PAPASOK na ako sa bahay dala-dala yung pinamili ko galing grocery dahil inutusan ako ni manang.
Dumeretso ako sa back door at doon pumasok, nilagay ko yung mga pinamili ko sa kitchen counter, sumakto naman pumasok si manang rossa.
"Teressita, dalhin mo muna ito sa sala. May bisita kasi si Aldrich hindi ko naman maasikaso dahil madami akong ginagawa."
Ngumiti ako. "Okay lang manang, akin na." Sabi ko.
Kinuha ko yung tray na naglalaman ng inumin at pumasok sa sala. Ilalapag ko na sana yung juice ng matigilan ako kung sino yung bisita ni Aldrich, dahilan para mabitawan ko yung tray at nabasag yung mga baso dahilan para mapaigik ako.
Tinignan ko yung paa ko ng makita ko na nagdurugo yung paa ko.
"Terresita. Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni aldrich.
"Oo, okay lang." sagot ko kahit hindi naman.
Tumingin ako sa bisita ni aldrich, tila para bang nawalan ako ng lakas. "D–dad." Kinakabahan na tawag ko.
Tila ba naguluhan si aldrich dahil sa pagganggit ko kay Dad.
"What is this, Yoona Teriss?" Babala na tanong ni dad.
"Mr. Walton, you're wrong. Teressita Calderon ang buong pangalan niya." Sabat na sabi ni Aldrich.
"She's my daughter, Mister." Giit na sabi ni dad.
Tumingin ulit sakin si dad na may pagkaseryoso. "We need to go home, Yoona Teriss. Pack your things." Maowtoridad na utos ni dad.
Umiling ako bilang sagot. Ayokong umalis, ayokong mapalayo kay aldrich. "Go now, alam mo na iba akong magalit Yoona Teriss." Seryosong sabi ni dad.
Wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa maid's room. Pagkapasok ko kinuha ko yung maleta ko at inilagay yung mga gamit ko. Isasara ko na sana yung maleta ko ng may biglang nagsalita sa likuran ko.
"So, you're the daughter of multi-millionaire in asia."
Napatingin ako sakanya na ngayon ay papalapit sa kinaroroonan ko. "S–sorry aldrich." Paumanhin na sabi ko.
"You'll lied to me." Diin na sabi nito.
"I know, pero pwedeng saka na natin to pag-usapan. Magagalit si daddy nito." Sabi ko sakanya.
"Go! Don't come back!" Galit na sabi niya.
Napayuko ako dahil doon. Magsasalita na sana ako ng bumukas yung pintuan at sumilip si manang rosa. "Teressita o yoona, tawag ka nang daddy mo. Kailangan niyo na daw umalis." Sabi ni manang.
"Sige po manang, susunod na po ako." Sabi ko.
Isinarado ko na yung maleta bago humarap sakanya, yung mata niya na napakablanko. Lumapit ako sakanya saka siya hinalikan sa labi. "Sorry ulit. Promise, pag nakita kita ulit magpapaliwanag ako." Sabi ko bago hinila yung maleta ko at pumasok sa dinning area.
Lumapit na ako kay dad na naghihintay sakin, kinuha niya lang yung dalang maleta ko bago naunang lumabas. Tumingin ako kay manang, lumapit ako sakanya. "Manang, sorry po sa pagsisinungaling kaya ko lang naman po nagawa iyon dahil mahal ko po si aldrich, ingat po kayo palagi dito. Promise po dadalawin ko kayo minsan." Nakangiting sabi ko.
"Ikaw talagang bata ka oh, alam ko palang simula sa una na nagpapanggap ka lang na katulong. Una palang nagtataka na ako sayo dahil hindi halata sa itsura mo na maga-apply ng katulong dito, kutis mayaman ka, kapansin-pansin din kasi na hindi ka marunong sa gawaing bahay dahil napakadami mong nabasag na plato at baso sa tuwing naghuhugas ka ng plato at pansin ko din na kaagad kang napapagod dahil sa hindi ka sanay kaya naman pala anak mayaman ka din." Napapailing na sabi ni manang.
Napatingin ako kay aldrich na ngayon ay nasa pintuan ng kusina. "Sorry talaga manang, promise babawi ako. Lalambingin ko lang si dad tapos babalik ako dito." Sabi ko.
"Hindi na siya babalik dito manang." Sabi ni aldrich.
Lumapit ako kay manang saka siya niyakap. "Ingat ka po dito manang, saka huwag po kayong makikinig kay aldrich." Mahinang sabi ko sa bandang dulo.
"Leave now." Pautos na sabi nito.
Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at lumabas ng bahay. Sumakay na ako sa kotse ni dad at nagsuot ng seatbelt.
"Ready for your consequece. Tiyak pati mommy mo magagalit sayo." Naiiling na sabi ni dad.
Napasimangot tuloy ako. "Dad naman, huwag naman kay mommy, makukurot niya ako sa singit niyan ee."
Natawa lang ito sa sinabi ko. "Buti na lang hindi ako ganon kahigpit sayo pero may parusa ka na manggagaling sakin na hindi mo magugustuhan. Idagdag mo pa ang magiging hatol mo sa mommy mo." Sabi nito.
"Dad naman, tinatakot niyo ako ee."
"Dapat lang yoona teriss, buti na lang hindi alam ito ng Kuya mo kundi kasama siya sa maghahatol sayo." Naiiling na sabi ni dad.
Tumahimik na lang ako habang nasa biyahe kami.Napalunok ako tuwing naiisip ko yung mga mangyayari, habot hanggang bumbunan yung kaba ko dahil iba din magalit si mommy, pero mas malala nga lang si daddy.
Napatingin ako bigla sa sugat ko na nagdurugo pa din pala. Para tuloy nakaramdam ako ng hilo.
"D–dad."
"Yes, Princess?"
"Nahihilo ako." Iyon na lang nasabi ko bago ako mawalan ng malay.