HABANG nasa biyahe kami papuntang NAIA tahimik lang ako, ganon din si Kuya Jaden. "Alam mo ba ang laking sakrepisyo ang ginawa ni Aldrich para sayo, para sa akin." Kumunot ang noo ko. "What do you mean by that Kuya?" "Isinakrepisyo ni Aldrich ang nararamdaman niya sayo para lang makarating ka sa gusto mo, kung ano ka ngayon dahil din yon kay Aldrich." "Ano nga kasing ibig mong sabihin Kuya?" Napasulyap ito habang nagmamaneho. "Noong nagtatrabaho ka sa kaniya, hindi lang si Brady ang nagsumbong sayo kundi pati ako. Hinihintay ko lang na magtagal ka doon kay Aldrich, hanggang malaman ko na napabayaan mo ang pag-aaral mo. So I have no choice but to tell Dad before I tell Mama." Gulat na napatingin ako sa kaniya. "P–paano mo nalaman, Kuya?" Ngumisi ito bigla. "I secretly monitor your mo

