"Hindi ako papayag anak sa gusto mong mangyari. Dito lang ako sa tabi nyo. Sama-sama na tayo. At hindi ko hahayaang mapahamak kayo," Nagpupumilit na sabi ni ponyong. "Oo nga po, dito lang kami sa tabi nyo mama at papa. Hindi namin kayo iiwan," Pag sasang-ayon ni Erika. "Tay naman! wag napong matigas ag ulo. Kami ng bahala dito ni George. Dun nalang kayo sa dati nyong bahay." "Ikaw ang wag matigas ang ulo! Tatay mo ko, kaya ikaw ang dapat na makinig saakin." Seryoso narin si ponyong. "Tama po si Lolo, mama. Sama-sama na tayo. Walang iwanan." Desididong sambit ni Emily. "Sa tingin ko ay tama sila Teressa. Mabuti pang sama-sama nalang tayo ng alam natin ang lagay ng isat-isa." Sambit ni George. Napatigil bigla si Teressa. "Sige na, sige na. Wala na akong magagawa. Madami kayo mag isa l

