The Mystical Inhabitants of Terra Incognita

1930 Words

“Ipagpaumanhin mo kung hindi naging maayos ang pagtanggap sa iyo ng aking mga kalahi, Jewel,” malungkot na bungad ni Azrael. Panauhin ni Jewel ang prinsipe ngayong gabi sa bahay na pinagdalhan sa kaniya ni Elisha. Maayos at kumpleto sa kagamitan ang bahay. Malaya siyang makakakilos sa loob nito pero hindi siya puwedeng lumabas, sang-ayon sa utos ni haring Samael. Bahagya siyang ngumiti. Nabasa niya ang katapatan sa mga mata ng binata. Magkatabing nakaupo sila ni Azrael sa isang bangko sa salas ng bahay. Inubos niya ang natitira pang tsaa sa kanyang baso bago nagsalita. “Huwag mo akong alalahanin, Azrael. Naiintindihan ko na tungkulin ng hari’t reyna at ng buong konseho na pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan ng buong Terra Incognita. Siyangapala, hindi mo sinabi sa akin na isang mor

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD