Armageddon

2148 Words
Jian Zeith Teamo's POV Hindi na magkamayaw sa paghahanda ang mga kasama ko, lahat sila, kahit si Nike ay hawak ang kanikanilang armas. Isang buwan na ang nakalipas magmula ng sabihin ni Xeira ang deal nya sa tinatawag nilang Pinuno. Sa loob ng isang buwan na yon ay puspusan ang training ko, talagang hindi tumigil si Xeira sa pagtuturo sakin kahit na pakiramdam ko eh ang slow ko. Marami syang itinuro sakin, lahat ng kapangyarihan ko bilang isang Demon at Reaper ay alam ko na. At masasabi ko naman na ang laki na ng ipinagbago ko, ng pisikal na lakas ko. Pero pakiramdam ko, hindi ko parin kaya. I remembered earlier when we set Clyde free, bago sya tumakbo paalis ay sinabi nyang 'Anumang training ang gawin mo, kung hindi mo tuluyang yayakapin ang kadiliman sa loob mo, hinding hindi mo sya magagawang patayin!'. We let him free para sya na mismo ang magdala kay Crowley papunta rito. "Zeith, ayos ka lang?" Mula sa likuran ay lumitaw si Xeira, holding a glass of water na ibinigay nya sa akin. "Kinakabahan ako. Paano kung hindi ko magawa? Paano ka?" "Paano ako? Hindi ba dapat sarili mo ang iniisip mo? Kapag hindi mo sya napatay, maaaring ikaw ang mapatay nya." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya "Kapag hindi ko nagawa, papatawan ka ng parusang kamatayan, dahil sakin." "Ayos lang ako, magihing maayos ako. At wag kang matakot sa mangyayari mamaya, sasamahan kita." Nakangiting sabi nya "Guys! Tumawag si Kim sa taas, a troop's approaching us, approximately 10 minutes nandito na!"-eris Si Kim, Bes at Law ang nasa itaas para magbantay. Nang sa ganon ay may magsabi sa amin kung may kahit na sinong paparating. Nagsitakbuhan na kami pataas, preparing ourselves for a war that was about to come. — — — — — Narrator's POV Sa grupo ni Zeith, lahat sila ay tensyonadong nagaabang sa paparating na mga kalaban. Lahat ay kabado, pero liban dito ay mababakas rin ang excitement sa mata ng mga Reapers. Kailan nga ba ang huling digmaang nasamahan nila? 100 or 130 years ago? Mga panahong hindi pa buhay si Xeira, at ang lumalaban palang ay sina Duke na ilang dekada ang tanda sa kanya. Sa kabilang panig naman, sa pangkat na pinamumunuan ni Crowley, lamang na lamang ang galit sa kanyang mukha, galit na tanging kamatayan lang ng pangpitong anak nya ang makapag aalis. Sa tabi nya ay ang pang anim nyang anak na si Clyde, ang taksil na kaibigan ni Zeith. At sa likuran naman nila ay ang daan daang mga demonyo na ang tanging nais lang ay ang kamatayan ng mga Reaper, na simula't simula palang ay pinaniniwalaan nilang humahadlang sa kanila. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagtagpo na ang landas ng dalawang grupo. Sampung Reaper, isang Half Demon at isang Half Demon Half Reaper laban sa humigit kumulang Limang daang mga Demonyo. "Ang katapusan ay nalalapit na." Bulong ng isang pigura sa malayo, tahimik syang nakatanaw sa pagtatagpo ng dalawang grupong nasisiguro nyang maghahatid ng katapusang matagal na nyang inaasam. Ang katapusang babago sa matagal ng nakasanayan. "Ahh ang mahal kong anak." Pambungad na salita ni Crowley ng oras na makaharap nya si Zeith "Sabi