“Harah!” galit na wika ni haring Balik nang mag-ulat dito ang kararating lang na si Yurik. Inihagis pa nito ang hawak na kopita ng alak. Nagpulasan ang mga babaeng dalaketnon na nakapaligid dito. Alam ng mga ito kung paano magalit ang hari ng dalaketnon. “Talagang sinusubukan ako ng Samael na iyan,” nagpupuyos nitong wika. “Ano ang susunod nating gagawin, amang hari?” tanong ni Yurik sa nanggigil na hari. Pagkarating na pagkarating sa kanilang kaharian ay agad siyang nag-ulat sa hari ng mga dalaketnon. “Ano pa? Ibibigay natin ang hinihingi nila. Isang malawakang digmaan ang ilulunsad natin laban sa kanila. Kakausapin ko ang mga pinuno ng iba pang masasamang engkanto. Hihikayatin kong sumama sila sa atin laban sa mga piritay. Palalabasin din natin ang dalawang halimaw sa ilog ng Dalak

