YOONA
Habang nagkaklasse kami, nagdidiscuss lang ang prof namin dahil may project daw kami para sa Fashion Line.
"Teriss, bar tayo mamaya." Bulong na sabi ni Shana na katabi ko lang.
"What time ba? Ipagpaalam mo ako, kundi hindi ako papayagan ni dad. Sabihin mo na lang makikitulog ako sainyo." Sabi ko.
"Okay, basta puntahan na lang kita sa bahay niyo." Sabi niya.
Hindi na ako nagsalita at nakinig na lang, hanggang sa uwian na namin.
"Pupuntahan kita sa bahay niyo. 8:00." Sabi nito. Tumango lang ako bago sumakay sa backseat dahil sinundo ako ni manong.
Pagkarating sa bahay, pumasok na ako at nadatnan ko sina mommy at daddy na nag-uusap.
Lumapit ako sakanila at naglalambing na yumakap sakanila.
"What do you need terris? I know you." Sabi ni dad.
Napanguso tuloy ako. "Dad naman. Hindi ba pwedeng naglalambing lang?"
Napatawa ito. "I know. Anong kailangan mo ba?" Tanong nito.
"Pwede bang makitulog kay shana?"
"I don't feel your idea. Kailangan si shana ang magpaalam dito." Sagot na sabi ni dad.
"Dad naman." Pagmamaktol na sabi ko.
"Basta, si shana ang magpapaalam at hindi ikaw. Go to your room."
Lalong humaba yung nguso ko dahil sa sinabi ni dad. Wala akong nagawa kundi ang umakyat papunta sa kwarto ko.
Si Daddy naman kasi, kailangan pa kasing si Shana yung magpapaalam. Pag kasi alam ni dad na si shana yung kasama ko. Papayagan niya ako. Wala naman si victoria nasa Greece.
Bago 8:00 naligo na ako at nagsuot ng denim short at light pink tshirt. Kumuha din ako ng bag at nilagay doon yung black plain pleated backless at 5 inches na black stilletos.
Isinakbit ko na yung bag ko sa balikat ko bago bumaba. Sumakto naman na kakarating lang ni Shana.
Lumapit ako sakanya bago nakipagbeso. "Kausapin mo na si dad." Mahinang sabi ko sakanya.
"Hintayin mo ako sa sasakyan, ako nang bahala." Sabi nito. Tumango ako bago lumabas.
Dumeretso ako sa sasakyan niya at sumakay. Tinted naman yung mga salamin kaya okay na to.
Hinubad ko yung damit at short ko saka inalis yung bra ko, isinuot ko na yung black plain pleated backless at 5 inches na black stilletos.
Inilagay ko yung damit ko sa bag at inayos ko yung buhok ko, nag-apply na din ako ng red lipstick.
Pumasok na si Shana sa driver seat. Tumingin ito sakin at ngumiti. "Okay na." Nakangiting sabi niya.
"Nice. Thank you Shana, let's go na." Pag-aanyaya ko.
Pagkarating namin, pumasok kaagad kami sa loob ng bar na sumalubong samin ay usok ng sigarilyo at amoy ng iba't ibang uri ng alak.
Lumapit ako sa may bar counter at umupo kasama si Shana. "One margarita for my order." I said while looking for him. He smile at me, so cute.