CHAPTER 3

615 Words
ALDRICH NAPATINGIN ako sa mga taong naghihyawan. "Mukhang nag-eenjoy sila." Saad ko. Nakalupong lahat sila mukhang may pinapanood sila. "Sandali, may pupuntahan lang ako sa dance floor." Paalam ni Harrison. Napatingin ako sa kaniya. "Who?" "My cousin and her friend. They're in the dance floor." Tumango na lang ako at sinundan ko siya ng tingin.Kinuha ko yung scotch on the rock bago ininom. Bumalik si Harrison, napahilot pa ito sa sentido. "Why?" "That hard headed woman, pinasama ko na sa kaibigan niya para makapagpahinga siya.. Pinauwi ko na." "Good for her, pinauwi mo na yung pinsan mo. Delikado dito sa bar lalo na at babae pa sila." "I know. I don't know why they're here in the club. Nag-aaral pa iyon." "College?" "Yeah, 3year college, fashion designer." "Wow! I thought business din ang kukunin niya. You know Walton are in the field of business." "Tito Jacob is okay about her dreams.Pag kasi hindi naging okay yung gusto ni Yoona, magrerebelde iyon." Naiiling na kwento niya. "Bratty attitude." Naiiling din na sagot ko. "Just like my sister, Loreine." Dagdag ko pa. "Delekado noong nagkaboyfriend si Yoona, siya mismo nanligaw. Imagine? Babae ang manliligaw sa lalake. Baliktad na." "She wil do anything just to get his attention?" Tumango ito. " Yes, but not too much." YOONA TERISS "Kailangan na daw natin umuwi sabi ni Harrison." Nakasimangot ako habang hila ako ni Shana hanggang makasakay kami sa sasakyan ni Shana. "Dalawang oras pa lang naman tayo dito." Angal ko. "Sinusunod lang natin ang gusto ng pinsan mo. You know you cant't say no to your cousin." Habang nasa biyahe kami, nakatingin lang ako sa bintana. "By the way, Shana kilala mo ba si Aldrich Hipolito?" Tanong ko. "Yes, he is a famous tycoon businessman." "Bakit hindi ko alam?" Nagtatakang tanong ko. "Ewan ko ba sayo, saan lupalop ka ba napunta bakit hindi mo alam?" Napasimangot ako dahilan para tumawa ito. "Nasa Condour Street ang bahay niya sa Greenville, so malapit lang sa bahay naming." "Saka kaibigan siya ni Kuya Shawn." Dagdag nito. Tumingin ako sa kaniya. " Tulungan mo ako na mapalapit sa kaniya." Nakangiting sabi ko. Napatingin ito sa akin bago ibinalik ang atensyon niya sa daan. "Teriss, I know that kind of smile. May binabalak ka na naman." Babala na sabi nito. "Wala kaya, please." "Okay sige." Pagsuko nito. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. "Thank you." Sisiguraduhin ko na mapapalapit ako kay Aldrich. 100% na mapapalapit ako sa kaniya. ** Pagkarating naming sa bahay nila Shana, bumaba na kaagad ako sa sasakyan at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Kahit naman hindi ko na hintayin si Shana ay pwede na akong pumasok. Lumapit kaagad ako kay Tita Sharon, hinalikan ko siya sa pisngi. "You're drunk,Yoona." Panimula nito. Napatawa ako dahil iyon kaagad ang pambungad ni Tita sa akin. "Just a little bit, Tita." I said before I sit beside her. "Saan na naman kayo nagpunta?" Tanong nito. "Sa Precosta Club lang po, Tita." "Minsan lang 'yan, Yoona nag-aaral pa kayo. Saka na kayo magbar ng magbar pag nakatapos na kayo." Pangaral nito. "Opo naman, Tita." Nakangiting saad ko. Nagpaalam na ako bago umakyat sa second floor. Dumeretso ako sa kwarto ni Shana saka humiga, hanggang bumukas yung pintuan. "Saan banda dito yung bahay ni Aldrich?" "Ikaw ah! Kakapasok ko pa lang dito sa kwarto ko, iyan na kaagad yung sumalubong sa akin." Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "May magagawa ba ako kung interesado talaga ako sa kanya." Pagdadahilan ko. "Okay fine." Pagsuko nito, "Pagkalabas mo dito mapapadaan kaa sa Condour Street, yung kulay gray na bahay, dahil nag-iisang bahay lang iyon na kulay gray. Hindi ka maliligaw doon." "Ayorn!" Masayang saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD