Chapter 8
Habang iyak ng iyak si Teressa ay bigla nalang dumilat ang mata ni George na biglang nag ka malay.
"G-george? Mabuti naman at gising kana!" Hinagkan kaagad ni Teressa ang asawa niya.
"T-teka! Bakit ang gulo ng bahay natin? " Bungad niyang tanong kay Teressa.
" Mamaya ka na mag tanong.Tulungan muna natin ang mga anak natin na nahulog sa basement." Tarantang wika ni Teressa.
"Nahulog sa basement? bakit? Paano sila napunta doon?" Biglang tayo si George at tuloy sunod siya sa asawa niya.
Hindi na sumagot si teressa sa mga katanungan ng asawa niya at agad siyang tumungo sa kaninang nag bukas na basement.
"Dito, George. Tulungan mo akong ukain ito para mailabas na natin ang mga anak natin sa basement nayan." Nakaturo si Teressa sa may lapag sa may kusina nila.
kumuha ng palakol si George at saka niya iyun pinag tataga.
Nang mauka na niya yun ng malaki ay madali na silang nakapasok sa loob ng basement.
Kumuha ng flashlight si Teressa para matanlawan ang madilim na basement. Pag ka bukas na pag ka bukas niya ng flashlight ay agad niyang natanlawan ang dalawa niyang anak na walang malay.
"Naalala ko na. May lumutang nga pala ng vase kanina at tumama yun sa ulo ko. Totoo nga ang mga kababalaghan na nangyayari sa bahay naito. Patawarin mo ako Teressa kung hindi ako nakikinig sainyo ng mga anak natin. Desidido na akong lumipat ulit tayo sa ibang bahay. Naniniwala na ako ngayon sainyo."
Pagkakuha nila sa mga anak nila ay agad agad silang nagtungo sa ospital.
"D-doc? A-ano pong lagay ng mga anak ko?" Nagkukumarat na tanong ni Teressa.
"Misis, matanong ko lang. Bakit ho puno ng dugo ang damit ng isa nyong anak, pero ala naman itong sugat ni isa? Ano ho bang nangyari?" Tanong ng doctor sa kanya.
"Kung sasabihin ko po sainyo ang totoo ay baka hindi rin po kayo maniwala."
"Anong ibig mong sabihin misis?" Litong tanong ng doctor.
"Meron hong masamang ispirito na sumapi sa anak ko. Pero hindi ko po alam kung saan galing ang mga dugo sa damit niya. Pero doc, Maniwala po kayo. Kung iniisip nyong baliw ako ay nag kakamali po kayo."
"Totoo ang sinasabi ng asawa ko doc." Sulpot na sabi ni George na meron nang benda sa ulo. "Ito nga pong nangyari sa ulo ko, kaya po nag dugo ito ay kagagawan din ito ng masamang ispirito na nakatira sa bagong bahay na tinitirihan namin ngayon."
"G-ganun ba? Naniniwala naman ako sainyo dahil halata ang mga takot sa mga mukha nyo. Anyway, wala naman na kayong dapat alalahanin sa mga anak nyo. Okay sila, wala naman akong nakitang mali sa mga katawan nila. Kaya lang antayan nalang natin na magising sila dahil mukang mataas ang pinag bagsakan nila kaya naman nawalan sila ng malay at nag kanda galos galos ang mga binti't braso nila."
"Salamat po Doc." Maikling sagot ni Teressa.
"Sige ho, maiwanan ko na muna kayo at aasikasuhin ko pa ang mga iba ko pang mga pasyente."
"Salamat po ulit Doc." Sambit ni George sabay yuko sa doctor.
Napatitig si teressa sa walang malay niyang mga anak. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kahahantungan ng pag lipat nila sa bagong bahay nila. Ang alam niya ay magiging masaya sila dahil malaki na ang magiging bahay nila. Yun pala ay gulo at takot lang pala ang mararanasan nila.
"George, ngayon lang sa buong buhay ko, ako nakakita nang ganung kakaibang pangyayari. Kitang kita ko kung paano lumutang paitaas ang anak nating si Erika. Nag iba pa nga ang itsura niya. Ibang mukha ang nakalagay sa mukha ng anak natin. Takot na takot ako kanina. Sa sobrang takot ko nga ay naihi pa ako. George, humanap kana ng bagong matutuluyan natin."
“Oo, Teressa. Lilipat na tayo. Wag ka nang mag alala."
Dumalaw si George sa burol ng kumapare niyang si Cocoy. Kitang kita ni George ang mga natamong sugat sa pag patay sa kanya. Halos madurog ang mukha nito at may malaking hiwa sa leeg na tila winakwak pa yun ng mabuti ng pumatay sa kanya.
