Chapter 20

1475 Words
Chapter 20 "Hala! anong nagyari kay papa?! Bakit siya nandyan?! Bakit siya napunta dito?!" Agad na nilapitan ni Erika ang katawan ni George na walang malay. "Buhay pa ba si papa?! Ate tignan mo nga. kawawa naman siya. Dito pala siya nag punta kaya hindi siya nakauwi kagabi." Sambit ni Emily. Hindi napigilan ng dalawa ang hindi maiyak. Laking gulat nalang ni Ponyong ang mga kinikilos ng mga anak niya. Hindi siya makapaniwala na umiiyak ang mga ito ng dahil sa lalaking tinulungan niya kagabi. "Ano bang mga pinag sasabi nyo Merry at Melly?! Ako ang ama nyo at hindi siya!" Agad na hinakawan ni Ponyong ang mga anak at nilayo sila kay George. Bumaklas si Erika kay ponyong. "Ano po ba! Hindi ikaw ang ama namin. Siya ang tunay naming ama. Oho! Mahirap paniwalaan, pero hindi talaga kami ang mga anak n’yo. Hindi rin namin alam kung bakit kami napunta sa katawan ng mga anak nyo!" Bumalik ulit si Erika sa ama niyang walang malay. "Totoo po ‘yun. Hindi po kami talaga ang anak nyo. Siya po talaga ang ama namin. Parang awa nyo na, tulungan mo naman kaming iuwi ang ama namin sa bahay namin." Sambit ni Emily. "Hindi!!! Mag tigil kayo. Ako lang ang ama n’yo. Hindi kayo pwede umalis nalang ng bigla-bigla. Ipapagamot ko kayo kahit gumastos ako ng malaki, bumalik lang ang mga ala-ala nyo. Ayokong iwan nyo ako gaya ng pag iwan saakin ng mama nyo. Parang awa niyo lang mga anak makinig naman kayo saakin." "P-pero hindi po talaga kami ang mga anak nyo. kayo po ang makinig saamin. O kaya naman, para mag kaalamanan at mag kaliwanagan tayo. Isama po natin si papa sa bahay n’yo. Iuwi muna natin siya sa bahay nyo at hintayin nating magising siya. Tiyak si papa maniniwala yan sa sasabihin namin," Sambit ni Erika. Kahit na hindi parin makapaniwala si Ponyong ay sinunod nalang niya ang mga kagustuhan nila Erika at Emily. "Sarap naman po ng luto nyo mama." "Sige lang Emily, Kumain kalang ng kumain diyan." Sagot ni Teressa. Bigla namang napatingin si Erika kay teressa. Para bang sinusuri nito ang pag kilos at nararamdaman nito. "Parang may napapansin po ako sainyo Mama." Sambit ni Erika. "Ha?! Ano naman ‘yun Anak?" Nangiti si Teressa. Medyo natakot rin siya dahil baka nakakahalata na ang mga kaluluwa nila Eri at Emi. "Parang ang cold nyo saamin ni Emily." Sabi niya. Medyo nagulat si Teressa. "Hindi ah. Bakit naman ako magiging cold sainyo? Ano kasi, nag aalala ako sa papa nyo. Hindi parin kasi siya umuuwi hanggang ngayon. Baka kung ano ng nangyari sa kanya." palusot niyang sabi. "Baka kinakarma na siya." Mahinang sambit ni Erika. "Anong sabi mo Erika? "medyo nadinig din kasi ni Teressa ang sinabi niya. "Ah, eh sabi ko po, baka po umuwi rin ngayon yun, kaya mag hintay lang po kayo." "Naku sana nga Erika." Maikling sambit ni Teressa. Dinala nila sa bahay ni ponyong si George. Abalang-abala sina Erika at Emily sa pag aasikaso sa kanilang ama. "Nakakaselos kayong tignan." biglang sambit ni Ponyong. Sumagi sa isip ni Ponyong ang mga sinabi ni George kagabi. naalala niya yung sinabi ni George na sinasapian ang mga anak nito. Napatingin tuloy siya sa mga katawan ng anak niyang sina Merry at Melly. Nakikita niyang Iba nga ang kinikilos ng mga ito. "Totoo ba ang mga sinasabi nyo? Hindi ba talaga kayo ang mga anak ko?" Tanong bigla ni Ponyong. Napatingin sa kanya sina Erika at Emily. "Opo!" Parehas na sambit nila. "Eh, kung ganun? Sino kayo? Mga patay naba kayo at nandyan kayo sa mga katawan ng mga anak ko?" Medyo natakot si ponyong kina Erika at Emily. "Naku hindi po. Buhay pa po kami." Sambit ni Erika. "Eh, kung ganun, Bakit kayo pumupunta sa mga katawan ng anak ko?" "’Yan nga po ang hindi namin alam." Sagot ni Emily. "Alam nyo po kasi. May mga masasamang espirito ang sa katawan nami'y sumasapi. Mag kapatid po silang babae na pilit na pumapasok sa katawan namin. Ang hindi lang po namin alam, na sa tuwing aagawin nila ang mga katawan namin ay bakit sa mga katawan ng mga anak nyo po kami napupunta." Sambit ni Erika. "Eh kung ganun, San naman kaya napupunta ang mga kaluluwa ng mga anak ko? Sa ibang katawan din ba sila napupunta tuwing kayo naman ang umaagaw sa mga katawan nila? Nakakabaliw