"What happen?" Nag-aalalang tanong ni Mommy ng makauwi ako sa bahay.
Umiling ako. "Nothing, Mom."
Pumunta na ako sa kwarto ko. Hindi ko na siya guguluhin pa.
Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Biglang nagflashback lahat ng mga memories namin ni Aldrich na magkasama.
Narinig ko na lang yung pintuan na bumukas' sara. Napatingin ako doon.
"Dad. ."
Lumapit ito sa gawi ko at umupo sa kama, habang ako nakahiga pa din. "Ang aga mo naman, saan ka galing?"
Umiwas ako ng tingin. "W–wala naman, Dad."
"It's all about Mr. Hipolito, again?"
Napabaling ulit ang tingin ko sa kaniya. "N–no."
"You know me, Yoona Teriss. I hate when you lie to me."
Umupo ako at niyakap ang mga binti ko. Kasabay ng sunod-sunod na nagpatakan ang mga luha ko.
"Hindi na niya ako kailangan, Dad. He don't need me anymore in his life." Umiiyak na sabi ko.
"Shh. . Don't cry."
"It hurts, Dad. I can't do that, ayokong umalis sa buhay niya."
Pinunasan niya ang luha ko. "Ganito ba talaga, Dad? Nagsinungaling lang ako at nagpanggap bilang katulong pero bakit ganon naman yung kinahinatnan ng lahat? Nagmahal lang ako, Dad."
"That's the consiquences, Princess. Dapat sa una palang ay naging ready ka sa mangyayari pag nalaman niya."
"Nawala sa isip ko, Dad. Napabayaan ko na pati pag-aaral ko, paano niyan Dad? Ayokong umalis dito."
"We don't have no choice but to respect your Mom's decision. Pupunta ka ng New York at doon mag-aaral."
Napabugtong hininga na lang ako. "Pwede bang huwag na lang umalis?"
Umiling ito. "No, your Mom will be mad at you. Go to your apartment, kunin mo lahat ng damit mo doon. Day after tomorrow will be your flight."
Tumango ako at niyakap siya. "I'm sorry for everything I've done, Dad."
Yumakap ito pabalik sa akin. "It's okay, it's not too late for you to change."
Kumalas ako ng pagkakayakap sa kaniya. "Baka doon ay makita ko ang dapat na lalakeng magmamahal sa akin."
Sinamaan niya ako ng tingin. "No boys, Yoona Teriss. Study first."
Natawa ako. "Joke lang, Dad. I will study there. After a year I will be the famous fashion designer."
Ngumiti ito. "That's my princess."
"Ang totoo ay mamimiss kita, Dad."
"Asus. I will miss you too, Yoona. When I'm not busy, I will visit you in New York."
"Aasahan ko yan, Dad."
**
Nilabas ko lahat ng gamit ko sa apartment ko. Sinarado ko yung pintuan ng apartment bago ako naglakad dala-dala ang dalawang malaking maleta at isang bagpack.
Naramdaman ko na lang na may nang-agaw sa isang maleta na dala ko. Hahampasin ko na sana siya ng dala kong bag ng matigilan ako.
"What are you doing here, Jeiren?"
"Sinundan kita, beside I'm one of your concern friend."
"Ayokong mainvolve sa inyo na magpinsan."
Natawa ito. "But I'm your friend."
Napairap ako. "Still, you're a Hipolito."
"Ano naman kung Hipolito din ako?"
"Magpinsan kayo. Kaya nga lalayo na ako."
Sumeryoso ito. "What do you mean?"
"I'm leaving. . I'm leaving the country. . I'm out of his life, gaya ng gusto niya." Mahinang sabi ko sa pinakadulo.
"Sinabi niya iyon?"
"Yes."
"Damn that bastard!" Galit na sabi nito.
Tumahimik na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Get in my car, ihahatid na kita sa bahay niyo. Delekado na dito sa daan lalo na gabi na."
Tumango ako at sumakay sa kotse niya.
Pagkarating sa tapat ng bahay tumingin ako kay Jeiren. "Thank you."
Tumingin ito sa akin. "Welcome. Always take care of yourself, Yoona."
Ngumiti ako. "I will."
Yumakap ako sa kaniya bago lumabas ng kotse niya dala ang mga gamit ko. Hinintay ko muna siyang umalis bago pumasok sa bahay.
People can get tired. . Because of love.