Chapter 17 -The Announcement Alleon "Pumunta ako ng Laguna. May assikasuhin lang ako. Babalik din ako pero sa September 23 sa Manila Hotel may event don ang Claveria family. Pumunta ka, nandon ako. Ang pinakamagandang babae, Tureng. PS: I love you' Pag uwi ko wala ng gamit si Tureng dito sa condo ko. Sabi nya babalik sya pero nag alsa balutan naman. Isang message ang iniwan nya sa desk ko. I try to call her pero hindi sya nasagot. "Pre, ano na bang balak mo kay Anna?" Tanong ni Edmond habang pinapanuod ako mag paint. Nasa studio ako ngayon. Ilang araw na rin akong nandito dahil dinadaan ko na lang sa pagpipinta ang gumugulo sa utak ko. "Wag kang magulo nag pipintura ako." "Tol, wag kang maging bakla sa desisyon mo. Tangina, panagutan mo yon wag ka na mag isip pa ng ibang option."