namang isipin itong kakaibang nangyayari sa mundo natin. Hindi ka pani-paniwala!" Mayamaya ay bigla nang nag ka malay si George. "Nasaan ang mga halimaw?! Nasaan ako?!" Nag sisisigaw siya pag ka mulat ng mga mata niya. Nagulat lang sila sa inasta ni George. "Papa, uminahon ka." Sambit ni Erika. "Nasaan ako? Anong papa? Sino kaba? Nasaang sulok naman ako ng mundo ngayon?" Sunod-sunod na tanong ni George. "Papa si Erika to. Uminahon ka." "Erika? Papaanong magiging ikaw si Erika! Eh bata pa ‘yun. Saka hindi ganito ang mukha ng anak ko!" Sambit ni George. "Uminahon ka." Sumabat narin si Ponyong. "T-teka. L-lolong tindera? ‘Yung binilhan ko ng manok? Yung nag dala saakin sa punong ng balete?." Sambit ni George ng makita niya si Ponyong. "Oo, ako nga ito. Anong nangyari? Bakit nakita ka nalang namin, na walang malay sa tapat ng puno ng balete?" Tanong ni Ponyong. "Ibig bang sabihin nito ay nasa mundo na ulit ako ng mga tao? Hay! Mabuti naman! Salamat sa diyos at nakalabas din ako sa abu nayun! Hindi kayo maniniwala na napunta ako sa tahanan ng mga lamang lupa nayun. Sari-saring mga halimaw ang nakita ko doon. Akala ko ay hindi na ako makakalabas." Kwento ni George. "S-sandali. Hindi ko maintindihan. Napunta ka sa mundo ng mga halimaw? Pano naman nangyari yun? Hay naku! ano ba ito?! Ano bang mga nangyayari sa mga tao ngayon?" Napakamot ng ulo si Ponyong. Hindi kasi niya pinaniniwalaan ang mga sinabi ni George. "Wala akong pakelam kung hindi ka maniwala. Basta masaya akong nakalabas doon. Sandali? Nasaan ang ugat ng puno ng balete?" Kinapa ni George ang buong katawan pati narin ang mga bulsa niya. "Ito ba papa?" Sambit ni Emily habang hawak hawak niya yung ugat ng puno. "’Yan nga. Akin na yan." Agad na inagaw ni George kay emily ang ugat ng punog ng balete. "Teka, Bakit nyo ba ako tinatawag na papa? Sabi ng hindi ko kayo mga anak eh!" Dugtong pang sabi niya. "Papa, kami ito. Si Erika at Emily. Diba nga't sinasapian kami nila Eri at Emi. Dito po kami sa katawan ng mga anak ni ka ponyong napupunta. Hindi nga namin alam kung bakit ito nangyayari. At saka si Mama, kagabi pa nag aalala sayo. Kagabi ka pa po niya inaantay. Sigurado po akong sina Eri at emi ang kasama niya ngayon sa bahay natin. Sila ngayon ang kumokontrol sa mga katawan namin." Sambit ni Erika. Nangingisi nalang si Ponyong sa mga naririnig niya. Bigla namang napayakap si George kay Erika na siyang kinagulat ni Ponyong. Yumakap narin si Emily sa Ama at Ate niya. "Kayo nga mga anak ko!" Sambit ni George. "Bitawan mo mga anak ko. Manyak ka!" Agad na hinawi ni Ponyong si George. Inilayo niya sina Erika at Emily sa kanya." Bakit mo niyayakap ang mga anak ko?!" Dugtong pa niyang sabi. "Huminahon po kayo. Ipapaliwanag ko po sainyo ang lahat." Sambit ni George. "Ano ba kasi ang mga nangyayari? Bakit ikaw ang tinuturing ama ng mga anak ko? Ginayuma mo ba sila? " gulong-gulong tanong ni ponyong. "Hindi po. Makinig po muna kayo. Diba kagabi ay sinabi ko sainyong sinasapian ang mga anak ko. Sila Erika at emily yun, na ngayon ay nasa katawan na ng mga anak mo. Naalala ko rin na sinabi mo kagabi na tila ba'y sinapian din ang mga anak mo. Totoo ang hinala mo. Sinasapian nga ng mga anak ko ang mga anak mo.Hindi ko alam kung bakit sa mga katawan ng mga anak mo sila napupunta. Dito sa mga anak mo, napupunta ang mga kaluluwa ng mga anak ko tuwing papasok sina Eri at Emi sa mga katawan ng mga anak ko." Paliwanag ni George. "Konting konti nalang mapapaniwala nyo na ako. Pero kung totoo nga sinasabi nyo. Bakit nga sa mga anak ko pa sumasapi yang mga anak mo?! At sino naman yung Eri at Emi nayun na sumasapi sa mga anak mo?" Naguguluhang tanong ni Ponyong. "Mabuti pa po eh, sumama ka nalang saamin kay lola Ursula. Sa kanya po tayo mag tatanong kung bakit ganito ang nangyayari. Maraming alam yun sa mga sapi-sapi at sa kung ano ano pang mga kababalaghan na nangyayari. Saka kumpleto narin naman ang mga sangkap na hinihingi niya para sa abula-bula silandak na gagawi niyang pangontra. kailangan na nating kumilos para matigil na ang mga sapiang nangyayari ito. Gusto ko na ng katahimikan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD