The Attack On Terra Incognita

2808 Words

Pagkagaling sa bahay-pagamutan ay niyaya ni Elisha si Jewel na pumunta sa kanilang templo. Katulad ng palasyo ng mga piritay, maluwang at elegante rin ang bahay-panalanginan ng mga ito. “Dito ako pumupunta kapag kailangan ko ang tulong at gabay ni Bathala,” wika ni Elisha habang umuupo sila sa harap ng altar. “Wala pa akong hiniling na hindi niya ibinigay . Umaasa akong ipagkakaloob niya ang lunas sa karamdaman ng aking anak.” Napangiti siya sa mga tinuran ni Elisha. Walang pagkakaiba ang babaeng piritay na ito sa isang taong ina na gagawin ang lahat para sa anak. Tahimik na nanalangin si Elisha habang tahimik lang siya na nagmasid sa buong templo. Nang matapos ito ay saka niya itinanong dito kung sino-sino ang tatlong estatwa ng magagandang babae na nasa gitna ng altar. “Sila ang tat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD