Ito naidudulot ng gutom eh. Napapahugot. Epekto rin yata ng Jollibee. Oh diba?
Nagmahal. Nagutom. NagJollibee.
"Oh eto. Mag grocery ka, maaga pa naman eh."
"Sabi mo kanina gabi na kaya delikado, tapos ngayong uutusan mo ako, maaga pa?"
Inambahan nya ako ng suntok nung kinukuha ko yung pera kaya tatawa tawang tumakbo na ako palabas. Bakit? Tama naman yung sinabi ko ah. Nako nako, ang hirap talagang magpalaki ng magulang.
"Alis na ako Steff!" Paalam ko
"Sige, ingat sila sayo!"
"Salamat sa naguumapaw na concern ah?"
Sa kakakausap ko kay Steff habang naglalakad ay di ko namalayan ang pagbangga ko sa isang tao. Malakas yung pagkakabangga nya sakin dahil tumatakbo yata sya kaya napaupo kami at natumba.
"Ano ba dude! Look where you're going!" Medyo itinulak nya pa ako nang makatayo kami
"Sorry ah? Kasalanan ko yatang tumatakbo ka kaya nagkabungguan tayo." Maangas na pinagpag ko naman yung parte ng damit ko na hinawakan nya
Syempre naman. Paano nalang ang kagwapuhan ko kung magpapaapi ako?
"What? Ako ba ang sinisisi mo? Don't you know who I am?" Maangas na bigkas nya. Wow bigkas, so deep. Haha
"Eh ako, kilala mo? Kung hindi, edi hindi rin kita kilala!"
Sya pa tong galit, pareho naman kaming nagkamali, di nya ba matanggap yon? Mga tao nga naman. Hindi kayang tumanggap ng pagkukulang lalo na ng pagkakamali.
Kasungit nya pa, di naman bagay, daig pa ako. Umakma syang susugurin ako pero may isang tao ang pumigil sa kanya.
"Victor" Si Xeira, sya yung tumawag sa kaharap ko
"Yeah? Need something?" Pasweet na tanong nya kay Xeira
Wow. Parang kanina lang halos lumabas na yung litid nya sa galit nya sakin, tapos ngayong kay Xeira daig nya pa anghel sa bait? Mag ano kaya sila? Jowa kaya ni Xeira tong mokong na to? Jusko. Kalalandi. Bwisit.
"Tantanan mo sya, diba sinabi kong umalis ka na dito?" Poker face na sabi nya
"What?! Kilala mo to? Don't tell me--" Pangduduro nito sakin
"Yes! So leave, bago pa maubos ang pasensya ko sayo"
"Fine!" Bumaling sya ng tingin sakin at lumapit, as in malapit talaga "Pasalamat ka Xeira's here, next time, sisingilin kita!"
Itinulak ko sya sa dibdib sabay sabi "Oo na, lumayo ka lang! Bro kasi, naimbento na ang toothbrush, gamit gamit rin minsan."
"Gago ka ah!"
Susugurin nya na talaga dapat ako pero humarang si Xeira at nagtitigan sila na parang nagkakausap sila sa mata.
"Simpleng gwapo lang po ako! Sagot mo na yung gago uy!" Pahabol ko pa bago sya makaalis
Nang makaalis naman na sya ay tsaka ko lang napansin na pinagtitinginan na kami ng mga tao. Halos mapasubsob pa ako ng hilahin ako ni Xeira palabas.
"O-oy!"
Nang makalabas kami ay hinarap na nya ako. Inilapit nya pa yung mukha nya sakin at pinanliitan ako ng mata na para bang sinasabi nyang ang tigas ng ulo ko at may nagawa akong malaking pagkakasala sa kanya.
"Wag ka na ulit lalapit sa lalaking yon." ultra mega serious na utos nya
"B-bakit naman?"
"Tss. Masamang tao yon! Don't get near him"
Masamang tao? Akala ko magjowa sila? So hindi? Pero teka ...
"Nag ... nag aalala ka?" Di makapaniwalang tanong ko
"Oo, kaya wag ka na uling lalapit don! Tara na, umuwi ka na."
"Okay" tanging nasabi ko
Masyado akong naging lutang kaya hindi ko na napansin ang pagsakay ko sa kotse nya at ang paghatid nya sakin sa bahay. Nagulat nalang ako, nandito na ako sa kwarto ko, nakahiga sa kama habang nakikipagtitigan kay pareng kisame.
Nag aalala ka?
Oo, kaya wag ka na uling lalapit don! Tara na, umuwi ka na.
*Dugdugdugdug
Pakshet! Nag-aalala daw! Tangna. Totoo kaya yon?
Kung hindi totoo, edi sana hindi na sya mageeffort na tulungan at ihatid pa ako dito sa bahay.
Pero bakit?
Bakit sya nagaalala? Di naman kami close. Kahapon nga lang sya pumasok ng school. Ano ba? Tangna! Bakit ba ako nagiisip? Paki ko kung nagaalala sya.
Dumiretso nalang akong cr para maglinis ng sarili. Pagkatapos ay nahiga na rin ako para matulog.
Hanggang sa mapabangon ako ng biglaan ng may maalala ... s**t!
Hindi ako nakapag grocery!