nitong si Clyde itinali mo raw sya ng isang buwan, gawain ba yon ng isang mabuting kapatid?" May mapangasar na ngiti ang sumilay sa mukha ni Crowley "Kapatid?" Hindi makapaniwalang sabi ni Zeith. Hindi magkamayaw sa lakas ang t***k ng puso nya, sinabayan pa ito ng utak nyang gulong gulo na rin sa sitwasyon. Natawa ng peke si Crowley at inakbayan ang katabing si Clyde "Hindi mo alam? Kapatid mo itong si Clyde." Impossible. Sa isip ni Zeith. Masakit pagtaksilan ng isang kaibigan, pero hindi nya alam na madadagdagan pa ang sakit na ito ng katotohanang kapatid nya ang syang nanloko sa kanya. "Tama na ang paguusap. Mga Demonyo, ialay sa akin ang buhay ng suwail kong anak!" Sa mga katagang iyon ay sabay sabay na sumugod ang mga demonyo na para bang mga hayop na nasisiraan ng bait. Lahat sila'y may iisang layunin, ang patayin si Zeith. Panandalian pang natulala si Zeith dahil sa lahat ng impormasyong pilit na ipinapasok sa kanyang utak, kung hindi pa sya tinapik ni Xeira ay hindi pa nito mababatid ang kasalukuyang sitwasyon; inaatake sya at sariling buhay ang magiging kapalit kung hindi pa sya kikilos. Kaagad na nyang binunot ang espada gamit ang kanang kamay at ang baril naman ay mahigpit na hinawakan ng kaliwang kamay. Ang espadang tangan nya ay nagmula pa sa mga mandirigmang Reaper ng pamilya ni Xeira, ito ay manipis, magaan ngunit nakatitiyak ang talim at tibay. Samantalang ang baril na gamit nya ay ang uri na hindi nauubusan ng bala, sariling enerhiya ng gumagamit ang syang bala nito, isang tama lang ay sigurado ang iyong kamatayan. Sa paglalim ng gabi ay lumalalim rin ang digmaang nangyayari. Hindi na mabilang ni Zeith kung ilang kauri na ba ang nasasawi sa kanyang mga kamay, pero isa lang ang sigurado, matapos nito'y hinding hindi na sya muling hahawak ng anumang nakamamatay na armas. Para kay Xeira, para sa mga kaibigan ko, para sa amin. Ito ang mga salitang patuloy na binabanggit ni Zeith sa kanyang isip sa tuwing may kinahaharap syang demonyo. Bilang motibasyon, bilang lakas, at para sa kanyang konsensya. "AHHHHHHH!!" Kaagad nyang hinanap ang pinagmulan ng boses at natagpuan ito di kalayuan sa kanya, si Abessie, malala ang sugat na natamo nito sa kalaban. Pero kaagad rin namang nakabawi at nagpatuloy. Malakas ang mga kasama nya higit sa lahat ng narito, ang sampu ay mga magigiting na mandirigma ng kanilang angkan, pero sa kabila nito ay hindi nila madadaig ang bilang ng mga kalaban. Napapagod sila, pero ang bilang ng mga kalaban ay para bang walang katapusan. Hinanap ng mga mata ni Zeith si Crowley, at ito ay nakatayo lang sa gitna ng mga naglalaban, nakangiting para bang pinapanood sya. Tinungo nya ito at wala sinoman sa mga alagad nito ang humaharang sa kanya, na para bang pinagaadyang magharap sila. Pero bago pa man sya tuluyang makalapit rito ay may humarang na sa kanya … si Clyde. "Bakit di tayo ang magharap?" May kakaibang ngiti sa labi nito, na para bang nanghahamak. "Wala syang panahon sayo!" Mula sa kung saan ay lumitaw si Xeira at nilabanan si Clyde Ngayon ay wala ng humahadlang sa kanila, sya nalang at ang kanyang ama. Tumakbo sya papalapit rito, binitawan ang baril at