"Abby, Wala ba kayong alam na may kagalit or nakaaway si Cocoy? Napaka brutal naman ng ginawang pag patay sa kanya? Saka wala manlang bang nakakita?" Tanong ni George sa asawa ni Cocoy na hanggang ngayon eh iyak parin ng iyak.
"George may isang nakakita na kapitbahay ko na parang isang batang babae daw ang pumatay sa kanya. Nakita siya ni aleng gloria na kapitbahay ko na lumabas sa bahay namin na may hawak na daw na kutsilyo. Halos magulat nga daw si aleng gloria nang makita niyang bigla nalang nag laho na parang bula yung babae. At Puro dugo nga daw yung babae pag labas sa bahay namin. Parang hindi kapani-paniwala pero kung hindi man tao yun, malamang multo ‘yun."
"Totoo ba ‘yan? Multo ang pumatay sa asawa mo? Abby Baka naman namamalik-mata lang ang kapit bahay mong---" Bigla nalang napatigil sa pag sasalita si George. Naalala niya kasi bigla yung mga kababalaghang nangyari sa kanilang bahay.
"Oh, bakit napatigil ka sa pag sasalita George?" Gulat na taong ni abby.
"Alam mo abby. Pwedeng multo nga ang gumawa niyan sa kumpare ko. Kasi bagong lipat lang kami sa may kanto diyan sa may malaking bahay. Doon, puro kababalaghan ang nangyari saamin. May mga lumilipad na plato, flowers vase, yung mga tanim na bulalak na kulay red nagiging kulay violet at mismong dalawang batang babae ang laging nag papakita sa mga anak ko. Itong ngang natamo kong sugat ay kagagawan din ng mga multo doon."
"Doon sa bahay nayun kayo lumipat?!" Gulat na tanong ni Abby.
"Oo."
"Naku po, hindi mo ba alam na may pinatay na dalawang bata dun?"
"May pinatay dun?"
"Oo. Mga pamangkin yun ni Dominic. Yung kumapre nyo din ni Cocoy. Sayo pala pinagbili ni Dominic ‘yun? Hindi ba niya nasabi sayo na dun namatay ang dalawang pamangkin niya?"
"Hindi. Saware ba'y patay na ang dalawang batang ‘yun?" Gulat na gulat na tanong ni George.
"Oo. B-bakit tila naman gulat na gulat ka?"
"Ah, eh, Wala lang. S-siguro yung dalawang pamangkin ni Dominic ang nag papakita sa mga anak ko. Walangyang dominic yun, ‘di manlang kami sinabihan."
"So anong balak nyo? Lilipat nalang ba ulit kayo?"
"Oo, at baka mag kasakit sa puso ang mga anak ko't asawa sa sobrang takot."
Pag kagaling ni George sa buro; ng kumapre niya ay tumuloy agad ito sa ospital.
"Hoy George! Bakit tila tulalang tulala ka diyan. Galing ka lang sa burol ni cocoy nag kaganyan kana. Ano bang nasagap mong balita sa kanya?"
"W-wala. May nasabi lang kasi saakin si Abby, yung asawa ni Cocoy. Sabi niya na may namatay daw na dalawang pamangkin si dominic dun sa bahay na nilipatan natin. Ang gago lang nung dominic na’yun at hindi manlang sinabi saatin."
"T-teka, gaano mo na bang katagal na ka kilala si dominic na’yun?"
"Simula highschool pa kami magkakatropa."
"So, kaya pala mura ang bili mo sa bahay nayun dahil matagal na pala kayong mag kakilala?."
"Oo." Walang gana niyang sagot.
"Teka George, bakit ba tila may bumabagabag sayo? Bakit tila ang laki-laki ng problema mo't ganyang ang panlulumo ng itsura mo?"
"Ah ehh..Wala. Nakakapanlumo kasi yung itsura ni cocoy nung makita ko siyang nakahiga sa kabaong."
"Ikaw naman kasi, napakatapang mo at tumitingin kapa sa mga ganung nakahimlay. Ako nga, hindi ako sumusilip sa kabaong kapag napupunta ako sa mga burol. Ayoko ngang tignan at maiisip ko lang yung itsura nun kapag matutulog na ako. Nakaka ngilong tignan."
Maya-maya ay bigla bigla nalang nagising ng sabay ang dalawa nilang anak. Halos mag kanda gulat ang mag asawa sa sobrang pag kakasabay sa pag bangon nang dalawa nilang anak.
Laking gulat din ni George na pag ka mulat na pag mulat ng mga ito ay sa kanya agad nakatingin ang mga mata nito na tila ba'y nanlilisik at galit sa kanya.