Sa tigas ng ulo ni Teressa ay mas minabuti nalang ni George na kausapin ang tatay nito. Nadatnan ni George si ponyong sa kwarto nito na nag aayos ng mga gamit. Kumatok muna siya bago tuluyang pumasok sa kwarto. "T-tay?" Bungad na sambit ni George. Napalingon naman agad si Ponyong ng marinig niya ang boses ni George. "Oh George. Bakit ka naparito?" Sagot nito. "Ah,eh Tay. Si Teressa po kasi eh." "Bakit? Anong problema mo sa anak ko? sige sabihin mo at baka may maitulong ako." "Ang tigas po ng ulo niya eh. Delikado po yung gagawin niya. Ayaw niyang makinig saakin. Kukuhanin daw niya ang loob nila Eri at Emi. Kaya daw niyang itama ng landas yung dalawang bata. Ipaparamdam po daw ni Teressa sa mga bata ang pagmamahal ng isang ina. Ang saakin lang naman po ay baka masanay yung Eri at Emi