mahigpit na hinawakan ang espada. Mula naman sa sariling kapangyarihan ay nakagawa ng isang itim na espada si Crowley at ginamit ito sa kanya. "Alam mo ba ang naging unang hakbang ko ng malamang buntis si Jez at ito ang ikapitong anak ko?!" Sa pagitan ng kanilang paglalaban ay nagawa pa nitong magsalita. Malakas si Crowley, ibinibigay na ni Zeith ang kanyang buong lakas pero si Crowley, wala pa ito sa kalahati ng kanyang kakayahan. "Tinangka ko syang patayin! Pero salamat sa walang kwentang mga reaper na yan at hindi ako nagtagumpay!" Nagtagis ang bagang ni Zeith ngunit pilit na hindi pinansin ang sinabi ng Ama. Isa ito sa mga leksyong sinabi ni Xeira, ang huwag magpaapekto sa anumang sasabihin ng kalaban dahil ito ay isang uri ng panlilinlang. "Nagtago sya, pero nahanap ko kayo. Dalawang taon ka ng pagtangkaan kong muli ang buhay mo, hindi mo ba tanda? Ako ang nagbigay sayo ng pilat na yan!" Gamit ang kapangyarihan ay nagpakawala si Crowley ng itim na enerhiyang nasangga ni Zeith, pero dahil rito ay naabo ang suot nyang damit na naging dahilan para malantad ang kanyang katawan, at makita ang may kahabaang pilat sa kanyang dibdib. "Alam mo rin bang ako mismo ang pumatay kay Jez? At ang huling kataga nya? Huwag mong sasaktan ang anak ko. Hahahahahahaha!" "Tumahimik ka! Tama na!" Muling sumugod si Zeith at sunod sunod ang nga pagatakeng ginawa, pero ni isa rito ay hindi tumama. Sa huli ay nagpakawala sya ng isang malaking bola ng enerhiya na kaagad nyang ibinato sa ama. Gumawa ito ng isang malaking pagsabog na panandaliang nakapagpatigil sa lahat, pero … ng humupa ang usok ay nakatayo parin ng tuwid si Crowley, nababalot ng isang itim na barrier na pumigil sa kanyang tira. Nanlumo si Zeith sa nasaksihan, ibinuhos nya ang lahat ng lakas sa tirang iyon, pero walang nangyari, nabaliwala. "Tapos ka na? Ako naman!" Sinugod sya ni Crowley at dahil sa kawalan ng lakas ay hindi na sya gaanong makalaban. Napuno ng sugat ang kanyang katawan at nawawalan na sya ng pagasa sa sitwasyong iyon. "Tapos ka na." may ngiting demonyong sabi ni Crowley at iniamba ang malaking bola ng enerhiya sa kanya, ngunit … "Zeith!" Mula sa kung saan ay humarang sa kanyang harap si Xeira, gaya nung isang buwan ng sugurin sya ni Clyde, ilinigtas rin sya nito. Pero hindi gaya noon, hindi nito tuluyang natalo ang peligrong nakaamba sa kanila. Nagawa nitong sanggahin ang atake, pero hindi sapat ang kanyang lakas kaya't tumagos ito sa ginawa nyang barrier. "X-xeira?" Hindi sya makapaniwala sa nasaksihan, ang pagbagsak ng katawan ni Xeira ay nagbigay ng labis na takot at pangamba sa kanya. Nasalo nya ang katawan ni Xeira, malubha ang naging tama nito sa dibdib. "Tingnan mo nga naman, ang apo ni Pinuno!" Bulyaw ni Crowley Ng mga oras na yon ay tanging si Xeira lang ang nakikita ni Zeith, si Xeira na punong puno ng mga sugat at dugo ang katawan. Sa larawang yon ay naalala nya ang walang buhay na Ina. Ayaw nyang mawala sa kanya si Xeira, o kahit na sino man sa kanyang mga kasama. Minsan na syang nawalan, at hindi na nya makakaya ang isa pa. Ibinaba nya pahiga sa lupa si Xeira at tumayo ng matuwid. Hindi nya maintindihan ang kakaibang sensasyon na dumadaloy sa kanyang katawan, para bang may kung ano sa kanya ang nagbabadyang kumawala. Isang bagay na hindi nya kayang pigilan. "Pa-papatayin kita!" Sa pagsigaw na yon ni Zeith ay sabay na kumawala sa kanya ang pambihirang kapangyarihan na ngayon lang nasaksihan ng lahat, nag aagaw ang itim at puting enerhiya sa kanya. Ang mga mahihinang Demonyo sa malapit ay halos hindi na makakilos sa tindi ng kanyang kapangyarihan. Sa kabilang panig kung saan nakatayo ang isang pigura. "Panahon na!" Sa sinabi nyang iyon ay nagsilabasan ang mga mandirigmang Reaper na bago pa man magsimula ang digmaan sa pagitan ng grupo ni Zeith at Crowley ay nakahanda na. Lahat sila ay sumugod sa digmaan, pinapatay ang lahat ng demonyong nakakasalubong. "Reapers ..." Hindi makapaniwalang sabi ni Duke, di nya inasahan ang pagdating ng kanyang mga kalahi. Pero sa isip nya, 'Hindi rin natiis ni Pinuno ang paborito nyang apo.' Kung noong una ay dehado ang kanilang grupo, ngayon ay nabaligtad na. Talo ng pwersa ng mga Reaper ang mga Demonyo. Sa panig nanaman ni Zeith at Crowley. Labis na pagkamangha ang nadarama ni Crowley, pero bukod roon ay takot. Ito na ang sinasabi ng propesiya, ang ikapitong anak ng ikapitong anak na tatapos sa paghihirap ng lahat. At sya, si Crowley ang syang simbolo ng paghihirap ng lahat. "Sige, patayin mo ako, anak!" Bukas ang magkabilang braso na sabi nya Sa paningin ng iba ay masasabi na baliw sya. Pero para sa kanya, nailabas na nya ang kadiliman sa anak kaya't sapat na iyon. Mananatili parin ang paghihirap ng lahat kung mapapasama nya ang isang nilalang na kasing lakas ni Zeith. Ngunit ang hindi nya alam ay hindi kadiliman kundi pagibig ang nagdulot sa paglabas ng kapangyarihan ni Zeith. Ang kanyang pagibig para kay Xeira, sa kanyang Ina at sa mga kaibigan. Ginawa ni Zeith ang tinuran ng Ama, gamit ang buong kapangyarihan ay nagawa nyang abo ang katawan nito, abo na humalo at tinangay ng hangin. Naisakatuparan ni Zeith ang kanyang kapalaran. Kaagad na hinanap ng mga mata ni Zeith si Xeira, natagpuan nya ito sa kung saan nya ito huling nakita. Hindi pa tapos ang digmaan, pinipilit ng mga demonyong tumakas dahil alam nilang patay na ang kanilang panginoon, ngunit hindi sila hinahayaan ng mga Reaper. "X-Xeira!" Papalapit na sana si Zeith kay Xeira pero … "Teamo!" Dala ang isang kakaibang dagger ay sinaksak ni Xander si Zeith na naging dahilan ng pagbagsak nito, katabi ng katawan ni Xeira. Nakatakas si Xander sa tulong ng ilang mga Reaper na tapat sa kanya. Hindi nito matanggap na sa salita lang ni Xeira ay babagsak sya kaya't pumuslit sya papunta sa digmaan sa kagustuhang makaganti rito. Pero ng makita nyang patay na ito ay si Zeith na, na mahal ni Xeira, ang naging target nya. "Zeith! Xeira!" Sa wakas ay nakita na rin ang gawi nila, walang nakakapansin sa kanila dahil sa gulo at ingay ng paligid matapos mamatay ni Crowley. Kaagad na pumunta sa gawi nila si Duke at pinatay si Xander. Unti unti ay dumating sina Bes at doon ay nakita nila ang nakabulagtang katawan nina Xeira at Zeith, magkasama at nanatiling malapit sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD